XXVIII- Let's Date!

503 34 9
                                    

Happy Valentines!

Sa phone ko lang toh ginawa kaya marami wrong spelling o spacing.

Guys! Try niyo naman po iread yung The Club: Dark Secrets. Tumaas na ulit yung rank niya. :). Pretty please read atleast 5-10chap. Hindi ko kayo piliting tapusin but pls. .try. Yung book 2 nun nagrank 10 dati kaso biglang nagbago yung category. Don't know what happened pero now asa rank 12 siya.:).

--

Pinunasan ni Jane, na ngayon ay kilala na bilang Uni, ang mga luha sa pisngi. Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Kailangang makausap niya si S.

--------------------------

"Eto! Eto! Eto rin gusto ko nito!" Turo ni Pim sa barbecue, isaw at tenga ng baboy.

Napapakamot naman ng ulo si Mart sa kasama nila ni Lia.


"Pim, umorder ka rin ng juice baka mabulunan ka." Sulsol pa ni Lia. "Eto tikman natin tong may bilog bilog na itim."

"Sago ang tawag diyan." Ani ni Mart sabay bayad.

"Hehe! Hindi pa kasi namin natry yan." Ngiti ni Lia.


Nasa Carnival City sila ngayong tatlo. Dito sila dinala ni Mart. Matapos nilang magsnack ay naging hyper nanaman si Pim.

"Sakay tayo doon sa pusit!" Hindi na hinintay ni Pim ang dalawa at nagtatakbong pumila ito sa linya. Ride all you can ang biniling ticket kasi ni Mart dahil may discount naman daw siya. Kamag anak daw kasi nito ang isa sa mga supervisors ng pinakamalaking Carnival sa City Central.

Eto na ang hinihintay na tiyempo ni Mart ang masolo si Lia. "Uhm.. Lia, ano.. Ahm- puwe-puwede bang-"

"Guys!!" Sigaw sa kanila ni Pim. "Hurry up!"

"Oo, andiyan na!" Sagot ni Lia sabay lakad na kinalungkot ni Mart pero..


Tumalima ito at binalikan siya.


"Tara na." Nakangiting aya ni Lia sa binata sabay hawak ng kamay nito at hila.

Hindi na nakita ni Lia ang pagbublush ni Mart.

"Oh, ba't ang pula ng pisngi mo?" Bigay pansin ni Pim kay Mart nang makalapit ang mga ito.

Napaubo ng peke si Mart. "Ano- Ano kasi mainit."

Tumango-tango naman ang dalawa.

Nakailang rides pa sila at halos mahilo na si Mart hindi lang dahil sa mga sinakyan nila kundi pati sa kakulitan ni Pim.

Nakakita naman si Pim ng mga booths na may mga stufftoys at kaagad na nagyaya doon.


"Wow! Ang cute nun." Turo ni Lia sa color pink na bear.

"Gu-gusto ma ba nun?" Nauutal na tanong ni Mart.

Tumango-tango naman si Lia.

"Marunong ka ba magdarts?" Tanong naman ni Pim.

"Konti." Sagot ni Mart.


Nagsimulang maglaro si Mart habang nagchecheer si Lia na lalong ikinalakas ng loob ng binata.


Paikot-ikot naman ang tingin ni Pim sa paligid nang may mapansing dalawang nag-aaway. "Ryn!"

"Pim!" Bati rin ni Ryn nang makalapit ito.

"Ba't kayo magkasama? May date din kayo? Kaya pala di ka sa amin sumama." Makahulugang ngisi ni Pim.

Nanlaki ang mga mata ni Ryn. "Eto? Date? Nagpapatawa ka ba? Hindi ako makikipagdate sa tulad niya noh!"

"As if I'm going to date someone like you!" Asar na sabi ni Niel sabay hila ng braso ni Ryn. "Tara na!"

"Ano ba?! Sige Pim una na kami." Paalam ni Ryn.

"Okay." Nakangiting sabi ni Pim. "Ingats. Enjoy your date!"

"Hindi nga toh date!" Sigaw ni Ryn na naglalakad na palayo.

"Si Ryn yun di ba?" Tanong ni Lia na nakalapit na pala at akap na ang pink bear.

"Yap!" Sagot ni Pim na ngingiti ngiti.

"At magkasama silang dalawa?" -Lia.

"Aha." Tango ni Pim.

"Uhm. Guys, dinner na tayo. May alam akong restaurant ditong masarap." Yaya ni Mart.

Sa isang Korean grill dinala ni Mart ang dalawa.


Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa restaurant ay parang naging telescope ang mata ni Pim. Ubod ngiti itong dumiretso sa isang grupong kumakain at hindi na inintindi ang pagtawag ni Lia.


Yumuko si Pim ng kaunti para pumantay sa lalakeng abalang kumakain. "Good evening Honey!"

Halos mabulunan si Gun sa pagkagulat. He glared at the girl beside him na pinilit isiksik ang sarili sa mahabang upuan. "What the f**k are you doing here?"

Sa halip na matakot ay pinisil pa ni Pim ang pisngi nito. "Ang pogi mo talaga. I'm on a date!"

Nanlaki ang mga mata ni Gun. "Wh-Whaaaat?! I- I mean what are you doing here beside me? Nasaan ba yung date mo?!"

Hindi naman na napigilan ni Tobbie ang punipigil na tawa at halos lumabas sa bibig ang kimching kinakain nito. Ganoon din ang iba maliban kay Zedrich na napapangiti lang.

Gun gave them a warning glare meaning magsitigil kayo kung ayaw niyong maparusahan.

Kaagad namang umiwas ng tingin sinaTobbie na nagpipigil ng tawa.

"Napaghahalataan ka." Medyong mahinang ngisi ni Zedrich sabay tuloy sa pagkain.

"Anong napaghahalataan?" Inocenteng tanong ni Pim.

"Wala! Tsk!" Inis na sagot ni Gun sabay balot ng kimchi sa beef at subo. "Lumayo-layo ka nga sa akin baka magselos pa kadate mo at mapaaway pa ako."

Narinig pa niya ang bulong ni Borge na ikinahagikgik ni Tobbie. "Baka siya."

"Bakit naman magseselos si Lia at Mart sa iyo?" Namimilog ang mga matang tanong ni Pim.

"You-you mean dalawa kasama mo?" -Gun.

Tumango-tango si Pim. "Oo, friendly date namin ngayon."

"Yun pala eh. Bumalik ka na doon." -Gun.

"Ayaw mo akong kasama?" Pim pouted.

Isang madiing "No." Ang sinagot ni Gun.


Nakabusangot na tumayo si Pim. Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang may humablot ng braso niya.

"Why so sad Miss? Are you alone? Let's date." Ngisi ng binatang nakataas ang buhok at kulay red.

Biglang may humablot naman ng kabilang braso ni Pim.

"I'm her date." Mariing sabi ni Gun. "So. Back. Of!"

--
Next Chap. Kapag naka15 votes per chap. Pagtutuunan ko rin kasi ng pansin ang The ClubII: Revelation.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon