XV- B for Bishop

542 32 5
                                    

Ang mga susunod niyong mababasang chapters ay may karahasan. Kung ayaw basahin skip it. Huwag isumbong. Kung ayaw ng basahin delete sa library. Huwag parang tanga na magcocomment na marahas dahil sinabi ko na nga! Huwag ring parang perpekto na malasanta at ayaw sa karahasan na mababasa at irereport. Katulad ng sabi ko lung ayaw mo wag mo na ituloy basahin Tanga lang o nagtatangatangahan?

Uulitin ko magsisimula na akong magsulat este type ng mabibigat na chaps.

-------

Kasalukuyang pinagbabalat ng mansanas ni B ang kanyang kapatid na si Yumi nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang tinanggap ang tawag. Napangiti siya sa narinig bago ito binaba.

Napatingin siya sa kanyang kapatid na nakatanaw sa labas ng bintana. Malaki na rin ang inimprove nito mula nang mangyari ang krimeng iyon sa kanyang kapatid.

Nakukuha na nitong muling ngumiti at magsalita kahit kaunti hindi tulad ng mga nakaraang taon na tahimik lamang.

Flashback

Hapon noon at nasa trabaho siya nang tumawag si Yumi. Kailangan niyang magtrabaho dahil ulila na silang magkapatid. Mabuti at matalino si Yumi kaya naging scholar.

"Kuya, puwede po ba akong sumama kina Amy? B-day niya ngayon nagkayayaang kumain. Ngayon lang naman ako lalabas please po kuya." Pagmamakaawa ni Yumi.

Nagalinlangan pa siya kung papayagan ito pero naisip niyang minsan lang itong lumabas kasama ang mga kaibigan. Once in a blue moon pa nga.

"Oh sige pero wag ka magpapagabi at itext mo sa akin kung saan."

"Okey kuya. Muwah love you!"

Napangiti siya. Sweet talaga ang kapatid niya at hyper.

Maya-maya'y nakareceive siya ng text mula rito kung nasaan ito.

Ilang oras din ang lumipas at tapos na rin ang shift niya sa trabaho.

Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan at nag-alala. Papadilim na dapat ay nakauwi na ang kapatid niya. Dapat ay nagtetext na toh sa kanya.

Nagpasya siyang tawagan na ito. Nakailang ring ito bago sumagot.

"Ku-kuya pls. sunduin mo ko rito." Halos pabulong na sabi ni Yumi.

Lalong kumabog ang dibdib niya. "Nasaan ka?"

Kaagad na sinabi ni Yumi kung nasaang bar siya.

"Ano?! Ba't nariyan-"

Hindi na niya natuloy ang tanong nang may marinig siyang boses ng babae.

"Yu! Naririto ka lang pala.Halika na hinihintay na nila tayo!"

"Pe-pero ayoko. Uuwi na lang ako. Hinahanap na ako ni kuya."

"Ano ba yan Zia?!"-boses ng isang lalake.

"Halika na! Naroon na si Amy. Huwag ka ng magpakipot mga guwapo naman nakabili sa iyo."

"A-ano po? Ayaw ko. Bitiwan niyo ako! Aah!"

Nakarinig ng malakas na sampal si B at ingay na parang may nabasag.

"Yumi?! Yumi!" Sigaw niya ngunit biglang nawala ang linya.

Dali-dali siyang sumakay sa luma niyang motor at pinuntahan ang nasabing lugar. Malapit lang ito sa pinagtatrabahuhan niya.

Hindi pa siya gaanong nakakalapit sa nasabing bar ngunit tanaw na niya ang dalawang lalake na sinasakay na ang kanyang kapatid na mukhang naghihina sa isang van.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon