XXII- Friends?

456 29 3
                                    

"Ito na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong ni Rein sabay kuha ng mga dala-dala ni Lia.

"Salamat. Oo."

"Tara, ihatid na kita."

"Hindi na sasabay na lang ako kina Pim."

"Nauna na sina Pim."

"Ha?!" Lagot talaga sa akin yun paguwi ko. "Ganun ba? Okey lang, kaya ko namang umuwi mag-isa."

"No, I insist."

"Hindi na-"

"Ihahatid kita and that's final. Tara!"

Palabas na sana ng bar sina Lia nang makasalubong nila si Mart. "Lia! Ayos ka lang ba?"

"Obvious naman na ayos siya di ba?" Sarcastic na sabi ni Rein.

Pinandilatan ni Lia ang katabi bago muling kinausap si Mart. "Ayos lang ako. Nagtago I mean tinago kami sa CR kanina. Hehehe! Ikaw? Mabuti hindi ka na paano."

"Eh, nagtago din kasi ako." Sagot ni Mart sabay kamot ng ulo.

Nagkatawanan ang dalawa nang umubo ng peke si Rein. "Ehem! Ah, puwede na siguro tayo umalis."

"Ah,  oo nga pala. Mauna na kami, Mart. Kita na lang tayo sa school." Paalam ni Lia.

"Sige. Ingat." -Mart.

Nakasalubong pa nila sa labas sina Zedrich na naghihitay. Kinausap ito ni Rein na siya na ang maghahatid ki Lia.

----------------------

"Dahan-dahan." Reklamo ni Rein habang ginagamot ni Lia ang mga sugat niya sa mukha.

"Hehe! Para ka namang bata." Natatawang sabi ni Lia. "Oh eto. Lagyan natin nitong cream para hindi pumeklat sa mala anghel mong mukha."

"Naguwaguwapuhan ka sa akin noh?"

"Kapal!" Diniinan ni Lia ang paglagay ng cream sa sugat ni Rein.

"Aray! Sabi mo mala anghel."

"May sinabi ba ako?"

"Oo meron!"

"Wala!"

"Hindi ako bingi."

"Oo na. Ang amo kasi ng mukha mo parang babae." (^_^)

"Ano?!" (-_-)

"Hehe! Totoo naman eh. Hindi ka guwapo, maganda ka!"

"Bawiin mo yang sinabi mo!" (~_~)

"Oo na. Guwapo ka na." Natatawang sabi ni Lia sabay bulong sa sarili. "Guwapa ka hehe!"

"What did you say?"

"Sabi ko ang guwapo mo."

"Good." Sabay ngiti ni Rein.

"Mas guwapo ka pag lagi kang ngumingiti, sa school kasi parang lagi kang problemado. Madalang lang kitang makitang ngumiti."

"Ngumingiti kaya ako."

"Yung totoong ngiti, Rein.."

Hindi nakaimik si Rein sa tinuran ng huli.

"Let's be friends, Rein, puwede? Real friends."

"Are you sure you want to be friends with me? Ang sabi mo mukha akong anghel but believe me I'm not one." Makahulugang sabi ni Rein.

I know.. "Ayos lang. Hehe! Feeling ko kasi masaya ka maging friends." Hindi lang friendship ang habol ko sa iyo.

"Okey." Rein smiled. This time masaya talaga siya. Matagal na siyang hindi ngumingiti ng ganoon. "Gutom na ako. Kain tayo!"

"Sige ba! Gutom na rin ako eh."

-----------------------------------

REIN'S POV

Kanina pa ako nakauwi at nakahiga sa kama ko pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha ko. Masaya akong naging kaibigan si Lia. Nag enjoy talaga akong kasama siya. Wala siyang arte hindi tulad ng gf ko. Don't get me wrong hindi ako inlove ki Lia dahil mahal na mahal ko ang girl friend ko kahit na lihim lang ang aming relasyon.

Masaya lang talagang kasama si Lia. Namiss ko tuloy ang girlfriend ko. (_ _)

Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumunog ang cp ko. Speaking of! Ang gf ko tumatawag. (^_^)

"Hi baby!" -Me.

"I heard what happened! Are you okey? My gosh! Kinalaban niyo ang grupo nina Zack!"

"I'm okey and don't worry about it. Hindi lang naman ako ang nakalaban ng mga yun kundi pati sina Gun at Niel."

"Kahit na! Alam mo namang mga sira ulo ang mga yun. Paano kung buweltahan kayo? Alam mo namang hawak na yun ng Web at isa rin yung next generation master."

"Baby, relax-"

"How can I relax?! Alam mo ba na ipamamana na ki Zack ang Cutter gang next week? Oo nga mas makapangyarihan at malawak ang nasasakupan niyo pero alalahanin mo na hindi mabuti ang relasyon niyo ng Daddy mo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya. Hindi okey ang relasyon naming mag-ama. Yes, ibinibigay niya ang mga materyal na bagay pero kung tratuhin pa rin niya ako parang laruan, basura. Ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Mom at kuya..

"Hello? Rein, nakikinig ka pa ba?"

"Y-yeah I'm here."

"Hai, I'm sorry. It's just-"

"You're right. It's like wala siyang balak ipamana sa akin ang East Side. Kaya nga hanggang ngayon hindi kita makuha sa kanya.." Kaya hindi ako makangiti ng totoo dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Rein.. You know how much I love you."

"I know.. I'm sorry."

"I should be the one saying that. Alam mo namang pinagkasundo lang kami di ba?"

Narinig kong humihikbi na siya..

"Don't cry. Magiging maayos din ang lahat." Sana..

"I love you, Rein."

"I love you too, Julie.."

"Agh, I gotta go. Tumatawag si Niel."

"Okey.."

--end call--

Good thing binilhan ko siya ng isa pang cp na para sa amin lang dalawa. Hai... Naiiyak ako.

Ano kaya gagawin ko? Mukhang sa kanang kamay ni papa ipamamana ang east side.. Paano na kaya? Teka!-

Dali-dali kong kinuha ang card sa secret hiding place ko sa aparador.

Pinagmasdan ko muna ang purple envelope na may nakaengrave na maliit na lettrang kulay gold sa bottom right.

S

----------------------------UD?

Thank you for reading and votes! Next UD on Dec. 25. 2-3chaps.next ud IF umabot ng 220 total votes.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon