Yuri's POV
"Langya naman hoy! Panira ka ng moment eh."
Napatingin ako sa side ko at nakita ko doon yung isang babaeng galit na galit na nakatingin sa akin.
"Ang laki-laki ng park na to pero dito ka umupo sa mahabang bench na to? Tapos iyak ka ng iyak dyan!"
Hindi ko sya sinasagot dahil wala ako sa mood makipag talo sa kanya.
"Ano titignan mo lang ako?"
Wala nga ako sa mood makipag talo pero naiinis na rin ako sa kanya sumasabay pa sya sa bigat ng problema ko.
"Ano na? Hindi ka aalis? busy ako dito na nag rerecord ng video para mag mag confess sa crush ko tapos makikita sa background may babaeng umiiyak?"
"Ano pakialam mo?"
"What???"
"Anong problema mo?"
"Hindi mo na gets yung point ko?"
"Pwede ba kung pinoproblema mo ako dahil sagabal ako dyan sa kalokohan mong yan lumipat ka nalang ng ibang bench dito ikaw na nag sabi ang laki laki nitong park."
"Wow ako pa talaga??? Sino ba nauna dito?"
"Ako?"
"Kapal ng face ah."
"Pwede ba umalis ka nalang dumadagdag ka pa sa problema ko eh."
"Hindi ako aalis dahil ako ang nauna dito."
"Kung ganun wag mo akong pakialaman."
"Ito yung magandang view ng park na to kaya magandang gawing background nasa harap yung road daming dumadaang sasakyan then nasa likod naman yung tahimik na part at maraming trees kaya lumipat ka na at iwanan mo ako dito."
Hindi ko na sya pinansin kahit daldal sya ng daldal dyan ayokong problemahin pa yang kaartehan ng babaeng yan dahil mas malaki ang problema ko ngayon.
"Ano ba kasing iniiyak iyak mo dyan? langya pati sa audio rinig ka eh baka lalo akong hindi sagutin nito ng crush ko tss."
"Sa ugali mong yan hindi ka talaga nya sasagutin!"
"Hoy!!! marami may crush sa akin kaya kampante ako na sasagutin ako nun."
"Masama ugali mo kaya hindi ka nya sasagutin!"
"Bawiin mo yang sinabi mo!"
Hindi ko na lang ulit sya pinansin.
"Tss kaya ka siguro umiiyak dahil iniwan ka ng taong mahal mo noh? Masama din kasi ang ugali mo."
Tinitigan ko sya ng masama at ganun din yung ginawa nya sa akin.
"Hindi mo ako kilala kaya wala kang alam sa buhay ko para sabihan ako ng ganyan."
"Hindi mo rin ako kilala kaya wala ka ring karapatan na sabihan akong masama ugali ko para hindi ako sagutin ng crush ko."
Patuloy kaming nag titigan na dalawa at natigil lang yun ng mag ring yung phone ko.
Tumatawag si eomma hinahanap na siguro nila ako dahil alam na nila ang nangyari.
Hindi ko sinagot at pinatay ko nalang yung phone ko.
Muling bumalik sa akin lahat ng problema ko yung sakit ng betrayal, yung paninisi, yung pang hihinayang.
BINABASA MO ANG
Fix Me || Yulyen
FanfictionYulyen Tagalog Fanfic _ Where in a girl has lost her direction in life praying for God to take her every time she opens her eyes in the morning, she's not smiling, just living her life like she is the only person in this earth. Will she just live l...