Yena's POV
“Umupo ka muna dyan.. ahm what do you want? Coffee? Milk? Soda Or Water?”
Sabi ni Yuri habang binababa yung gamit nya sa sofa.
“Oh? Ah Soda”
Sagot ko at pumunta na sya sa kusina ako naman nandito sa living room nila wala pa akong magawa kaya lumilibot nalang paningin ko sa bawat sulok ng bahay nila at napansin ko na maraming pictures dito may family pictures may solo pictures ni Yuri at may mga baby pictures and sa lahat ng yun naka smile sya.
See!? mas cute sya pag naka smile isang beses ko pa lang sya nakitang naka smile nung nandun kami sa bahay nila Eunbi Unnie pero agad nya rin inalis nung nakita nyang nakatingin ako hmpf...
May napansin naman akong 2 picture frame na nakataob nilapitan ko yun at tinayo ulit at tinitigan.
Hmmm yung isang picture parang mga barkada ni Yuri at kasama sya lima silang girls na naka smile parang nasa freshmen palang sya dito sa dati nyang school. May mga kaibigan naman pala sya dati ah nakakausap nya pa kaya ngayon tong mga ito?
Doon naman sa isang picture dalawa lang sila isa sa four girls na kasama nya sa isang frame hmm feeling ko sya yung pinaka bestfriend nya? Magka-akbay sila dito at ang saya ng smile nila gusto ko talagang malaman yung past nya kung bakit bigla syang naging emotionless person pero kung titignan yung mga pictures nya iisipin mong masayahin syang tao.
Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at nag buklat ng notes then napansin ko naman yung piano sa side ko parang matagal ng hindi nagagamit marunong kaya sya magpiano? Or parents nya gumagamit non?
“Argh wala pala kaming soda kaya bumili pa ako sa labas”
Nagulat naman ako ng sumulpot sa tabi ko si Yuri at dinikit sa cheeks ko yung can ng softdrinks tsss.
“Huh? Sana coffee nalang nag abala ka pa”
“Soda request mo diba?”
“Tss kahit na sana nag tanong ka ng ibang option kung wala kang stock”
“Iinumin mo ba or hindi?”
Eh? Napa lunok ako at nakatitig sya sa akin haist!!
“Haist grabe ang init agad ng ulo? Ofcourse iinumin ko sayang naman effort mo”
Kinuha ko na sa kanya yung soda baka bawiin pa umupo naman sya sa tapat ko hmm i wonder bakit kaya naisipan nya ako yayain gumawa ng assignments?
“Anong subject tayo mag s-start?”
Tanong nya habang inilalapag lahat ng notes nya sa desk.
“Math?! Wala ako naintindihan”
Sagot ko naman.
“Hindi ka naman kasi nakikinig”
Nag pout lang ako sa sinabi nya at ngumiti sa kanya tss so nosy... pero mas gusto ko na ito kesa naman yung tahimik sya na hindi nag sasalita.
“Mag solve ka nalang muna dyan then lets check later kung saan yung mali mo”
Napangiti ulit ako sa sinabi nya.
“aye aye captain”
Sagot ko with matching salute pa yan then tinitigan nya lang ako saka sya umiling at nag focus na sa ginagawa nya nag focus na rin ako sa pag sosolve bahala na kung ano lang yung naintindihan ko yun lang ang ilalagay ko tuturuan naman nya ako kapag mali hahaha
BINABASA MO ANG
Fix Me || Yulyen
FanfictionYulyen Tagalog Fanfic _ Where in a girl has lost her direction in life praying for God to take her every time she opens her eyes in the morning, she's not smiling, just living her life like she is the only person in this earth. Will she just live l...