35. Don't Go

308 20 44
                                    


Yuri's POV



Pagkalabas ko ng bahay napatingin ako sa door ng bahay ni Yena, Pangalawang araw na tong lumalabas ako ng hindi sya nakikitang nakasandal doon.

Pangatlong araw ko na rin syang hindi nakikita, nandyan kaya sya sa loob ng bahay nya?

Lumapit ako sa pinto at tinitigan yun. Oo galit ako sa kanya pero mahal ko parin sya, namimiss ko pa rin sya at gustong makita.

Bakit kasi nag sinungaling ka sa akin Yena? Ginamit mo lang ba talaga ako? Totoo bang mahal mo rin ako? Kung totoo, nasaan ka na ngayon? tinakasan mo na ba ako?

Sinubukan kong kumatok at nag hintay kung bubukas yung pinto.





"Yuri."






Nagulat ako sa tawag na yun sa akin kaya nilingon ko kaagad.






"Namimiss mo sya?"

"Minju."

"Hindi pa rin sya nag papakita?"

I shook my head as an answer.

"If ever, ready ka bang makita sya?"

"I don't know Minju."

"Hindi ko alam kung ano yung pinag-awayan nyo pero bakit hindi nyo subukan mag-usap?"

"Paano? Hindi nga sya nag papakita di ba?"

"Ayaw mo rin naman yata syang makita?"

"Masakit pa rin eh."

"Ano bang mas masakit? yung bagay na yun or yung hindi mo nakakasama si Yena?"

"Both."

"Anong gusto mong mangyari? Mawala nalang sya sayo?"

"Ayoko."

"Kailangan mo rin gumawa ng paraan para maayos yan kung ayaw mong mawala sya sayo."

"Bakit ako lang? dapat kumikilos din sya di ba?"

"Hindi ko alam kung anong nasa utak ngayon ni Yena pero pakiramdam ko nasasaktan din sya ngayon Yuri."

"Pero dapat magpakita sya."

"Hayaan muna natin na mag-isip sya, pupuntahan ka naman nya for sure once kalmado na yung utak nya."

"Paano naman yung isip ko? paano kakalma ? hindi ko nga alam kung nasaan sya or ano ng balita sa kanya."

"Yun lang ang struggle mo hindi sya nag papakita pero bakit kami?"

"Anong kayo? Kayo ba ni Chaewon?"

"Oo, Nandyan lang sya pero hindi namin maayos tong problema namin."

"Hindi ka parin nya kinakausap?"

"Hindi nya nga rin ako tinitignan, Gusto ko na maayos tong problema namin at bumalik na sa dati pero paano? para akong kumakausap sa hangin kapag kinakausap ko sya napipikon na nga ako minsan."

"Parang mas pipiliin ko ng hindi nakikita si Yena compared kay Chaewon na nandyan lang pero hindi ka pinapansin."

"Grabe Yuri hindi ko na alam ang gagawin ko parang ginawa ko na lahat para lang mag-usap kami kaso sya haist.. Gusto ko na nga sumuko minsan."

"Sumuko ka rin ba kay Yujin dati?"

"Oo kasi anong laban ko kay Wonyoung di ba?"

"Labanan ba ang pag-ibig?"

"Oo kung hindi ka lalaban matatalo ka at mawawalan ka."

"Bakit hindi mo sya ipinag laban?"

"Wala akong laban kay Wonyoung, Nilaan na sila para sa isa't-isa ng parents nya or nila at nakikita ko kay Wonyoung na mahal na mahal nya si Yujin so bakit ko naman sisirain yung relationship nilang yun.?"

Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon