Yena's POVSinundan ko si Chaewon at nakita ko syang papalapit sa seashore kaya binilisan ko yung lakad ko para maabutan sya.
"Chaewon."
Lumingon naman sya sa akin.
"Yena please lang gusto ko muna mapag-isa."
"No Chaewon I know you need someone to talk to."
"Hindi ko kailangan Yena."
"Chaewon, Subukan mo munang intindihin yung nangyari."
"Iwanan mo na ako dito Yena kung kakampihan mo lang sila."
Pagkasabi nya nun tinalikuran na nya ako tss mahirap talaga kumausap ng taong galit.
"Chaewon wala akong kinakampihan sa inyo, sinusubukan ko lang din intindihin yung sitwasyon."
"Hayaan mo nalang kami Yena mag focus ka nalang sa sarili mong problema."
"Chaewon naman. Kaibigan ko kayo ayoko na nakikita kayong ganyan."
"Wag ako ang pagsabihan mo Yena yung tropa mong poste ang dapat kausapin mo."
"Kakausapin ko din sya but for now ikaw muna para kumalma ka."
"Kalmado ako Yena gusto ko lang talaga mapag-isa."
"Hindi ka kalmado Chaewon sinisigawan mo nga ako."
"Ang kulit mo kasi eh kanina ko pa sinasabi na gusto kong mapag-isa muna."
"Chaewon yung nakita mo kanina.. ahm nag-uusap lang daw silang dalawa para mabigyan na ng closure yung relationship nila."
"So sila na ulit?"
Lumingon ulit sya sa akin at hinihintay yung sagot ko.
"Paano magiging sila ulit? Tatapusin na nga nila yung relationship nila di ba? isasara na para ang focus nila sa inyo na."
"Naniwala ka naman kaagad?"
"May tiwala naman ako sa kanila."
"Then ako wala."
"Grabe Chaewon wala kang tiwala kay Minju?"
"Wala akong tiwala kay Yujin."
"Kay Minju ang tinatanong ko."
Tinitigan lang ako ni Chaewon, nag dadalawang-isip ba sya? wala talaga syang tiwala sa girlfriend nya? all this time???
"Hindi mo kasi alam Yena yung mga nangyari dati kaya hindi mo ako maiintindihan."
"Kaya nga kita iniintindi di ba?"
"Hindi mo alam kung gaano kamahal ni Minju si Yujin dati!"
"Chaewon ikaw na nagsabi na 'dati' hindi ngayon."
"Nakikita ko pa rin sa kanya na concern parin sya kay Yujin madalas parin syang tumingin sa kanya, maaalis mo ba sa akin na hindi mangamba na balang araw baka maging sila ulit?"
"Chaewon mahal ka ni Minju."
"Hindi ka si Minju kaya hindi mo masasabi yan."
"Hindi ka rin si Minju kaya hindi mo rin masasabi na hindi ka nya mahal."
"Ewan ko sayo Yena mabuti pa iwanan mo na ako dito."
"Chaewon nag-aalala rin si Minju sayo."
"Wag mo muna syang banggitin please lang."
"Chaewon kailangan nyo mag-usap."
"No! Yena isa nalang! Please lumayo ka muna sa akin!"
"Chae--"
BINABASA MO ANG
Fix Me || Yulyen
FanfictionYulyen Tagalog Fanfic _ Where in a girl has lost her direction in life praying for God to take her every time she opens her eyes in the morning, she's not smiling, just living her life like she is the only person in this earth. Will she just live l...