Yuri's POV
"Let's talk privately..."
"Please..."
"Jjoyul."
Tama ba yung narinig ko? Tinawag nya ako sa nickname ko?
"Yuri, Let's go wala akong tiwala sa isang yan."
Hinawakan ni Sian yung kamay kong hawak ni Yena at saka hinila para mabitawan nito.
"Ganyan din yung ginawa nya kay Gyuri before kaya sumama sa kanya si Gyuri dahil ang alam nya mag-uusap lang daw sila."
Tinignan ko si Sian at kitang-kita yung galit nya kay Yena.
Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.
"Natatandaan mo pa yun Ms. Sian? Tagal na nun ah."
"Hinding-hindi ko makakalimutan yung pangyayaring yun Yena! Dahil kitang-kita ko rin kung paano mo saktan ang kapatid ko sa mga panunumbat mo."
"Ok. Sorry pwede? Gusto ko lang naman makausap si Ms. Jjoyul"
"Talagang inalam mo pa yung nickname nya para makuha yung loob nya?"
"Bakit ba ikaw yung usap ng usap dyan? Kausap ba kita? at saka pwede ba wag kang makialam sa amin? Grabe ka ah! dati hindi kita pinapatulan dahil kay Yuri pero iba na ngayon uy!"
"Hindi mo kami madadala sa mga ganyang pananalita mo! At saka Yena please lang hayaan mo naman mabuhay si Yuri ng masaya."
Hindi ko na sila maintindihan, wala na akong maintindihan! Gulong-gulo na yung utak ko! Tapos sumasabay pa yung bangayan ng dalawang to.
"Yuri let's talk!"
"Don't mind her Yul, let's go hatid na kita sa inyo kailangan mo na rin magpahinga."
"Wait lang!!!!"
Humarang ulit sa harapan namin si Yena.
Hindi naman nya ako kilala na di ba? So ok lang na hindi ko sya kausapin? Sobrang sakit ng mga salitang sinabi nya sa akin kaya alam kong hindi sya yung Yena na mahal ko.
Tama si Sian, Gagantihan nya lang ako kagaya ng ginawa nya kay Gyuri at siguro dahil tapos na sya kay Gyuri ako na yung next na target nya.
"Yena ano ba? Ano bang kailangan mo kay Yuri?"
"Kailangan ko syang makausap."
"Tungkol saan? Bakit hindi mo sabihin na dito?."
"Ayokong nasa harapan ka namin."
"Hindi rin ako papayag na ilayo mo sya para lang saktan."
"Lalong hindi ako p---"
"Please stop!!!!!"
Pareho silang napatingin sa akin. Napapagod na akong makinig sa kanilang dalawa.
"Look and listen to me Ms. Choi Yena, I'm sorry Ok? I'M sorry kung ano man yung nagawa ko sa kaibigan mo before sobrang pinagsisisihan ko yun, araw-araw at gabi-gabi humihingi ako ng sorry sa kanya habang ipinagdadasal ko sya at nasasayo na yun kung maniniwala ka sa akin or hindi pero sobrang pinag sisihan ko talaga yun at dumating na rin yung point na hinihiling ko na sana ako na yung nawala at hindi sya kasi ga---"
"Yuri stop."
Natigilan ako magsalita ng maramdaman ko yung kamay ni Yena na humawak sa cheeks ko para punasan yung mga luhang patuloy na bumabagsak.
BINABASA MO ANG
Fix Me || Yulyen
Fiksi PenggemarYulyen Tagalog Fanfic _ Where in a girl has lost her direction in life praying for God to take her every time she opens her eyes in the morning, she's not smiling, just living her life like she is the only person in this earth. Will she just live l...