Yuri's POVLate na ako nagising dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko kaya napagod din ang utak ko.
Hindi nga ako pumasok ngayong araw pero hindi ko naman alam kung anong gagawin ko, basta tinatamad ako kumilos ngayon haist.
Naisip ko bigla si Yena, siguro kanina pa sya iniinterview ng tropa about sa pag-alis namin sa bahay ni Eunbi unnie naiimagine ko yung mukha ni Yena na hindi alam kung saan lilingon or kung sino yung unang sasagutin ang tanong hahaha.
Bumangon ako at umupo sa kama para tignan sa phone ko kung anong oras na pero napunta sa dalawang nakataob na picture frames yung mata ko, kinuha ko pareho at tinignan hanggang ngayon hindi parin matanggap ng utak ko na papaanong nangyari na itong masasayang ngiti na ito sa pictures napalitan ng galit.
Totoo kayang naging kaibigan ko sila? Totoo kaya lahat ng naging masasayang ala-ala namin? Totoo kayang pamilya na rin ang turing sa akin nila Gyuri at Sian gaya ng turing ko sa kanila? Totoo kayang minahal mo ako Sian? Gaya ng pag mamahal ko sayo? Bakit naging ganito tayo? Anong nangyari sa atin?
Hindi ko parin makalimutan yung sakit na naramdaman ko nung panahon na yun, kung paano nyo ako iwanan sa office na yun na nag-iisa habang hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko.
Lahat ng makasalubong ko sa hallway pinag bubulungan ako at binabato ng kung ano mang hawak nila haist hindi ko naman kayang gawin ang manakit ng tao alam naman nila yan pero bakit ako pa rin ang sinisisi nila?
Haist ayoko na muna mag-isip kakagising ko lang sumasakit na agad yung ulo ko, sumasakit na agad yung dibdib ko sa galit at lungkot hindi ko alam kung paano ka haharapin Sian, Hindi kita kayang tignan yun pa kayang kausapin ka? Ayoko na talaga, ayoko na muna mag-isip.
Nag shower nalang muna ako para medyo mawala ang sakit ng ulo ko then after ko mag shower nag luto ako ng ramyeon i don't know if lunch time parin kasi it's already 2pm na haist ganun ba kabilis ang oras kapag marami kang iniisip?
Narinig ko namang may nag doorbell and for sure si Yena yun sya lang naman gumagambala sa akin kapag ganitong naiisipan kong hindi pumasok mas mauuna pa syang pumunta dito sa bahay ko kesa umuwi sa bahay nya.
Binuksan ko na yung pinto at hindi ko ineexpect kung sino nasa harapan ko ngayon.
"Surprise!!!"
Sabay na sinabi ni Chaewon at Yujin ano naman kaya naisipan ng mga ito at pumunta sila dito? bukod sa dalawa kasama rin sila Minju at Hyewon.
"Pumasok muna kayo bago ko itanong kung anong ginagawa nyo rito"
"Tss tinanong mo na rin eh"
Sagot naman ni Minju tss pumasok sila at umupo sa sofa bakit nga pala hindi nila kasama si Yena?
"Wow Yuri ang ganda pala ng bahay nyo noh?"
Sabi ni Minju na umiikot parin yung paningin sa paligid haist ano namang maganda dito sa bahay namin? normal lang naman tignan.
"Woah may piano!!!!"
Tuwang-tuwa namang tinuro ni Chaewon na parang bata tss.
"Dyan lang muna kayo kuha lang ako snacks at Juice nyo"
Sabi ko at bigla naman tumayo si Minju.
"Tulungan na kita"
"Ok"
Nag p-prepare ako ng juice habang si Minju ang kumukuha ng kung ano-anong pagkain sa ref buti nalang pala at namili ako ng foods pang stock ko.
"Sorry Yuri biglaan kaming nabisita dito."
BINABASA MO ANG
Fix Me || Yulyen
FanfictionYulyen Tagalog Fanfic _ Where in a girl has lost her direction in life praying for God to take her every time she opens her eyes in the morning, she's not smiling, just living her life like she is the only person in this earth. Will she just live l...