41. Choice

286 22 31
                                    


Yena's POV




Walang laman ang ref? Aghh bakit ba nagtaka pa ako? Kailan pa ako huling nag grocery? syempre mawawalan ako ng stocks tss sa labas na naman ako kakain ng breakfast.

Pagkasuot ko ng hoodie jacket lumabas na ako ng bahay pero nakita si Yuri na hindi pa nakakalayo kaya pumasok ulit agad ako sa loob at isinara ang pinto.

Hindi pa ako ready na makita sya.

Bakit ba hindi pa ako ready? di ba nga miss na miss ko na sya at gustong ma hug? argh? pero hindi pa talaga ako ready!!

Bakit?? hmm una hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari about dun sa ginawa sa kanya nila Min Sora, pinaniwala kasi namin sya ni Yuqi na hallucination nya lang lahat yun para hindi sya mag-alala at makapag focus sya sa exam. Pangalawa, Hindi ko alam kung galit pa ba sya sa akin? hindi pa kami ok di ba? hindi pa naman kami nakakapag-usap kaya hindi ko alam kung galit pa sya or hindi and pangatlo, Nag tatampo pa ako sa kanya dahil sa mga pinag sasasabi nya kagabi masakit din yun ah.

Kaya paano ko sya haharapin? haist bahala na! Sana hindi nya ako napansin na lumabas ng bahay, sana hindi sya nag hintay wew umaasa ako na hihintayin nya ako sa labas?? haist tama na pag-iisip nababaliw na ako dahil hindi pa ako kumakain ng breakfast so i need to go out na bahala na.

Pagkalabas ko ng bahay wala na dun si Yuri tss mag hihintay ba yun?? Lumabas na ako ng building at nag hanap ng kakainan.




"Unnie!!"



Agad akong napalingon sa likuran ng marinig ko ang boses ni Yujin, grabe ang aga-aga nya tumambay ah.

"Hindi ka pala pumasok?"

"Oo unnie, napuyat kasi ako kakaisip kay Wonyoung hindi ko namalayan na umaga na pala."

"Tss napuyat? ang aga aga mo ako puntahan dito."

"Wala rin naman ako gagawin sa bahay at nakaidlip na ako ng kaunti kaya ok na ako."

"Kumain ka na ba?"

"Nag coffee palang unnie yayayain kita mag breakfast."

"Oh? Tara nag hahanap din ako ng kakainan."


Sa pinakamalapit na restaurant nalang kami kumain ni Yujin at dahil hindi nya ako tinantanan sa kakatanong kung may nangyari bang hindi nya alam napakwento tuloy ako nasabi ko sa kanya lahat ng nangyari.


"Grabe! ganun na kalala yung nangyari pero wala kaming kaalam-alam???!"

"Nilihim nalang namin ni Yuqi para wala ng madamay for sure naman kasi reresbakan nyo yung mga yun at isa pa exam day mawawala yung focus nila."

"Pero seryoso? Shuhua unnie? Tropa natin na si Shuhua unnie?"

"Hindi rin ako makapaniwala Yujin pero sya lang naman ang kilala natin na gumagawa ng medicine at nasa medisina ang line ng family."

"Malay nyo ginamit lang yung gawa nya naka mask di ba? mapang husga rin kayo eh."

"Mapang husga? even Yuqi kilalang kilala sya, sobrang galit na galit si Yuqi ng time na yun at hiyang-hiya sya sa akin."

"Kaibigan nya yung nagtaksil sa inyo I mean sa atin natural lang na magagalit sya and bakit gagawin ni Shuhua unnie yun?"

"Hindi ko rin alam Yujin kaya nga gusto ko rin sya makausap."

"May kinalaman kaya sa past ni Yuri unnie?"

"Wala akong alam sa whole story ng past ni Yuri kaya hindi ko rin alam pero si Yuqi ang alam kong may kaibigan sa past ni Yuri."

Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon