11. In love?? Crush nga lang!!!

301 21 36
                                    


Yena's Pov




"Ga-Gaeun unnie????"

Nandito talaga sya? baka naman namamalik-mata lang ako dahil gusto ko syang makita?? sinampal sampal ko yung face ko para magising at woah nandito na nga sya at nagpakita na sa akin finally.

"Gaeun unnie, wow nandito ka talaga"

"Kanina ka pa nakatitig sa akin ngayon mo lang narealize? tss at saka kanina mo pa ako tinatawag ah ang sakit na ng tenga ko, ano bang kailangan mo? dalian mo sabihin mo na at nag mamadali ako"

"Grabe aalis ka kaagad?"

"Kaya nga sabihin mo na at may susunduin pa akong guardian"

"Si Juri ba yon?"

"Tsss yan ba itatanong mo sa akin?"

"Hindi yun! hindi yun! ano ahm"




Ghad... masyado ako na shock sa pagpapakita ni Gaeun unnie parang nablanko bigla yung utak ko ah ano nga bang mga itatanong ko???

"Ano? tititigan mo lang ako?"

"Wait lang grabe ang sungit mo naman ngayon."

"Tss dalian mo na kasi!"

"ito na nga ahm ang unang tanong ko ...."

"una? so may mga kasunod pa?"

"Ofcourse marami nga eh"

"Haist 'wag mo munang lahatin pagbalik ko nalang yung iba"

"Pagbalik pa? eh ang hirap mo kaya tawagin!!"

"Tsss dalian mo na ano ba yung 'MGA' tanong mo?"






Dahil medyo magkalayo kami lumapit ako sa kanya nahihirapan ako eh nag sisigawan kami dito parang hindi kami mga anghel ah.

"First. Bakit walang nag orient sa akin???"

"Tsss. Kaya namin kayo ma-orient lahat? sa dami ng nadadagdag araw-araw syempre may mga maiiwan kaming hindi ma oorient at binabalikan namin yun kapag marami na silang questions sa buhay"

"Ang dami ko kayang questions sa buhay bakit ngayon ka lang pumunta?"

"Haist. Busy ako ngayon marami kasing gagraduate at saka iba yung case mo pinahabilin ka lang sa akin hindi naman talaga kita handle bakit kita ipapriority?"

"Grabe Gaeun unnie ang sama mo sa akin!!"

"Hahaha Joke lang yun syempre, nataon lang kasi na Busy ngayon yung may hawak sa inyo kaya sa akin muna kayo na assigned at kung ano yung importante yun muna inuuna ko"

"Bakit hindi ba ako importante??? hmp"

"Haist. Hindi ko alam kung Guardian ba itong kausap ko or Querubin para akong nakikipag-usap sa bata Tsss hindi kita pinupuntahan kasi nandyan naman si Juri para sumagot ng mga tanong mo"

"Eh paano na yan? aalis na rin si Juri sino na ang sasagot sa mga tanong ko?"

"Grabe! kaya mo na siguro sarili mo! Lahat na ng pwedeng itanong nasagot na ni Juri"

"lahat na ba yun? hmm"








Ano pa nga bang mga tanong ko?

"Ah second Gaeun unnie, May rules ba about sa ano sa may nakaalam na Angels tayo? kasi parang hindi sure si Juri about doon?"

Nakita ko naman na napaisip sya juskooo may nakaalam na nito! anong gagawin ko kapag merong rules??!!! sana wala! sana wala! sana wala!!!

"Hmm wala naman as long as hindi maaapektuhan yung mission nyo and make sure lang na hindi malalaman ng human nyo"

Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon