26. Barrier

302 21 69
                                    

Yuri's POV



"Nahihiya talaga ako ehhhhh"

"Tss ngayon ka pa nahiya Yuqi kanina pa tayo nakatambay dito noh."

"Bakit kasi sinabi mo sa kanila yun Shushu???"



Kanina ko pa naririnig yang reklamo ni Yuqi grabe mas maingay pa sya kay Yena.

Hindi ko rin alam kung bakit nandito kami sa classroom nila Yujin at napilit nila akong isama then yung mga classmates nila parang kinikilig na ewan kanina pa ako nakakarinig ng mg bulungan dahil siguro kay Yuqi nasa kanya mga mata ng mga babae dito eh.

"Bakit parang kayo lang ni Wonyoungie ang naiiba dito?"

Napatingin naman ako kay Chaeyeon.

Tss Oo, kompleto kami dito.

"Anong kami lang ni Wonnie Chaeyeon unnie?"

"Kasi Yujin para kayong higante ni Wonyoungie or maliliit lang talaga mga classmates nyo."

"Hahaha Matangkad lang talaga kaming dalawa noh."

Nilingon ko ulit yung mga classmates nila at sila nga lang dalawa yung matangkad sa mga girls pero iilan lang din yung mga boys na matangkad dito.

Pero naiinip na talaga ako nasaan ba si Yena? Kanina lang nandito yun ah.

"Yuri unnie bakit ganyan yang mukha mo?"

"Ano bang meron sa face ko Wonyoung?"

"Grabe unnie bakit ang sungit mo?"

"Tss masungit agad?"

"Gusto mo sa labas muna tayo?"

"Ano bang meron sa labas?"

"Wala lang unnie para kasing inip na inip ka na eh."

"Naiinip na talaga ako, hindi naman ako sanay pumunta sa classroom ng may classroom noh."

Tumayo naman sya at kinuha yung kamay ko saka hinila palabas.

"Wonnie! saan kayo pupunta ni Yuri unnie?"

"Mag c-cutting class Jinnie!"

"Yah Wonnie!"

Tuloy parin sa pag hila sa akin si Wonyoung palabas kahit tinatawag sya ni Yujin. Ano bang trip nito ni Wonyoung? at mag c-cutting class daw kami? Tss

"Hey! Saan ang punta nyong dalawa?"

Hinarang kami ni Chaewon dito kasi sila nakatambay sa labas ni Minju.

"Babalik ka na sa room natin Jjoyul?"

Hinanap ko yung boses ni Yena dahil hindi ko naman sya nakikita at langya pinanindigan talaga ko tawaging ganyan?

At yun nga nakita ko syang nakasalampak ng upo sa sahig kasama si Hyewon at hindi ko alam kung classmates nila Yujin yung kaharap nila mukang in-game tong mga to ah.

"Wow ang sweet naman nun may nickname na si bibe sayo."

"Baliw lang yang si Yena at matagal ko ng nickname yun noh issue rin kayo Hyewon eh."

"Pero saan kayo pupunta ni Wonyoungie?"

"Mag c-cutting class kami Minju unnie."

"Hahaha cutting class? at talagang yang Top 1 pa sa school year namin yang hinila mo ah."

"Eh Kasi naman Chaewon unnie bored na bored na si Yuri unnie sa loob."

"Paano naman kasi yung jowa-jowaan nya busy sa pag lalaro."

Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon