Chapter 6

3.1K 87 0
                                    

Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng kwarto. 

I groaned. 

God! I still don't want to get up. I covered my face with a pillow and slowly drifted back to sleep. Pero nagising ulit ako ng kumatok ito ulit. 

Frowning, I threw away my pillow and crawled out of my bed. Binuksan ko ang pinto para makita kung sino ang kumakatok. 

"I'm sorry, did I wake you up?" Aihama asked. She seems guilty for waking me up. 

Kung si Cerene lang ang kumakatok at naging dahilan ng pagkagising ko, sisinghalan ko ito, but since this is Aihama and not Cerene, hindi ko magawang magalit.

I sighed then smile "It's ok. May kailangan ka ba?" 

"No, actually hindi sana kita gagambalain, but tita called. She made me sure na makapag dinner ka since wala siya dito para makasiguradong kumakain ka ng mabuti," she said awkwardly. 

Damn! nakakahiya naman. Now that mom said something trivial like that baka isipin niya na hindi ko inaalagaan ang sarili. 

I laughed awkwardly. "Ok, I'll just wash up and change." 

I'm aware mom doesn't want me skipping my meals pero hindi ko naman inaakala na hahantong sa ganitong stage. The stage where she will ask someone to take care of me!

I'm not complaining alright, I'm just embarrassed. Baka ano-ano na ang iniisip sa akin ni Aihama. Na pariwara ako!

Bumaba ako pagkabihis. Nakahanda na ang pagkain. Parang ako yong bisista dito at siya ang may bahay. 

So much for embarrassment!

We didn't talk that much. Just me complimenting her food and how I explained my side - that mom is just overreacting, na hindi na niya kailangan mag-alala sa akin for I know how to take care of myself. 

Haa! Hindi daw eh hindi nag dinner nong isang gabi. But of course hindi ko yan ipagsasabi, it will just prove na I can't live without mom. 

Late akong nagising, around 9 AM. Naligo at nagbihis ako before I decided to go down. 

Nang nasa hagdan ako ay narinig ko ang pinsan ko, may kausap ito. [Yes, I know what to do] sabi nito sa kausap.

I continued walking and went to kitchen. Damn! Nakahanda na naman ang pagkain. 

Isang plato ang nakalagay sa mesa which indicates na nakapag breakfast na siya. 

Habang kumakain ako ay nag-uusap parin sila.. and guest what, hanggang sa matapos ako ay they're still talking.  It is important na hindi matapos tapos ang usapan nila?

Since wala naman akong planong gawin, nagpasya akong manood. Pumunta ako sa katabing sala na hindi ukupado. Rinig na rinig ko na ang usapan niya at ng kausap sa kabilang linya. 

Wait! Si Cerene ba ang katawagan nito? 

Wow, may time siyang tumawag kay Aihama tapos sa akin kahit text wala! 

Is she even my sister? 

"Is that Cerene?" hindi ko napigilang tanong.

Tinignan ako nito. "Yeah," tanging sagot nito and continued talking to Cerene. 

Hmm parang close na close ang dalawa ahh. Nawalan tuloy ako ng gana manood. Umakyat na lang ako sa aking kwarto. Tinapon ko ang sarili ko sa kama thinking of what to do this day. 

Should I just sleep? Should I read? Ano naman babasahin ko? 

While thinking, my mind drifted to Ace. His knowing smirk, his smooth hair, his voice.. His delicious lips....

Avoiding The Mafia (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon