Chapter 7
@SchoolLisa's P.O.V
Nasa akin na ang info about that Cat-like eyes.- Jennie Kim. *kaapelyido ng mortal kong kaaway pero sabe ng investigator ko ay hindi related magkaapelyido lamang mabuti kong ganon*
- Mahirap lamang sila.
- Nagwowork ang Papa niya sa Mall ko.
- May sari-sari store ang kaniyang Mama.
- Pinsan niya si Chaeyoung Park. *so pinsan pala niya yung kasama niya*Ok yan lamang ang mga impormasyon na binigay sa akin sapat na ito. Inutusan ko ang mga butlers ko na mag grocery ng worth 40k at ipadala sa address nila Jennie Kim.
Agad ginawa ng mga butlers ko ang aking pinagutos andito kami sa headquarters namen na exclusive lang for us na M-hooligans may sarili itong kitchen,bar section,living area at study area.
Dahil dito kami nag-aaral dahil ako may ari syempre kami lang ang special na tinuturuan ng mga teachers dito pero kumuha na lamang ako ng sarili nameng teacher, dito nila kami tinuturuan binabayaran ko sila ng doble.
Jade Kim's P.O.V
Abala ako sa pag aayos at pagtitinda sa aking munting sari-sari store.Pumasok na sina Jennie at Rosè ang asawa ko naman ay pumasok na rin sa trabaho niya. Habang naglilista ako ng bibilhin ko dahil paubos na ang aking paninda nang may biglang tumigil na magagarang sasakyan.
Lumabas ang isang lalaking nakaitim na uniform sa pang itaas at nakaslacks na itim din mukhang papalapit siya dito naku mukhang mayaman baka bibili ng drinks o kaya makain niya.
Lalaki: Good morning po Ma'am!
Jade: good morning din po! Ano pong atin?
Lalaki: kayo po ba si Mrs. Jade Kim? *nagulat ako baka may gagawing masama agad ako lumabas at may dala*
Jade: may gagawin kayong masama sa akin noh? Gagahasahin niyo ako??? *nagkunwaring umiiyak at yakap ang katawan sabay tutok ng kutsilyo* Ano?
Lalaki: *nagulat* Naku Ma'am hindi po! Ibaba niyo po yan! Mali ho kayo ng iniisip!
Jade: eh ano?? *umiyak ako kunwari* Nanakawan niyo ako?? Mahirap lang kami!! Kita niyo ba ? Naghahanap buhay kami ng marangal!!
Lalaki: Alam po namen yun Ma'am kaya nga po andito kami upang ibigay lang po namen ang pinapabigay ni Youngmaster Lim Manoban! *sabay senyas sa mga kapareho niya ng uniform*
Jade: *nagulat ako at napalingon* Ay!!!! Ha? Ano mga yan?
Lalaki: mga groceries ho! Para po sa store niyo! Sige po alis na po kami!
Jade: Hehe! *ngumiti na ako* Talaga naku salamat pakisabe sa boss mo salamat! *nanlaki ang aking mga mata sa kahon kahon at mga malalaking supot* Pasensiya na kayo sa inasal ko!
Lalaki: hindi ho kayo umiiyak? wala ho yun! Sige po aal---- *naputol ang kanilang sasabihin*
Jade: hindi nag-aacting lang ako baka kasi madiskober alam niyo na!! hephep!!!! magsoftdrinks muna kayo!! Sige na!
Lalaki: hindi na po!
Jade: sige na! Sige kayo di ko tatanggapin yan!
Lalaki: sige na nga po!! *agad ko silang binigyan ng inumin biscuits*.Matapos ko silang pameryendahin ay agad kong inayos ang kanilang binigay. Labis labis ang tuwa ko dahil hindi na ako bibili naku ang swerte naman ng Anak ko kay Youngmaster Manoban napakabait hahahaha hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
Nang matapos ko na ay gulat ang aking mga kapitbahay dahil naging grocery'han ang aking maliit na store. Kaya mas dumami ang bumili.
Kumareng Jessica: wow mare! Andami mo ng paninda ah!
Jade: aba syempre mayaman ata ang jowa ng Anak ko galing sa kaniya!
Kumareng CL: talaga sino naman?
Jade: walang iba kundi ang pinakamayaman dito sa buong mundo ang Manoban Company!
Kumareng Yoona: T-talaga! Wow ang swerte mo naman!
Jade: syempre naman noh! Maganda kasi ang Anak ko kaya ganon maraming nagkakandarapa!!
Kumareng Bom: Haha pakilala mo na kami dyan kung may kapatid siya o pinsan para sa anak ko!!
Jade: haha ewan ko lang pero siyempre kung meron man bibigay ko muna para sa pamangkin ko noh!
Kumareng Minzy: ang damot naman Mare!
Kumareng Tiffany: sana all mare! Kung meron pa sabihan mo kami ah!
Jade: hindi ah! Alangan naman pabayaan ko pamangkin ayuko malungkot yun! Tsaka marami dyang iba!! Oh siya sige na may gagawin pa ako!!