Chapter 21

319 1 0
                                    


Chapter 21

(Insert: background music 'I'm your Angel' by Celine Dion and R-kelly)

Jennie's P.O.V
Simula sabihin sa akin ng lalaking yun, parang nagbago bigla ang pagtingin ko kay Lisa. Parang tama siya hindi ako makakapamuhay ng normal kasama si Lisa dahil sa mga nakaambang panganib sa paligid niya.

Ang sakit sa akin na iwasan siya, lagi niya ako tinatadtad ng tawag at text pero di ako nagrereply. Naawa na ako sa kaniya pati mga kaibigan ko nagaalala na rin sa aming dalawa.

Tinatanong sa akin nila Mama at Chae bakit di ako nagpapakita sa kaniya? Ayuko na sila madamay kaya mag-isa ko na lang dinadala ang lahat ng ito. Patawarin mo sana ako Lisa, pero mahal na mahal kita Lisa!

Pero magpapakita na ako kay Lisa, tinawagan ko siya nagulat siya nang tumawag ako sa kaniya walang ano ano agad siya umalis pinatay agad ang tawag ko pagkasabe ko sa lugar na pupuntahan namen.

Minutes had passed . . . .

Nakita ko na siyang nakatayo , gustong gusto ko siyang yakapin pero nilalabanan ko.

Pero hindi ko talaga matiis kaya niyakap ko siya habang nakatalikod alam ko nagulat siya sa pagkakayakap ko.

Lisa: Jennie!! *ang higpit ng yakap niya nang harapin niya ako* bakit mo ako iniiwasan? May period ka ba?
Jennie: *gusto ko umiyak sa paghigpit niya ng yakap sa akin pero natawa ako sa sinabe niyang may period ako* Ah oo, pasensiya kaya kita iniiwasan!
Lisa: Ha? Period lang naman di ba? Bakit kailangan mo ako iwasan? Hindi naman kita nabuntis di ba? Kasi wala pa nangyayari sa atin eh!
Jennie: yaaah Lisa! halika dun tayo umupo! *sabay turo ko sa bench*
Lisa: *agad niya ako hinila at umupo* Jennie, pinagalala mo ako! Pag may period ka sabihan mo ako para alam ko!!
Jennie: *kahit hindi yun ang dahilan ,pero yun na lamang sinabe ko im sorry lisa* Pasensiya na Lisa!
Lisa: Jennie! I can't afford to lose you so please don't leave me! *hawak hawak ang kamay ko nang sabihin niya yun natulala ako gusto ko lumuha pero pinipigilan ko*
Jennie: I'm sorry Lisa! Kung naramdaman mo ang matinding pag-aalala!
Lisa: Jennie! Mahal na mahal kita! *nang sabihin niya yun niyakap ko lamang siya*
Jennie: halika! Laro tayo sa mga palaruan doon gusto ko bumalik sa pagkabata eh!
Lisa: *nakangiti* Sure!!

Naglalaro lamang kami ni Lisa sa mga playground para kaming mga bata kalaro namen mga bata sumali kami sa mga ginagawa nila ang saya ko dahil napakanormal ang nangyayari sa amin ngayon masaya lang walang iniisip ganito yung pangarap kong buhay kasama si Lisa.

Marami kaming ginawang masasayang alaala ni Lisa na magkasama natutuwa lamang ako dahil kita ko ang ngiti niya na nagbibigay sigla sa akin sa araw araw namiss ko siya sa pag iiwas ko gusto ko umiyak habang pinagmamasdan siya.

Matapos kami makipaglaro sa mga bata kita ko ang pagod niya kaya niyaya ko na siya magpahinga at kumain.

Jennie: Lisa tara na! Kain muna tayo!
Lisa: sige! *naglakad kami sa isang food stall doon para bumili ng pagkain*
Jennie: *nang makuha namen ang pagkain ay umupo kami sa isang round na upuan* Lisa oh! *sabay abot ng food*
Lisa: Thanks Jennie! *agad nameng kinain ang pagkain tahimik lamang kaming kinakain ang pagkain namen*
Jennie: *after 20mns ay natapos na namen kainin ang nabili nameng pagkain* Lisa! May ice cream gusto mo?
Lisa: Sure Jen!!
Jennie: sige dito ka lang bibili ako! *lumapit ako sa nagtitinda ng sorbetes... Nang makabili ako ay agad ako bumalik sa kinaroroonan ni Lisa*
Jennie: Here Lisa! *sabay abot ng chocolate ice cream*
Lisa: Thank you Jennie! *kagat niya agad ang ice cream niya tinitignan ko siya mamimiss ko itong mukha na ito*

Matapos nameng kumain ni Lisa, at nagpaalam ako sa kaniya na mag c-cr lamang.
Jennie: Lisa! Mag-ccr lang ako ha!
Lisa: samahan na kita!
Jennie: hindi na ok lang! Babalik ako saglit lang! *tumulo na luha ko kaya tumakbo na ako palayo sa kaniya*

(Insert: background music 'How could an angel break my heart' by Toni Braxton)

Pumunta ako sa Cr para dun ko iiyak ang sakit na aking gagawin.

'Patawad Lisa patawad kailangan ko itong gawin, kailangan. Pero sana alam mo kung gaano kita kamahal mahal na mahal! Mas mabuti na ito Lisa. *hindi ko na pinigilan ang luha ko dahil kanina pa ito gusto bumagsak* Kung isa ka lamang talaga sa mga taong simple ang buhay na pwede ko mahalin, pero hindi eh iba ang buhay mo sa buhay ko magkaiba tayo ng estado kung tutuusin pero Lisa sana wag mong isiping hindi kita minahal? Mahal na mahal kita Lisa! Hinding hindi magbabago ang puso ko para sayo kahit magkalayo man tayo Lisa. Mahal kita mahal ko din pamilya ko Lisa kailangan kong lumayo kailangan kitang layuan, pinili kong i-sakripisyo ang sa atin para maging maayos ang lahat'.

Matapos ko ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng cr bago siya magtaka lumayo na ako sa cr.

Humanap ako ng ibang pwesto para pagmasdan siya sa malayo dahil ito na ang huling araw at oras na makikita kita Lisa.

Nakikita ko siyang naghihintay sa round chair na semento.

Hindi ko maiwasang hindi umiyak tinitignan ang mahal ko na iniiwan ko hindi madali sa akin na gawin ito, ito ang pinakamahirap na ginawa ko sa buong buhay ko ang iwan ang mahal ko.

Pinagmamasdan ko siya lagi tinitignan ang oras alam ko nagtataka na siya.

Ilang oras na ang lumipas di pa rin siya umaalis,tintawagan niya ako pero inoff ko na lang ang phone ko.

Patawad Lisa! Nagtatago ako sa isang puno bakit di pa rin siya umuuwi?

Inabot na ng dilim halos wala ng tao dito sa park please Lisa umuwi ka na!

Ayaw kita makita! Pinagmamasdan ko pa rin siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagsitakbuhan ang ibang tao hanggang sa wala na talagang tao si Lisa na lang ang natira.

Mas lalo ako umiyak hinintay talaga niya ako nakokonsensya tuloy.

Pero buo na ang desisyon ko buo na sana maintindihan mo ako balang araw Lisa.

30 mns na ang nakalipas basang basa na siya ,ayaw ko na siyang tignan pa dahil baka di ko kayanin umalis na ako tumakbo takbo palayo sa kaniya.

Tumatakbo ako habang umiiyak basang basa na din ako takbo lang ng takbo ang ginawa ko hanggang mapadpad ako sa isang lugar inupo ko doon iniyak ng iniyak humagolgol na ako ng iyak habang yakap ang sarili dahil sa lamig at sakit na nararamdaman ko ngayon.

THE GANGSTER IS ANGELIC FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon