Chapter 18

337 4 0
                                    


Chapter 18
~Rocky and Rosh Montecarlo~

Mama Jade's P.O.V
Hindi muna ako nagtinda ngayon hinintay ko makaalis ang asawa ko sa trabaho,sina Rosè at Jennie ay pumasok na sa paaralan nila. Andito ako sa bahay hinihintay ko ang aking special na bisita, ilang minuto pa ang aking paghihintay ay nagulat na lamang ako hindi man lang kumatok pumasok na lang magkapareho sila ng ugali, hindi man anak na tunay pero nakuha niya ugali gangster talaga.

Jade: Anak Lim! Nagalmusal ka na ba?
Lim: hindi pa po Mama! Lulutuan mo po ba ako?
Jade: hehehehe ganyan na ganyan ugali ng Dad Rocky mo!
Lim: *napangiti lang siya* Talaga po?
Jade: Oo anak! Dun mo makikitang straight forward talaga siya! At gangster talaga! Sige at ipaghahain lang kita dyan ka lang!
Lim: Sige po Mama!

*matapos ko hainan ay agad na siyang kumain mukhang di nagalmusal*

Jade: Anak baka naman mabilaukan ka dyan!
Lim: Ok lang po Mama di po kasi nakakain kagabe inaway po ako kasi bigla ni Jennie eh!
Jade: Ha? Inaaway ka ng Anak ko! Maldita talaga yun! Hayaan mo pagagalitan ko siya!! *sabay tawa ko lang ,sya ay ngiti*
Lim: Ah Mama! Mahal mo po ba si Dad? *nagulat ako sa kaniya habang abala pa rin sa pagkain*
Jade: Aaminin ko Anak mahal ko pa rin wala ako ibang minahal gaya sa pagmamahal ko sa kaniya! Pero minahal ko naman ang asawa ko ngayon iba nga lang ang pagmamahal ko sa Dad mo! *ngumiti lamang siya*
Lim: Ok lang po yan Mama! Kung di dahil kay Papa Robert wala akong Jennie! *pag ngiti niya sa akin at nakapout*
Jade: hahaha ang cute mo talaga Anak! Tama ka pero ganon talaga siguro hindi kami ang para sa isa't isa! Pero may dahilan naman anak ang Dad mo nung nakatanggap kami ng sulat mula kay Rocky at Rosh dun namen naintindihan bakit nila kami kailangang iwan iniyak ko na lang noon, dahil sabe niya mahal pa niya ako pero masaya na siya na may nagmamahal na sa akin masaya siya na may anak na ako na lihim pala niya ako pinagmamasdan kung ano na ang buhay ko! *umiiyak na ako while lisa caressing my back*
Lim: Mama! Okey lang po yan! Ganyan po naman ang pagmamahal minsan kailangan mag sakripisyo para sa ikabubuti ng taong mahal natin! Siguro kung ako rin po ang nasa kalagayan ni Dad ganon din po ang gagawin ko!!
Jade: pero anak! Alam ko mahal ka ng anak ko kahit di niya sabihin ramdam ko dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya nung kaedad ko rin siya! Wag mo siyang iiwan ha kahit anong mangyari! *nakangiti lamang siya*
Lim: Opo Mama makakaasa ka po! *sabay yakap sa akin*
Lim: Ah Mama! Si Tito Rosh po kilala mo din siya?
Jade: oo siya naman ang naging bf ng Mama ni Chae! Ganon din ang nangyari sa kanila!
Lim: Talaga po? Asan po ba parents ni Chae?
Jade: wala na sila Anak!
Lim: ganon po ba! Ah Mama! Gano na po katagal nagwowork si Papa sa Mall ko?
Jade: 20 years ang alam ko Anak!
Lim: Mama!
Jade: bakit Anak?
Lim: Tara po sa bahay may ipapakita po ako sa inyo!
Jade: ha bakit naman anak?
Lim: basta po tara na po! *agad niya akong hinila palabas at nilock ang buong bahay*

Nakasakay na ako sa sports car niya ang gara kaya ang swerte ng Anak kong pusang gala sa kaniya.
Ilang minuto pa ay nakarating na kaming dalawa sa kanilang bahay napakalaki ng bahay nila Rocky. Hinila na niya ako sa loob at dali dali niya akong dinala sa silid ng kaniyang Dad nang makapasok kami ay bumungad agad sa akin ang napakalaking larawan niya.

Jade: *nakatingin ako sa larawan niya sabay patak ng luha*. Anak! Ako mismo ang kumuha ng larawan na yan sa kaniya sinabe ko sa kaniya na yan ang pinakafavorite kong kuha niya! H-hindi ko akalain na ginawan niya ng frame!
Lim: Talaga po! Kaya po pala lagi niya pinagmamasdan!
Ma! Halika pa po pasok po tayo sa kaniyang private room!

*agad kami tumungo doon merong secret room ang kaniyang kwarto nang mabuksan ni Lim ay agad niya ako hinila para makapasok*

Bumungad sa akin ang napakarami naming larawan ni Rocky noong kami ay Highschool pa lamang mas lalo kong iniyak ang mga nakita ko dahil pati regalo kong damit ,sapatos ay trineasure niya pati mga sulat ko sa kaniya andito din lahat ng alaala ko sa kaniya tinago niya pati yung first anniversary namen pati first monthsary lahat lahat halos mapaluhod ako, ngayon ko lang narealize how much I love Rocky pero heto ang tadhana nameng dalawa ang hindi kami para sa isa't isa.

Mahal ko si Robert ,masaya ako sa kaniya!

Jade: Lim Anak! Salamat! *niyakap ko si Lim/Lisa*
Lim: Welcome po Mama! Araw araw ho niya pinagmamasdan ang mga yan Mama! Lagi niya sinasabe na sana nilaban niya pero nung araw na napag isip isip ni Dad na ilaban ka huli na pala ang lahat nagunaw ang mundo ni Dad, maging si Tito Rosh pero ok lang sa kaniya basta ang mahalaga ay masaya ka Mama!
Jade: *wala na akong ibang nasagot kundi ang umiyak sa harap ni Lisa*

THE GANGSTER IS ANGELIC FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon