25. | The Jerk Who Dumped Me |

2 0 0
                                    

25. | The Jerk Who Dumped Me |

***

Today is monday, means pasukan na naman. Pagkatapos kong mag-breakfast ay lumabas na ako ng bahay dala-dala ang camera ko. I'm doing a vlog kasi. Just so you know, may 10k subscribers na ako kahit kaka-started ko palang last month. Kaya ayon, itinudo ko na.

“Hi, guys! Welcome to my vlog! Today, I'm going to show you my classroom and of course, you will also meet my classmates!”

Pagkarating ko sa tapat ng gate ng school namin ay bumaba na ako ng tricycle at nagbayad. Ipinakita ko pa sa camera kung paano ko iyon iabot sa driver. 50 pesos rin 'yon, noh.

Pinagbuksan ako ng gate ni Manong Guard kaya tinapat ko sa kanya ang camera ko.

“Say hi, Kuyang Guard!”

“Hi!” Nakangiti namang sabi nito.

“So ayan guys, nakita n'yo na ang napakagwapo naming security guard. Now, let's move to my classroom so you can meet my mongoloid classmates. I know you're excited naaaaa!”

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagtitinginan na naman ako ng mga schoolmates ko. May naririnig pa akong nagbubulungan kesyo feelingera daw ako at pasikat. Sus, mga inggitera. Bakit kasi hindi nalang sila gumawa ng sarili nilang vlog, eh. May pasabi-sabi pa kayo ng pasikat eh isa naman kayo sa mga subscribers ko. Mga gunggong.

“So ayan guys, papasok na tayo sa aming napakagandang classroom.” Sabi ko sabay bukas ng pintuan.

“It's a praaaank! Hindi talaga maganda ang room namin. Haha!” Nakangiwing sabi ko nang makita kong sobrang kalat ng room namin at naka-disarrange pa ang mga upuan. Pahiya ako doon.

“Ayan na naman si vlogger queen na wala namang pag-asang sumikat!” Rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

“Hoy, Anton, plastic kang bakla ka, diba sabi mo balang araw sisikat din ako kaya huwag akong susuko? Napaka-plastic mo talaga kahit kailan! Hmp.” Pasaring ko sa kanya pero tinawanan lang nila ako.

“Pasama naman sa vlog mo, Dana!”

“Oo nga!”

“Para maiba naman, puro mukha at kaartehan mo ang nakikita sa mga vlogs mo, eh!”

“Ay, ito na nga, oh. Hindi naman halatang excited kayo.” Irap ko sa kanila.

“Makikita 'yang pag-irap-irap mo sa amin kapag in-upload mo 'yan, hahahaha! Makikita ng mga subscribers mo kung gaano ka ka-maldita sa totoong buhay!” Sigaw sa akin ng isa sa mga kaklase kong babae.

“Shunga! E-edit ko 'to, noh.”

Tumingin ulit ako sa camera sabay ngiti. “Excited na ba kayo, guys? Then let's start!”

Isa-isa kong nilapitan ang mga kaklase ko. Nauna ako sa class president namin na kanina ko pa napapansing naglalagay ng foundation sa mukha.

“This is our class president, meet Athena! Say hi to my vlooooog!”

“Helloooooooo!” Masiglang sabi naman niya sabay nagpa-cute sa camera. Hindi naman cute. Sipain ko 'to, eh.

“Sabi ko hi hindi hello.” Nakasimangot na sabi ko sabay lapit naman sa mga classmate kong boys na halatang hindi makapaghintay.

“Boys, say hi to my---”

“Hayyyyyyyy! Kami ang mga gwapong classmate ni Dana! Hello vlogs, welcome to my guys! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Inirapan ko sila at agad iniwas ang camera ko. Bad idea talagang isama 'tong mga gunggong kong kaklase sa vlogs ko. Tsssss.

“Dana, si Dave, oh.” Kalabit sa akin ng secretary namin sabay turo sa labas ng room.

“Dave! Halika nga dito!” Malakas na tawag ko sa kanya.

Tumigil naman ang gago sa pakikipag-usap sa mga barkada niya at itinuro ang sarili niya. Nagtataka siguro kung bakit ko tinawag.

“Ako?” Tanong niya habang nakaturo pa rin sa sarili niya.

“Oo, ikaw.” Nakangiting sabi ko sabay bulong ng, “Ikaw lang naman ang gago sa paligid, eh.”

“Bakit? You missed me?” Nakangising tanong niya sa akin pagkalapit.

Naku, ang sarap hambalusin ng camera ang pagmumukha ng hinayupak na 'to. Pero I need to calm down myself first.

“Yes, I missed you so much.” Pa-sweet na sagot ko sa kanya at rinig ko ang katyawan ng mga kaklase ko.

“Hindi na nakakapagtaka 'yan.” Nakangisi pa ring sabi ng gagong si Dave.

Ngumisi rin ako. “Here, say hi to my vlog.” Malambing na sabi ko sa kanya.

Yumuko naman siya at nang akmang magha-hi siya sa camera ko, inunahan ko na siya.

“Guys, this is the jerk who dumped me. Ang kapal, noh? Sa ganda kong 'to, nagawa niya akong lokohin? Eh, supot naman 'tong gagong 'to. Remember this face, guys, when you see this fucking face around, keep walking. This guy doesn't deserve any attention.”

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napuno ng hiyawan ang room namin dahil sa mga kaklase ko. Habang si Dave, ayon ang sama ng tingin sa akin at halatang pahiya ang gago.

“Go away, jerk. I can't bear seeing your ugly face. Hmp!” Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko sabay tutok ng camera ko sa pagmumukha niya.

“Alisin mo nga 'yan!” Inis na sabi niya at nagmamadaling lumabas ng room pero bago pa siya tuluyang makalabas ay tinawag ko siya.

“This is for duping me, jerk!” At itinaas ko ang middle finger ko dahilan para mas lalong maghiyawan ang mga kaklase ko.

Serves you right.

***

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now