4. | I Am Worthless |
***
"Buwisit naman, oh! Kahit napakasimpleng bagay lang hindi mo pa magawa! Nasaan ang utak mo? Ba't ang tanga tanga mo?!"Hindi naman lahat ng simpleng bagay ay kayang gawin ng lahat ng tao.
"Hindi ka na naman kasali sa top? Ang bobo mo talaga kahit kailan! Mabuti pa mga pinsan mo ang tatalino! Nakakahiya ka!"
Anong magagawa ko? Ito lang ako, eh. Hindi ako kasing talino nila. May sarili akong kakayahan pero hindi kasing galing nila.
"Ang boring niyang kasama."
Sorry. Tahimik lang talaga ako. Hindi ako magaling mag-open ng topic pero handa naman akong makinig sa lahat ng sasabihin mo. Ganito lang talaga akong tao at sorry kung boring akong kasama.
"Wala ka man lang katalent-talent? Grabe naman!"
Talentless ako. Wala akong kayang gawin. Walang special sa akin. Siguro ang talent ko lang ay manatiling nakangiti kahit ang sakit sakit na.
"Pare, kahit siya lang ang matirang babae sa mundo, hinding hindi ko 'yan papatulan."
Dahil pangit ako? Oo, pangit ako. Ang pangit pangit ko.
"Wala ka talagang kuwenta kahit kailan. Bakit pa ba kita pinanganak?"
Tama, wala akong kuwenta. Bakit pa nga ba ako pinanganak sa mundong ito? Sa mundong ito na walang ibang ipinaramdam sa akin kundi sakit at pait.
"Walang nagmamahal sa'yo. Kaya kahit mawala ka, walang malulungkot." Bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Yumuko ako at nakita ang napakalalim na bangin. Sigurado akong kapag nahulog ako, mamamatay agad ako at mababasag ang bungo ko oras na tumama sa mga naglalakihang bato. Tapos tatangain ako ng tubig at hindi na ako mahahanap.
Natawa ako sa naisip ko. Baka nga walang maghanap sa akin, eh. Wala naman kasing may pakialam sa akin. Walang nagmamahal sa akin. Baka kapag namatay ako, matuwa pa sila dahil mababawasan ang mga walang kuwenta sa mundo.
Pumikit ako at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Naramdaman kong lumandas pababa sa pisngi ko ang mga luha ko. Wala itong tigil sa pagtulo pero nananatiling nakangiti ang mga labi ko.
Nilagay ko ang kamay ko sa bandang dibdib ko, dinama ang pagtibok ng puso ko. Mayamaya, titigil na ito. Hindi na nito mararamdaman pa ang sakit na nararamdaman niya sa matagal na panahon. Mawawakasan na ang lahat ng sakit na nararamdaman nito.
"Lord, sorry po. Patawarin 'niyo ako kung kailangan kong gawin ito. Hindi ko na po kasi kaya. Ang sakit sakit na. Suko na ako, Lord."
Dumilat ako at tumingala sa kalangitan. Malapit nang dumilim. Mukhang uulan pa yata.
Muli akong tumingin sa bangin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Itinaas ko ang dalawang braso ko at nakangiting hinayaan ang sarili na mahulog sa malalim na bangin.
Sa wakas. Matutuldukan na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
***
Lably's Note :
Minsan talaga, yung mismong mga tao sa paligid natin ang nagtutulak sa atin kay kamatayan.
Hindi natin alam na sa simpleng salita na binibitawan natin sa isang tao, nagbibigay ito ng malaking impact sa kanya.
Kaya sana, bago tayo magbitaw ng salita, pag-isipan muna natin nang mabuti kung ito ba ay makakasakit sa taong iyon. Kasi minsan, hindi natin napapansin na nakakasakit na pala tayo sa pamamagitan lang ng salita o pagbibigay ng opinyon. Hindi man pinapahalata ng taong iyon pero sa loob-loob niya, naapektuhan siya at nasaktan.
That's why we should be more careful lalo na sa panahon ngayon na sobrang sensitive ng mga kabataan.
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Historia Corta"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy