24. | Dying Inside |

0 0 0
                                    

24. | Dying Inside |

***

Napuno ng halakhakan ang bawat sulok ng classroom namin nang bumagsak sa sahig si Albert pagkatapos hilain ni Benjo ang upuan niya nang mauupo sana siya. This scene is not unfamiliar at all, it happens almost everyday because this completes the day of my classmates.

Tumayo si Albert at nakitawa sa mga classmates ko. I don't know if I'm the only one who can notice the pain in his eyes everytime this happens. He's just hiding it through his laughters but I know, nasasaktan siya physically and emotionally.

“Loko-loko talaga kayo.” Natatawang sabi niya bago pinatayo ang upuan at naupo doon. Hindi pa rin humuhupa ang tawanan lalo na ang grupo ni Benjo. It's their happiness anyway, seeing Albert being hurt makes them happy.

Dumating ang break time, walang teacher. I saw Benjo and others, seems like they are planning to rag Albert again who is busy settling his things.

Pinanood ko si Benjo nang bumwelo siya at malakas na ibinato kay Albert ang hawak niyang tennis ball. Sapul sa gilid ng ulo si Albert at muli, napuno ng tawanan ang bawat sulok ng room. Everybody's laughing except me and him pero ilang sandali pa, nakisali rin siya sa tawanan kahit kitang kita ko kung paano mamula ang mukha at leeg niya.

For the nth time, he's laughing again to hide the shame and pain he's feeling right now.

Uwian, nakasunod ako sa kanya habang naglalakad siya pauwi. Sa tinagal-tagal kong pagsunod sa kanya tuwing uwian, memorize ko na ang daan pauwi sa bahay nila. Pero nagtaka ako nang lumiko siya, hindi ito ang daan pauwi sa bahay nila.

Nakarating kami sa isang old park, walang tao maliban sa aming dalawa. He sat on the bench at nilabas ang isang familiar na notebook na palagi kong nakikita sa kanya. I remained where I'm standing wherein a little far away from him and watched what's he's going to do.

“He's writing again.” I mumbled.

Minutes passed and he folded the notebook. Tumingala siya sa kalangitan and he closed his eyes. Tumagal 'yon ng 30 seconds bago siya dumilat at nagmamadaling umalis. Nilapitan ko ang bench na inuupuan niya at dinampot ang notebook na naiwan niya. Binuklat ko 'yon at sinimulang basahin ang nakapaloob doon.

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko habang binabasa ang nakasulat sa notebook. Dito sa notebook na ito niya sinusulat ang lahat ng sakit, galit at kahihiyan na nararamdaman niya araw-araw. Mula sa mga kaklase namin, sa pamilya niya at sa mundo. Walang nakakaalam kung gaano ka-miserable ang buhay na meron siya dahil sa paningin ng lahat, isa siyang lalaki na mananatili paring nakangiti kahit pinagtutulungan na siya ng lahat.

Pinahid ko ang luha ko at kaagad siyang sinundan. Buo na ang desisyon ko, aaminin ko na sa kanya na matagal ko na siyang mahal at kung inisiip niyang wala siyang kakampi sa mundong ito, nandito lang ako para sa kanya.

I will never leave him just like what his mother did. I will never hurt him like what his father's often does. And I will never embarrass him like the way my classmates did. I will love him with all my heart and I will make him realize how special he is.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa matanaw ko siya. Hinihingal ako pero hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Ito na ang matagal ko nang hinihitay, ang magkaroon ng lakas ng loob upang aminin sa kanya na mahal ko siya.

“Albert!” I called him pero hindi niya ako narinig. Nanatili siyang nakatayo habang nakatalikod sa akin.

“Albert!” I called him again pero katulad kanina ay hindi niya ako narinig kaya kahit hinihingal pa ako, tumakbo ulit ako papunta sa kanya.

Malapit ko na siyang maabot nang bigla nalang siyang tumawid sa kabilang kalsada kasunod no'n ang nakakabinging ingay ng paparating na truck at ang sumusunod na pangyayari ang nagpagunaw sa mundo ko, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sumalpok sa kanya ang truck dahilan para tumilapon siya sa malamig na kalsada.

Samo't saring sigawan ang maririnig sa paligid habang ako, tanging tibok lang ng puso ang tanging naririnig at ramdam ko kung paano ito unti-unting bumabagal. Pakiramdam ko para na rin akong namatay dahil sa nasaksihan.

“Albert. . .” Bulong ko at muli, nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

***

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now