17. | Killer's Wish |
***
“Anak, umalis kami ng papa mo papuntang tiyuhin mo. Inatake daw kasi kaya biglaan din ang alis namin. I-lock mo mabuti ang bahay at huwag kang magpapasok ng kung sino-sino, alam mo naman ang kumakalat na balita sa bayan natin.”
Ito ang bumungad sa akin pag-open ko ng messenger. Nag-chat pala si mama habang nasa bahay ako ng friend ko.
“Ma naman, ba't n'yo ako iniwan mag-isa? Alam n'yo naman ang usap-usapan na may gumagalang killer dito sa lugar natin, diba?” Reply ko habang nagkakamot ng ulo.
“Babalik rin kami bukas. Basta ingat ka dyan at huwag kang magbubukas ng pinto kapag may kumakatok.” Chat ulit ni mama.
“Arrrghhh! Kainis!”
Pumasok ako sa bahay habang inis na inis. Sana kasi hindi nalang ako nagtagal sa bahay ng kaibigan ko para nakasama ako kina mama, eh. Inis na inis ako pero mas ramdam ko ang takot at pangamba. May kumakalat kasing balita na may gumagalang killer daw dito sa bayan namin at may mga nabiktima na siya lalo na 'yong mga dalagita at mag-isa lang sa bahay. Kaya ngayon, sobra akong paranoid at kung anu-anong pumapasok sa isip ko.
“Diyos ko, kayo na po bahala sa 'kin.” Bulong ko.
Alas-otso na ng gabi at ako nalang mag-isa sa bahay. Maaga pa pero wala na akong naririnig na ingay mula sa mga kapitbahay. Simula kasi noong ibalita 'yong gumagalang killer, maaga na silang nagsisipasok sa mga bahay nila at hindi na gumagala pa sa labas.
“Maliligo muna ako tapos matutulog na.” Kausap ko sa sarili ko.
Tumayo ako at kinuha ang towel na nakasabit sa dingding. Nang bubuksan ko sana ang pintuan ng CR ay napatalon ako sa gulat nang may kumalabog sa labas ng bahay namin.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at kulang nalang lumabas na ito mula sa katawan ko.
“Baka pusa lang, tama pusa lang 'yon.” Pangungumbinsi ko sa sarili ko at dali-daling pumasok sa CR.
Sa sobrang taranta ko ay agad akong nagbuhos ng tubig sa katawan at nagsabon. Habang sinasabon ko ang katawan ko ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Dumilat ako at nagpalinga-linga sa paligid pero nakasara ang nag-iisang bintana dito sa CR. Umiling ako at muling nagsabon pero may narinig akong parang umungol? Mahina lang 'yon pero narinig ko pa rin dahil sa sobrang tahimik ng paligid.
Ramdam kong nagtaasan ang mga buhok sa katawan ko kasama na 'yong buhok sa ibaba.
“S-Sino 'yan?” Nilakasan ko ang loob ko at nagtanong.
Walang sumagot. Pinakiramdaman ko ang paligid pero wala na akong narinig uli. Kaya dali dali akong nagbanlaw kahit ramdam kong nakatayo pa rin 'yong mga buhok sa katawan ko kasama na 'yong sa ibaba.
Nagtapis ako ng tuwalyo at dahan-dahang binuksan ang pinto. Lumikha pa 'yon ng ingay na mas lalong nagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.
Nang masiguro kong walang tao o walang nakasilip mula sa labas, tuluyan na akong lumabas sa CR at nagbihis.
“Walang mangyayari sa akin, wala.” Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.
Matapos magbihis ay hihiga na sana ako sa kama pero napansin kong nakabukas ang bintana ng kuwarto ko. Bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong isinara ko 'yon kanina pagdating ko dito.
Bakit biglang bumukas? Sino ang nagbukas?
Napatayo ako at napasigaw nang maramdaman kong yumugyog ang hinihigaan ko. May tao sa ilalim ng kama ko!
Agad akong nagsumiksik sa sulok ng kuwarto at nagsimulang maiyak sa takot.
At mula sa ilalim ng kama, lumabas ang isang lalaking nakasuot ng maskara ng isang nakakatakot na clown. Hinarap niya ako at itinaas ang hawak na kutsilyo.
“H-Huwag po, please, maawa po kayo sa akin. . .” Umiiyak na sabi ko.
Pero tila bingi ang killer at naglakad siya papalapit sa akin habang nakataas ang matalim na kutsilyo.
“P-Please, don't kill me, please. . .” Nagpatuloy ako sa pag-iyak at mas lalong nagsumiksik sa sulok.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin, umupo siya para makapantay ako at hinawakan ang baba ko.
“A-Ano po ba kailangan n'yo? Ibibigay ko j-just please, d-don't kill me.” Tanong ko habang patuloy na umiiyak, nagbabakasakaling maawa siya sa akin.
“Tinatanong mo ang kailangan ko?” Nagsalita ang killer, ang lalim ng boses niya kaya mas lalo akong nanginig sa takot.
“O-Opo, i-ibibigay ko po. . .”
Marami pa akong pangarap, ayaw ko pang mamatay.
“Ang puso mo.”
"P-Po?“
”Kailangan ko ang puso mo.“ Pagkasabi niya no'n, tinanggal niya ang suot niyang maskara at tumambad sa akin ang mukha ng gwapo naming kapitbahay.
”Crush kita matagal na at ngayon, akin na ang puso mo.“ At ipinakita niya ang killer smile niya habang ako, nakatulala.
***
Lably's Note :
Kanina no'ng pinost ko 'to sa FB, nagalit mga labs ko HAHAHAHAHAHAH! Gusto yata nila mamatay 'yong girl eh, kawawang bida. Oo na, sa susunod papatay na ako.
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Historia Corta"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy