21. | Midnight |

0 0 0
                                    

21. | Midnight |

Alas-onse na ng madaling araw, ako nalang ang natitirang gising sa mga oras na ito dahil masyado akong nadala sa kakabasa sa librong hiniram ko sa kapatid ko. Sa sobrang ganda ng libro, hindi ko na namalayan ang takbo ng oras.

Bago matulog ay binasa ko ang text na nanggaling sa boyfriend ko.

“Tapos na. Patay na siya.”

Napangiti ako at ibinalik sa pagkakalapag sa side table ang cellphone ko. Pinatay ko ang lampshade at tuluyang nahiga sa kama.

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na tulog nang maalimpungatan ako. Pakiramdam ko may nakayakap sa akin. Nararamdaman ko ang malamig na mga brasong nakapulot sa akin.

Nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Wala akong kasama sa kuwarto ko, mag-isa lang ako dito.

Dala ng kuryusidad, dahan-dahan akong lumingon at ganoon na lamang ang pagsigaw ko nang tumambad sa akin ang duguang mukha ng bestfriend ko, nakangiti ito habang walang tigil sa pagtulo ang dugo mula sa yuping bungo niya.

“Pinatay n'yo ako. Pinatay mo ako!” Nanggagalaiting sigaw niya at bago pa man ako makatakbo, sinunggaban niya ako at buong higpit na sinakal.

***

Lably's Note :

I wrote this because I can't sleep which is bad idea. Naiimagine ko tuloy ang duguang mukha ng isang babae. HUHU!

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now