13. | Kuya, hulog ka po ng langit |

1 1 0
                                    

13. | Kuya, hulog ka po ng langit |

***

“Guys, meet my boyfriend, si Randy." Masayang pakilala sa amin ni Sasa sa boyfriend niya.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit. Buti pa kasi siya may jowa na.

”Si Teyna nalang ang wala pang boyfriend sa atin."

In just a snap, nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Lahat sila nakangisi na parang mga asong ulol.

"Edi kayo na ang may jowa. Sanaol nalang." Nakabusangot na sabi ko saka sila nagtawanan. Ang bababaw ng kaligayahan ng mga kaibigan ko. Wala namang nakakatawa pero tumatawa sila.

"Baka naman kasi hindi boyfriend ang hanap niyan." Nakakalokong sabi ni Thea sabay tingin sa akin.

"Oo, I am a lesbian. Pa-kiss daw ako." Sabi ko sabay nguso sa kanya. Muli na naman silang nagtawanan.

Haaayy, ako kaya? Kailan ako magkaka-boyfriend? Huhu.

Dahil sa sama ng loob at inggit ay nagpaalam ako sa kanila. Maghahanap ako ng jowa. Akala nila sila lang, ah. Pwes, maghahanap rin ako.

Pero sempre niloloko ko lang ang sarili ko dahil wala naman talagang mahahanap na jowa sa paligid. Kamusta naman 'yon, diba? Piso pwede pang mahanap, jowa lang talaga imposible.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko kahit wala naman akong dibdib dahil sa sama ng loob kaya nagpunta nalang ako sa likuran ng building namin. Fresh kasi ang hangin doon dahil kagubatan 'yon at maraming puno. Kapag ako talaga nasagad, engkanto nalang jojowain ko. Joke 'yon, tawa kayo. Lmao.

Pagdating ko doon ay umupo ako sa tabi ng puno ng mangga at sumandan sa trunk nito. Hindi naman madumi kaya okay lang.

Nagmumuni-muni ako at ilang sandali pa ay tumingala ako sa kalangitan na parang nakikita ko doon si Lord.

“Lord, ba't wala pa akong jowa?” Mangiyak-iyak na tanong ko.

“Lord, bigyan 'niyo na po ako kahit isa lang. Sige na, Lord.”

Para akong tangang nakatingala sa kalangitan habang magkahawak ang dalawang kamay.

“Loooord! I need jowaaaaaa!” Ngumangawa na ako na parang tanga. Shet, sana walang makakita sa akin dito.

“Sige na, Lord. Ihulog 'niyo na siya ngayon din. Sasaluhin ko po, pleaseeee. Lord, ihulog 'niyo na---"

Napatigil ako at napasigaw sa gulat nang may biglang mahulog mula sa. . .?

"Huh? Agad agad, Lord?"

”A-Aray shit, ang sakit ng likod ko---" Napatingin sa akin si kuya pogi kaya agad akong ngumiti para magpa-cute sa kanya.

“Kuya, hulog ka po ng langit. Hinulog ka ni Lord para sa akin kaya akin ka na simula ngayon. Hehe.”

Yahoooo! Magkakajowa na akooooo!

***

Lably's Note :

Isang malaking LOL! HAHAHAHAHA!

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now