11. | My Annoying Boyfriend |

1 1 0
                                    

11. | My Annoying Boyfriend |

***

Nakabusangot ang mukha ko at naka-crossed arms habang nakatingin ng diretso sa boyfriend kong busy sa pag-e-ML. I've been here for almost 10 minutes but he didn't even glance me once. Tutok na tutok siya sa phone niya.

I heavily sighed and call him again.

“Paul, uy.”

But just like recently, sumagot lang siya ng tumataginting na “Hmm?”

Hmm? Ano 'yon? Aanhin ko 'yon? Makakain ba 'yon? Pakialam ko sa “hmm” mo?

“Paul!” Hindi ko na napigilan ang inis ko na kanina ko pa pinipigilan.

“Ano?" Tanong niya without looking at me.

Kinuha ko ang katabi kong unan at malakas na ibinato sa kanya. Sapul sa mukha ang mukong at sa gulat ay nabitawan niya ang phone niya.

”Babe naman! Ano ba 'yon? Hayst, matatalo kami nito, eh." Inis na sabi niya sabay pulot sa phone.

Hindi ako umimik at sa galit ko'y muli ko siyang binato ng unan. Mas malakas.

“Pinapunta mo lang ba ako dito para panoorin kang tumunganga dyan a phone mo? Wow naman, Paul, kanina pa ako nandito pero ni hindi mo man lang ako tinapunan ng tingin. Tapos ngayon naiinis ka sa 'kin? Okay, fine! Magpakasaya ka dyan sa ML mo at uuwi na ako! 'Wag na 'wag kang magpapakita sa akin dahil pag-uuntugin ko kayo ng ML mo! Mas mahal mo pa yata 'yang ML na 'yan kesa sa akin, eh. Tss.“

Tumayo ako at aalis sana pero hinila niya ako kaya napahiga ako sa sofa. Hindi na ako naka-angal pa nang daganan niya ako at ang luko, ngingiti-ngiti pa.

”Ang hot naman ng baby ko. 'Wag ka nang magselos, mas lalo kang gumaganda, eh. Tsaka alam mo namang mas mahal kita, diba? Kaya nga isang oras lang ako nag-e-ML, eh, tapos the rest ay sa'yo lang nakalaan."

“Psh.” Kunwari inis ako pero ang totoo, kinikilig ako.

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to, ang bilis bilis niya akong paamuin at pakiligin. Totoo naman na isang oras lang siya naglalaro ng ML pero hindi ko pa rin maiwasang magselos.

“Date nalang tayo.” Sabi niya.

“Saan?”

“Sa kuwarto.”

“Sira!”

Tumawa siya at mabilis akong kiniss sa lips.

“I love you, Zai.”

“Promise, mas mahal mo 'ko?”

“Oo nga, gusto mo patunayan ko?”

“Huh? Paano naman?”

“Tara sa kuwarto.”

“Puro ka kalokohan!” Hinampas ko siya sa balikat pero tumawa lang siya.

Hayyy, my boyfriend is so annoying sometines, but I love him more than everything in this world.

***

Lably's Note :

'Yong naiinggit ka sa sarili mong gawa HAHAHAHA! Hanggang sanaol may jowa ka nalang.

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now