1. |Beauty of the Sunrise|
"Insan! Gising na, ano ba!"
Someone booted my butt causing me to fall on the floor. Sinamaan ko ng tingin si Alyssa na masama rin ang tingin sa akin. I stood up while stroking my piteous butt.
Masakit ma-fall nang walang sumasalo, noh.
"Kailangan talaga sipain ako? Hindi ba pwedeng gisingin nang matiwasay? Mahirap 'yon, insan, mahirap?" I sarcastically said to her while rolling my eyes.
"Kanina pa kaya kita ginigising, nakabihis na ako't lahat-lahat, tulog ka pa rin."
I eyed her from head to toe, she's wearing a leggings and a pink sleeveless shirt. Okay, ready na nga siya. Edi siya na.
"Five minutes." Ang sabi ko nalang bago kinuha ang nakahanda nang isusuot ko at nagdadabog na naglakad papasok sa CR.
I wore a sweat pants and a black sweatshirt. Pagkatapos ay lumabas na ako at hinatak palabas ng bahay si Alyssa.
Bukang-liwayway pa nang makarating kami sa labas. I guess it's still 4 in the morning or nearly 5. If you're wondering what we're gonna do, magja-jogging po kami. Ewan ko ba dito sa pinsan ko, naging trip na niyang mag-jogging these past few days. Actually, this is our third time and until now, tinatamad pa rin akong gumising nang maaga.
Alyssa began to jog kaya medyo nahuhuli ako. Nakapasok lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ng suot kong sweatshirt habang naglalakad. I hate joggings, not because I can't lift up my body or I can't jog, I just don't like being sweaty. Nandidiri ako kapag pinagpapawisan ako at nanlalagkit ang katawan ko. But of course, hindi porke hindi ako nagja-jogging eh mataba na ako at mabilbil, actually I'm fit. Inaalagan ko rin naman ang body ko pero hindi nga lang sa way ng pagja-jogging. I have my own ways.
While walking, may mga nakakasabay kaming nagja-jogging rin. All of them are sweating profusely that made me winced. Kadiri. Medyo gumilid ako nang dumaan ang limang lalaki na parehong pawis na pawis. Mabuti nalang wala silang anghit kaya okay lang.
"Insan!"
I looked at my cousin who's busy on jogging. Ilang hakbang lang naman ang agwat namin kaya sinenyasan ko siya na magpatuloy lang na agad naman niyang ginawa.
Habang papalapit kami nang papalapit sa destination namin ay padami rin nang padami ang mga nakakasabay namin. After ten minutes or more of walking ay finally, nakarating rin kami. Sabay na kaming naglalakad ni Alyssa.
"Hindi ka na naman magja-jogging, insan?" She asked while stretching her body."No. Dito lang ako, sige na."
I sat down on the cold road and as I watched her began to jog. I took my phone and headset from my pocket at nagpatugtog ng music.
Habang nag-e-enjoy ako sa pakikinig ng music sa phone ko ay nilibot ko ang tingin sa paligid. Lot of people especially teenage one gathering everywhere. Yung iba nagkukwentuhan lang, yung iba nagja-jogging rin, yung iba naman sumasayaw ng zumba, at yung iba ay katulad ko na nakaupo lang at patingin-tingin sa paligid. Pero karamihan ay kausap ang mga jowa nila. Wew, dinahilan pa ang jogging eh makikipagkita lang pala sa jowa. Mahuli sana kayo ng mama 'niyo.
Itong lugar na 'to ay isang old airport. Hindi na ito ginagamit kaya dito nagtitipon-tipon ang halos kalahati ng population sa bayan namin kapag bukang-liwayway pa, lalo na ang mga kabataan tulad namin ni Alyssa. Actually, I don't like being here, sitting alone and waiting for my cousin to finish her jogging whatever and get back home after. I prefer sleeping peacefully at my bed than this shit. Pero wala akong magawa kapag nagyayaya ang pinsan kong bruha. It's not that I can't repudiate her request, ayaw ko lang talagang nagtatampo sa akin 'yon. Kaya ito, sa loob ng tatlong araw, hindi nakukumpleto ang tulog ko.
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Conto"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy