12. | Ano, tulala ka? |

1 1 0
                                    

12. | Ano, tulala ka? |

***

"Pangiiiiiiiiit!"

Napairap ako sa hangin nang marinig ko na naman ang hindi kanais-nais na boses ng lalaking 'yon.

Hindi ako lumingon at mas binilisan ko ang lakad ko. Pero isang mabigat na braso ang biglang umakbay sa 'kin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Pangit! Ang bilis bilis mong maglakad! Tomboy ka talaga kahit kailan. Hahahaha!"

Ang lakas lakas ng boses niya kaya halos magkaroon ng lindol sa loob ng tenga ko at magsi-talunan ang mga tutuli ko. Ang lapit lapit pa ng bunganga niya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang mabango---este mabaho niyang hininga.

"Buset ka talaga, Anton! Ang baho ng hiningi mo!" Inis na sigaw ko sa kanya sabay alis ng braso niya sa balikat ko at tumakbo na papuntang room.

"Hoy, pangit! Anthony ang pangalan ko hindi Anton!"

Hindi ko siya pinansin pero putak pa rin siya ng putak habang hinahabol ako.

"Pangiiiiit! Wait for meeeeeee!"

Pagdating ko sa room ay may teacher na kami. Hayst. Kasalanan ng kumag na 'yon, eh.

Dumiretso agad ako sa upuan ko at binati ang mga friends ko.

Habang matiwasay akong nakikinig sa teacher na nagdi-discuss sa harapan ay may biglang tumamang matigas na bagay sa likod ng ulo ko. Paglingon ko ay papel pala na ginawang bola. Inis kong tinignan si Anton na pangisi-ngisi at kunwari nakikinig ng mabuti.

Pinabayaan ko nalang at muling nakinig pero ilang sandali pa ay may tumama na naman. Sa inis ko'y pinulot ko ang mga papel at ibinato pabalik sa kanya. Sapul sa mukha ang kumag.

Turn ko naman para ngumisi at inirapan pa siya. Pero nagulat ako nang pulutin niya rin 'yon at ibinato sa akin. Napa-aray ako nang tumama 'yung papel sa noo ko.

"BWAHAHAHAHAHAHA! SAPUL SI PANGIIIIIT! HAHAHAHAHA!"

Umalingawngaw sa bawat sulok ng classroom ang pagkalakas-lakas na tawa ni Anton at ang namalayan ko nalang, nasa labas na kaming dalawa.

Patawa-tawa pa siya habang ako, inis na inis dahil napalabas na naman kami nang dahil sa kanya. Hindi ito ang unang beses dahil maraming beses na!

"Hahaha! Grabe magalit si Ma'am Santos, lumalaki ang butas ng ilong, bwahahahaha!"

Hinarap ko siya at tiningnan ng sobrang sama.

"Buset ka talaga kahit kailan, Anton. Lagi nalang akong minamalas nang dahil sa 'yo!" Sigaw ko sa kanya saka siya tinulak.

"Aba, aba, ako pa may kasalanan? Hoy, pangit!"

Nilayasan ko siya at mabilis na naglakad pero sumunod pa rin siya sa akin habang walang tigil sa pang-aasar.

"Mas lumalaki butas ng ilong mo kapag nagagalit ka, bwahahahaha!"

"Uy pangit, ba't ang pangit mo? Para ka pang tomboy. Ang sakit mong sumuntok."

"Hoy, dinidedma mo lang kagwapuhan ko?"

Putak pa rin siya ng putak pero hindi ko siya pinapansin. Mas binilisan ko pa ang lakad ko na halos tumakbo na ako pero 'di hamak na mas malalaki ang mga hakbang niya kesa sa akin kaya naabutan niya ako.

"Haynaku, ang pangit mo talaga, pangit."

"Hoy, dahan dahan lang sa paglalakad baka matapilok ka at madagdagan 'yang kapangitan mo. Hahahaha!"

"Hoy!"

Hinawakan niya ako sa balikat dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Inis na inis ko siyang tinignan at halos patayin sa sobrang sama ng tingin.

"Ba't ba ang sungit mo sa 'kin? Ang pangit mo na nga tapos nagsusungit ka pa. Hindi ko naman kasalanan kung bakit tayo napalabas ng room kasi binato mo ako ng papel. BWAHAHAHAHA! Naalala ko na naman tuloy yung hitsura mo noong tamaan ka ng papel sa mukha HAHAHAHA sobrang epic---"

Sa sobrang inis ko at sa sobrang rindi ko sa boses niya, malakas kong hinila ang necktie niya saka siya hinalikan sa labi.

Gulat na gulat siya pagkatapos at hindi na makapagsalita

"Ano? Tulala ka?" Sabi ko sa kanya saka siya tinalikuran at naglakad na papalayo.

Shet. That was my first kiss. At nakuha lang naman ng Anton na kumag na 'yoooooon! Arrrrrrrgh!

***

Lably's Note :

Ewan ko pero kinikilig ako habang sinusulat 'to HAHAHAHAHA!

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now