22. | Hunted House |
***
“Diyan namatay si Aleng Marites.” Bulong ng kaibigan ko habang nakatingin sa bahay na nasa harapan namin.
“Sinong Aleng Marites?” Kunot-noong tanong ko.
“Si Aleng Marites, iyong matandang nakatira sa bahay na 'yan.”
“Matanda na pala eh, baka kaya namatay dahil sa katandaan?” Natatawang sabi ko.
“Hindi, ang sabi ng lola ko may pumatay daw sa kanya. Pero ang nakakapagtaka, hindi raw matukoy kung ano o kung sino ito. Tapos ang kumakalat na chismis sa bayan natin, maligno raw ang pumatay! Nakakakilabot.” Niyakap pa nito ang braso ko habang takot na nakatingin sa bahay.
“Sus, ang OA. Baka naman may sakit lang kaya namatay.” Irap ko. Mga tao talaga, kung anu-ano pinagkakalat kahit wala namang sapat na ebidensya. Tsk tsk.
“Totoo kaya! Iyong pinsan ko nga may nakita daw siyang pumasok sa bahay na 'yan tapos hindi na lumabas. Oh ano, maniniwala ka nang hunted talaga 'yang bahay na 'yan at may sumpa?”
Tinignan ko ang bahay at may kalumaan nga 'yon, dalawang palapag ito at gawa sa kahoy. Sa unang tingin ay kikilabutan ka talaga pero hindi ako, hindi naman ako naniniwala sa mga multo multo na 'yan, eh. Kabaliwan lang 'yan.
“Tara na nga! Natatakot na ako, feeling ko may nakatingin sa atin.”
Hinila na ako ng kaibigan ko pero bago pa man ako makatalikod, may nahuli akong dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin.
Ano 'yon?
Kinaumagahan, sabay sabay kaming pumasok ng mga kaibigan ko sa school. Habang wala pang teacher ay pinag-uusapan nila ang hunted house na nadadaanan namin tuwing pauwi at papasok sa school. Sila lang ang nag-uusap at nakikinig lang ako habang bored na nakatingin sa kanila.
“May pumasok na naman daw kahapon doon at hindi na nakalabas.” Sabi ng isa sa mga kaibigan ko habang nanlalaki ang mga mata.
“Si Joey nakita namin kahapon na pumasok doon sa bahay at bigla nalang naglaho. Sinubukan naming sundan pero natakot kami kaya umuwi nalang kami.”
“Bakit kasi hindi n'yo sinundan sa loob? Malay n'yo may shortcut pala doon.” Sabat ko habang naiiling.
“Nakakatakot kaya! Ang creepy ng house, noh.”
“Tss. Ang sabihin n'yo mga duwag lang talaga kayo.” Sabi ko nalang.
Nang uwian, pinauna ko silang umuwi dahil may naisip akong plano. Papasukin ko ang hunted house na 'yon mag-isa! Hindi naman ako natatakot dahil unang-una, hindi ako naniniwala sa mga multo o maligno at pangalawa, walang dapat ikatakot.
Dumidilim na ang paligid nang buksan ko ang kinakalawang na gate ng bahay. Wala akong dalang flashlight kaya nangangapa nalang ako sa dilim habang paakyat sa kahoy na hagdanan. Tudo ingat ako dahil halatang marupok na at baka bigla nalang bumigay. Hindi naman masyadong madilim dahil may nakikita pa naman ako.
Nang tuluyan akong makarating sa second floor ay nilibot ko ang paningin sa silid. Wala nang mga gamit pero may isang kuwarto sa gilid. Nakaawang ang pintuan nito kaya doon ako dumiretso.
Ini-on ko ang camera ng phone ko para mag-video. Tignan lang talaga natin kung may may nagmumulto talaga dito at kapag may nakunan ako, ibebenta ko sa mga kaibigan kong duwag. Mwahahahahahaha!
Dahan-dahan kong nilakihan ang bukas ng pintuan habang nakatutok ng maigi ang camera ko. Pero nagulat ako at muntik nang mabitawan ang phone ko nang may marinig akong parang umuungol? Mahina lang 'yon sa una hanggang sa palakas ng palakas at may naririnig pa akong lumalagitik na bagay, parang katre na yumuyugyog dahil---
Tuluyan kong binuksan ang pintuan at pumasok, para lang tumambad sa akin ang dalawang taong nagsasalpukan sa kama.
“J-Joey?!” Gulat na bulalas ko nang makilala ko siya at napatingin din ako sa lalaking nakaibabaw sa kanya. “M-Manong guard?!”
Putaena. Kaya pala bigla nalang naglalaho daw. Talaga ngang may multo sa bahay na 'to. Mas nakakatakot nga lang ang nakita ko.
***
Lably's Note :
LOL HAHAHAHAHA! Noong pinost ko 'to sa facebook, minura nila ako HAHAHAHAHAHAHA!
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Kısa Hikaye"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy