26. | Make Face |
***
“Ano ba! Tigilan mo nga 'yan!” Nanggagalaiting sigaw ni Gina kay Andrew pero tinawanan lang niya ito habang patuloy na nagmi-makeface.
Galit na galit na si Gina pero hindi pa rin tinitigilan ni Andrew ang pagmi-makeface niya.
“Andrew! Tigilan mo sabi 'yan, eh! Nakakainis ka na!”
“Bleeeeeh!” Tanging sabi ni Andrew sabay labas ng dila niya at pinatirik ang mga mata na parang timang.
Naiinis na rin ako kaya inubos ko ang laman ng bottled water ko at malakas na ibinato sa kanya 'yon. Sa awa ng diyos ay tumigil na siya at bumalik na ang normal niyang mukha. Masama niya akong tinignan.
“Problema mo?”
“Iyang mukha mo ang problema ko, tigilan mo 'yang pagmi-makaface mo.”
“Nyenye!” At nilagay niya ang dalawa niyang forefinger sa magkabila niyang tenga at nilabas na naman ang dila niyang sobrang haba.
Sa inis ko ay tumayo ako at sinampal siya pero hindi pa rin siya tumitigil.
“Andrew! Tigilan mo sabi 'yan, eh! Inis na inis na inis na kami sa'yooooooooo!” Sigaw ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pagmi-makeface. Parang wala siyang naririnig.
Sinabunutan ko na siya pero ayaw pa rin niyang tumigil. Sa inis ko ay tinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig.
“Kapag hindi mo pa 'yan tinigilan, isinusumpa ko, Andrew, habang buhay magiging ganyan ang mukha mo.” Seryosong sabi ko sa kanya pero imbis na tumigil, mas lalo pa niyang itinirik ang mga mata niya at mas lalong inilabas ang dila.
Naupo nalang ako sa upuan ko habang inis na inis. Halos lahat kaming mga classmates niya pinagsasabihan siya pero hindi pa rin niya tinitigilan ang pagmi-makeface niya. Bahala na siya sa buhay niya.
Kinagabihan ay may malakas na ulan na dumating. Nakakapagtaka dahil maaraw naman kaninang umaga. Pero ganoon talaga ang buhay, hindi ma-predict.
Nasa kuwarto na ako at ready nang matulog. Ang lakas pa rin ng ulan at rinig na rinig ko ang mga kulog at kidlat. Parang galit ang langit eh kanina ang saya niya. Maaraw kasi, eh.
Pinatay ko ang ilaw at ipinikit ang mga mata ko. Tuluyan na sana akong lalamunin ng kadilim nang mapabalikwas ako dahil sa sunod-sunod at malalakas na katok na nagmumula sa labas ng kuwarto ko.
“Ma, naman!” Reklamo ko at pakamot-kamot sa ulong tinungo ang pintuan.
“Matutulog na ako, eh. Bakit ba kayo kumakatakot---”
Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang pagmumukha ni Andrew, nakalawit ang dila niya at nakatirik ang mga mata.
“T-Thulongans mhos akhos.”
“Ahhhhhhhhhhhhhhh!”
Dahil sa takot, nandilim ang paningin ko at lupaypay na bumagsak sa sahig.
***
One word for this -- cringe. HAHAHAHAHAHAHAHAH! So lame amp.
I got these photos from doon sa k-drama na napanood ko dati. I forgot the title pero ang ganda niya at ang cute ng story.
HOHO!
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Cerita Pendek"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy