3. | Mahal kita, Inay |
Bukang-liwayway pa nang magising ako kinabukasan. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago bumangon mula sa pagkakahiga. Lumabas ako mula sa kuwarto namin ng mga kapatid ko at nakita si Nanay na inaayos ang mga paninda niya.
"'Nay, tulungan ko na kayo." Sabi ko sa kanya pagkalapit ko.
"Huwag na, anak. Kaya ko na ito. Ang mabuti pa ay gisingin mo na ang mga kapatid mo nang makaligo na sila. Baka mahuli na naman sila sa iskuwela."
"Pero, 'Nay, magkape muna kayo. Teka lang at ipagtitimpla ko muna kayo." Agarang sabi ko at pupunta sana sa maliit naming kusina pero agad niya akong pinigilan.
"Huwag na, Kristin. Sa palengke nalang ako bibili ng tig-limang pesong kape. 'Yung nakalagay sa plastic na baso."
Ngumiti sa akin si Nanay kaya napangiti na rin ako. Dinala niya ang dalawang sako na may lamang mga gulay at lumabas na mula sa maliit naming bahay.
"Magsaing ka na, a. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." Ani pa niya bago tuluyang makaalis.
Sinundan ko siya ng tingin nang pumara siya ng traysikel papuntang palengke.
Siya si Susan, ang nanay kong pinakamabait at pinakamapagmahal sa balat ng lupa. Lahat gagawin niya para sa aming magkakapatid. Simula nang mawala si Tatay apat na taon na ang nakalipas ay siya na ang nagtrabaho para sa araw-araw naming pangangailangan lalo na at nag-aaral ang mga kapatid ko.
Lima kaming magkakapatid. Tatlo lang sa amin ang nag-aaral sa public school at ang bunso namin ay limang taong gulang palang. Ako ang panganay, tumigil ako sa pag-aaral pagkatapos kong gumraduate ng Highschool at hindi na nag-proceed ng Senior High. Mas pinili ko kasing bantayan ang mga kapatid ako at para na rin hindi na nag-aalala si Nanay kapag naiiwan ang mga kapatid ko sa bahay kapag umaalis siya.
Sa madaling salita, lima kaming pinapalamon ni Nanay nang siya lang mag-isa.
Halos trabaho lagi ang inaatupag ni Nanay. Nawalan na rin siya ng oras para sa pansarili niyang kaligayahan.
Dahil ayun sa kanya,"Kayo ang kaligayahan ko mga anak."
Kami raw ang tanging kaligayahan niya. Makita lang niya kami ay masaya na raw siya.
Bagama't byuda na si Nanay ay hindi pa rin niya nagawang makapag-asawang muli. Mas pinili niya kami kaysa sa sarili niya.
Walang araw ang lumilipas na hindi nagtatrabaho si Nanay upang kumita ng pera
Ang unang pinagkakakitaan niya ay ang mga paninda niyang gulay sa palengke. Pero hindi pa rin iyon sapat para sa aming lahat kaya tumatanggap rin siya ng labahan mula sa mga kapitbahay namin. Kapag may free time siya ay suma-sideline siya sa pag-aalaga ng anak ng kapitbabay naming mayaman.
Gano'n palagi si Nanay. Kahit may libre siyang oras para magpahinga, mas pinipili niya pa ring magtrabaho para lang sa amin.
Minsan tinatanong ko siya,
"'Nay, bakit ginagawa 'niyo ang lahat para sa aming magkakapatid?"
Ngumingiti lang siya at palaging iisa ang isinasagot,
YOU ARE READING
Let Me Tell You A Story
Short Story"𝗖𝗢𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗬 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗛𝗢𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦" HOPE YOU'LL ENJOY READING IT! ___ A work of fiction written by; Lablyyyyyy