8. | Kahit hindi na ako |

2 1 0
                                    

8. | Kahit hindi na ako |

***

Dear, bestfriend. . .

I miss you.

Ang sarap balikan ng mga panahong magkasama pa tayo. 'Yung kaunting bagay lang tinatawanan na natin, kung anu-anong mga kabaliwan natin sa buhay, laging ako 'yung kasama mo at laging ikaw rin ang kasama ko.

Kapag may problema ako, lagi lang nandyan. Kapag gusto ko ng kausap, isang tawag ko lang sa'yo nandito ka na.

Nakakamiss balikan 'yung dati na tayong dalawa lagi yung nagtatawanan, nagkukulitan at nagbangayan. Kahit minsan nagkakatampuhan tayo, nagiging okay rin agad.

Kung anu-ano trip natin sa buhay. Lahat ng mga nagiging crush mo alam ko at gano'n ka rin. Lahat ng tungkol sa isa't isa ay alam natin.

Pero bakit gano'n? Bakit biglang nagbago?

Iba na ang kasama mo, iba na rin ang kasama ko. Hindi na tayong dalawa 'yung nagtatawanan dahil iba na ang kasama mong tumatawa sa mga kalokohan mo. Parang sa isang iglap ay bigla nalang tayong naging stranger sa isa't isa.

Hindi naman tayo nag-away, wala naman tayong tampuhan, pero bakit gano'n? May nagawa ba ako? May nagawa ka ba? Wala naman, eh. Nagsawa sa isa't isa? Baka gano'n nga.

Naaalala ko pa noong mga panahong ako ang sinasabihan mo kung gaano ka-gwapo 'yung crush mo, kung gaano ka kinikilig sa binabasa mong wattpad at kung ano ang gusto mong marating sa buhay.

Pero ngayon, hindi na ako, iba na, napalitan na.

Nakakalungkot. Bakit hindi na ako?

Alam kong iba na ang mga kaibigan ko at gano'n ka rin, pero pwede bang ibalik 'yung dati?

Yung dati na tayong dalawa lang, walang sila, ako at ikaw lang. Kasi ang sakit, eh. Ang sakit makitang iba na ang kasama mo araw-araw. Naiiyak ako kapag nakikita kong hindi na ako ang kasama mo sa pagtawa mo, sa mga kalokohan mo at sa lahat-lahat ng ginagawa mo.

Bestfriend, alam kong nagbago na. Wala na 'yung dating closeness natin. Pero pwede bang huwag mo pa ring kakalimutan ang mga memories natin nang magkasama? 'Yung mga tawanan natin, mga kulitan, mga kabaliwan at lahat lahat.

Kasi ako, kahit hindi na ikaw 'yung kasama ko araw-araw, kahit hindi na ikaw 'yung partner ko sa lahat, hinding hindi ko pa rin kakalimutan ang lahat ng mga ginawa natin noon. Kasi para sa akin, ikaw pa rin 'yung bestfriend ko, kahit iba na ang bestfriend mo, ikaw pa rin at walang makakapalit sa'yo ninuman.

***

Lably's Note :

This is inspired by me. Yeah, I had a bestfriend. We've been friends for two years pero pagdating ng senior high which is this year, everything changed. Ewan, kasalanan ko rin naman I guess. Iba-iba kasi friends ko, siguro nagsawa na rin siya hanggang sa iba na ang mga kasama namin. Minsan bihira lang kaning mag-usap kahit classmates lang kami. Ang sakit kapag nakikita ko siyang kasama niya yung mga bago niyang bestfriends pero nasanay na ako. Atleast, may mga bestfriends rin ako. But still, I miss our closeness before and I miss her :<





Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now