16. | Prank Gone Wrong |

1 0 0
                                    

16. | Prank Gone Wrong |

***

“We're gonna prank your boyfriend!” Excited na sabi sa 'kin ng bestfriend ko habang nakangiti nang sobrang lawak.

“Pass.” I said sluggishly.

Hinampas niya ako sa balikat kaya napa-aray ako.

“Pass ka dyan! I've been planning this exciting prank tapos aayaw ka? Never!”

“Eh bakit kasi hindi nalang 'yong boyfriend mo ang i-prank mo?” Nakasimangot na tanong ko sa kanya.

“Haller? Wala kaya akong boyfriend!”

“Ay, oo nga pala HAHAHAHAHAHAHA!”

Napa-aray ako uli nang hampasin niya ako. Damn this friend of mine, kung hindi ko lang 'to mahal matagal ko nang binalian ng leeg. Ang bigat ng kamay, eh.

“So, here's the plan. You're gonna break up with thim---”

“What?! No!”

“Patapusin mo muna kasi ako!” Inangat niya ang kamay niya at bago pa niya maihampas sa 'kin 'yon, may tumawag sa pangalan ko.

“Basta, gawin mo 'yon kundi sasakalin kita.” Banta niya sa akin at ayaw ko man, napatango nalang ako. Takot ko lang sa kanya, noh.

“Babe!”

Hinarap ko ang boyfriend kong naglalakad papalapit sa amin. Agad niya akong niyakap at kiniss sa pisngi.

“Kumain ka na? Kain tayo.” He said, flashing his captivating smile.

Huhu. Paano ko gagawin ang prank ng magaling kong kaibigan? Ang hirap naman, eh! I don't wanna remove that smile on his handsome face.

“Ah, hehe.” Napakamot ako sa ulo ko at tumingin sa kaibigan kong lumalaki na ang butas ng ilong at pinandidilitan ako ng mga mata.

“Let's go?” Muling tanong ng boyfriend ko.

Bahala na nga! Kapag hindi ko 'to ginawa, sasakalin ako ng kaibigan ko. After naman nitong prank, magso-sorry ako at magiging okay rin kami. Ngayon lang 'to.

“Babe, may sasabihin ako sa 'yo.” Seryosong sabi ko.

“Ano 'yon?”

Huminga muna ako ng malalim bago siya tinignan ng diretso sa mga mata.

“Let's break up.”

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa. . .

“Okay, break na tayo.”

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Did I hear it right? P-Pumayag siya?! What the pak?

“A-Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“You want to break up with me, right? Pumapayag na ako. Actually, I'm planning this matagal na pero naunahan mo 'ko.”

Mabilis na nanubig ang mga mata ko at tumawa ng malakas pero nagmukha lang akong tangang joker.

“B-Babe, it was just a prank. Pinaprank lang kita.”

I tried to hold his hand pero iniwas niya 'yon.

“Is that so? Pero seryoso ako, hindi ito prank, break na tayo.”

“N-No. . .” Tumingin ako sa bestfriend ko para humingi ng tulong pero nagulat ako nang ngisian niya ako at pinulupot ang kamay niya sa braso ng boyfriend ko.

“W-What is the meaning of this? Bes?”

“We have a secret affair, Xyriel.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tuluyang tumulo ang luha na namumuo sa mga mata ko.

“K-Kelan pa?” Nanginginig na tanong ko.

“Matagal na, five months na.” Nakangising sagot ng bestfriend ko.

“How could you do this to me? Mga hayop kayo!” Umiiyak na sigaw ko sa kanila at napaluhod nalang sa sahig.

Ang sakit sakit. Sariling boyfriend at bestfriend ko pa. Iyong mga taong sobra kong pinagkatiwalaan pero nagawa akong lokohin.

Humagulgol ako ng iyak at walang pakialam sa dalawang taong nanloko sa 'kin.

“Ay, OA lang, bes? May paluhod-luhod ka pa dyan.”

“Shut up! Ikaw kaya lokohin, hindi ka iiyak nang ganito?!” Sigaw ko sa kanya.

“Prank lang 'yon, tumayo ka na dyan.”

“Huh?”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi nila.

“P-Prank? Pero diba t-tayo 'yong nagpa-prank?” Tanong ko.

“We already planned the plan before we could plan it.” Tumaas-baba ang kilay niya bago hinarap ang boyfriend ko at nag-apir sila habang tumatawa na parang nanalo ng isang billion.

“Babe, sorry. I love you, haha.”

“Heh! Sorry mo mukha mo! Break na tayo!” Sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang nila ako.

Letche. Ba't gano'n? Ako dapat magpa-prank pero ako pala 'yong biktima.

***

Lably's Note :

HAHAHAHAHAHA! Tawang tawa ako habang sinusulat 'to. Hindi ko alam kung gano'n rin kayo pero LOL, natatawa talaga ako.

Let Me Tell You A StoryWhere stories live. Discover now