"Si Mom?" I asked when I already entered the condo
Nag-grocery lang ako saglit dahil paubos na din ang stock namin dito sa condo. Wala naman akong pwedeng utusan dito. Wala dito sila manang. Kami lang ni Mom dito, so I have no choice.
Gusto naman sana akong samahan ni Clark kaya lang eh hindi siya pwede. Masyado siyang busy sa mga patients niya. Mabuti na lang at kabisado ko na ang lugar na ito.
"Don't worry, I always takecare of her like what I always do to you. Tulog pa siya sa kwarto." sagot ni Clark.
Tumango na lang ako at inayos na muna ang mga pinamili ko. Nilagay ko sa cabinet ang ibang mga pinamili ko. Sa cabinet nakalagay ang mga stocks namin na foods and such.
"Hindi ka pa ba pagod diyan?" Inagaw niya saakin ang hawak kong paperbag at siya na ang naglabas ng mga laman noon.
"Why would I? Ako na diyan!" Inagaw ko pa sa kaniya ang hawak niya kaya lang mabilis niyang nakuha saakin.
"Tsk. Ang kulit mo ah. Magpahinga ka na muna. Ako na dito." Bumalik na siya ulit sa ginagawa niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ni Mom.
We drcided na dito na lang sa condo si Mom magstay since malaki naman din dito and maayos ang buong condo. Ayaw niya na din kasi sa ospital magstay dahil lalo lang siyang nanghihina kapag nakikita niya ang puting wall ng ospital.
That's why we chose here. Mas komportable siya dito. Mga doctors and nurses na lang ang pumupunta dito para tignan ang lagay niya.
I smiled out of nowhere when I finally saw her. She's peacefully sleeping.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Mom, I'm always here for you. You're not alone here. We'll get through this." I whispered.
I know her. Kahit na gaano pa yan kahirao ay lalaban pa din siya. Si Clarck na mismo ang nagsabi na she's a fighter and she's very brave. Kayang kaya niyang lumaban sa battle na ito. And I trust Clark. Siya ang doktor ni Mom, kaya dapat ko siyang pagkatiwalaan sa lahat.
"C-clara? You're here already." Uupo sana siya kaya lang ay pinigilan ko na kaagad. Ayokong mahirapan siya. She smiled at me. Grabe she's the best Mom talaga.
Kahit na kasi nahihirapan siya nakangiti pa din siya kapag ako na ang kaniyang kaharap. Ganon naman talaga lahat ng mga nanay diba. Ayaw nilang magalala sakanila ang kanilang anak kaya idinadaan nila lahat sa isang malawak na ngiti.
"Did you wait too long?" I asked and she then shooked her head.
"I love you, sweetheart." Lumapit ako sa kaniya para halikan niya ang noo ko.
"Clarisse, can I talk to you?" I'm baking some cookies and cupcakes but suddenly Clark disturbed me.
"Sure, why not?" I nodded and then kumuha ako ng tissue para punasan ang kamay ko na kakahugas palang.
Sumenyas siya na sundan ko daw siya. Kaya ito at napunta kami dito sa balcony.
"Breast cancer stage 4," he said.
Ako naman ay parang kinakabahan na sa sasabihin niya. Kasabi niya palang ng word na 'stage r' ay parang hindi ko na kayang pakinggan. But I have to. Paano ko malalaman ang dapat kong malaman kung ako itong lumalayo sa katotohanan.
Ilang beses na akong kinausap ni Clark tungkol dito at hanggang ngayon ay palagi ko pa ring tinatakasan ang topic na ito. Hindi ko kasi talaga kaya.
Just because I'm strong enough in front of other people doesn't mean that I'm strong enough to handle the pain too. Yes I may be a maldita and I may be a little bitchy but that doesn't mean that I deserve this.

BINABASA MO ANG
The Clarity of Love (Montereal Series #2)
RomancePaano kung ang dating magkasintahan ay muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Maari nga bang bumalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa? Ito na nga ba ang pagkakataon para mulinh balikan ang kanilang nakaraan? Maibabalik pa nga ba an...