"Hi everyone! It's been a while!" I'm holding my camera and kinukuhanan ko ang sarili ko.
OMG! I'm back again! Clarisse niyo muling nagbabalik sa pagv-vlog. After how many months, nakabalik din ako dito. Maybe it's because of my fans kasi sobrang kulit nila. Dm sila ng dm saakin na magvlog na daw ako. Gusto na raw nila akong makita nasa harap ng camera.
"For today's vlog, it's not that special naman. It's just all about my life here in New York. So now, pupunta ako ng Supermarket para sa mga kailangan ko."
Ngayon ko nararamdaman ang hirap. Super hirap palang magisa. Lalo na ngayong nasa kalagitnaan ako ng vlog ko. Magisa lang ako and walang ibang hahawak sa camera kung hindi ako.
Ginawa ko na lahat ng mga dapat kong gawin. Hindi naman ganoon karami ang mga binili ko. Mga essentials lang. Sa ilang months ko dito, naging tahimik naman buhay ko. Dahan-dahan ulit akong bumabalik sa pagiging model ko. Iniisip ko na baka magfocus na lang ako sa modeling and vlogging. Mas okay na siguro yun para saakin. Iiwanan ko na ang paga-artista because it's really hard for me.
Hindi ko talaga siya kaya. Magiging complicated yung schedule ko kapag pinagsabay-sabay ko yun ngayon. Siguro hindi talaga ako oara sa industry na iyon. Hanggang international model lang ang kaya ko. And simula nung pasukin ko ang pagaartista feeling ko napaka-public na talaga ng buhay ko ngayon to the point na pati pagkain at pagtulog ko ay kailangan nilang alamin. And I'm getting uncomfortable na talaga.
"And that's all for today. I hope you guys enjoy my vlog kahit na medyo na-boring ako sa content ko but before I emd this video. I just want to tell you that I'm always thankful to have you. Thank you guys for waiting though hindi naman ganoon katagal ang pagkawala ko but still thank you, thank you. God bless and I love you all!" And with that I ended up the video. Sisimulan ko na ang pag-edit habang may free time ako ngayon and I'll upload it once I already finished editing this one.
It's late night in the evening but here I am scrolling through my phone. I can't sleep. Pero kanina inaantok na ako and then nung humiga na ako hindi na ako dinalaw ng antok.
Kanina pa ako scroll ng scroll pero mukha pa rin ni Mila ang nakikita ko. Sinakop niya naman yung news feed ko. Grabe. Nakakasawa mukha ni Mila kahit na bestfriend ko pa siya.
Chineck ko na lang muna yung mga messages galing sa mga fans ko. Sawa na rin ako magscroll ng magscroll.
Some said they already miss me. While some are my haters na laging pinapasabog ang message request ko. Napaka-attention seeker! Hindi ko na lang pinapatulan. Wala rin namang sense ang sinasabi nila saakin.
Napahinto ako nang may makita akong isang message na galing sa isang lalaking.....sabihin na nating malapit sa puso ko dati.
Ryder_Montereal: Hey, how are you? I hope you're okay. But I guess no. Sa mga news ba naman na kumakalat, malamang hindi ka talaga okay.
Sa ilang buwan kong nandito. Si Ryder na lang ang nagparamdam saakin through chats. Wala akong masyadong balita kay Clark and hindi rin naman nakukwento ni Mila saakin 'yun. Siguro hindi niya na madalas makita si Clark.
Pero nakakapagtaka talaga yung biglaan niyang hindi pagpaparamdam saakin. Ang clingy kaya nung doktor na iyon. Baka busy lang siya. Pero grabe naman yung pagkabusy niya, ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam saakin.
Wait, why am I acting like this? Nagtatampo ba ako? Nalulungkot o ano? Usually wala naman talaga akong pakialam kung kakamustahin man ako ni Clark o hindi.
Nalipat ang tingin ko sa orasan. It's already 12:00am. Sirang-sira na ang sleeping schedule ko. Nasa New York ako ngayon, masaya naman ako dito pero hindi ako masaya sa sleeping schedule na meron ako. Minsan 3:00am na ako kung makatulog. Ano bang nangyayari saakin?
BINABASA MO ANG
The Clarity of Love (Montereal Series #2)
RomancePaano kung ang dating magkasintahan ay muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Maari nga bang bumalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa? Ito na nga ba ang pagkakataon para mulinh balikan ang kanilang nakaraan? Maibabalik pa nga ba an...