07

59 7 4
                                    

Weeks had passed but still I'm here talking to this jerk. Like what I've said, I want to know him more. I mean, I want to know who's the real Ryder. Parang may kutob kasi ako na ang Ryder na nasa school at sa mansion nila eh magkaiba. Yun lang naman ang gusto kong malaman sakaniya eh. Nothing more, nothing less.

I don't like him. Sadyang gusto ko lang makilala kung sino siya. Marami pa akong gustong malaman sakaniya but I guess it takes time para mas lalo ko siyang makilala.

"Hindi pala papatol ahh. But what's this? A friendly date? We've been friends for how many years! And never kang nakipagsate ng ganito!" Oh here's Mila and sobrang nakakarindi ang lumalabas sa bibig niya.

"Shut up okay? Let me explain everything to you, okay?" I took a deep breathe at hinila ko siya papunta sa lugar na wala masyadong tao para wala ding makarinig saamin. I know some students here hobby nilang makinig sa usapan ng may usapan.

"Okay so ganito kasi yan-" Hindi pa man ako natatapos eh may side comment na naman siya.

"Gosh! So boyfriend mo na siya? Diba you hate guys? Kasi nga ayaw mong masaktan. And then anong meron kay Ryder at bigla mong naging boyfriend?" Sabi na eh. Magkakaroon kami ng one on one talk nitong si Mila. I know her. Maraming questions ang pumapasok sa isip niya.

"Were just using each other, Mila. Wala talaga kaming relasyon. Lahat ng yun ay palabas lang. But please don't you dare to spill the tea, understand?" Syempre hindi pa diyan natatapos ang usapan, knowing na matanong itong bestfriend ko. Malamang ay hindi niya ako tinigilan.

I explained everything to her, besides ayoko naman kasing magtago ng secrets sa kaniya at para mapanatag na din siya.

"Hindi mo siya gusto pero gusto mo siyang makilala lalo? Why?" Mila asked.

"I don't know. Basta there's something na nagpu-push saakin na mas lalo siyang makilala. Maybe I'm curious about him, I mean about his life like that." After naming magkita ni Ryder nung nakaraan, lagi na lang pumapasok sa isipan ko ang nakita kong lungkot sa mga mata niya.

Napansin ko rin na there's something strange about my feelings. Kasi kwala naman akong pakialam sa mga taong nakapaligid saakin but when I saw Ryders eyes, parang gusto kong malaman what's behind those eyes na parang malungkot.

Let's just say na I want to investigate something na related kay Ryder.

"Is that true? Boyfriend mo si Ryder? How come? Hindi naman kayo bagay eh. Bakit? Naghihirap na ba kayo nung Nanay mo? Hindi ka na ba sinusustentuhan ni Dad? Oh poor Clarisse!" Here comes the witch! Sino pa ba? Edi yung step sister kong witch!

"Naghihirap? Excuse me? Sa ating dalawa ikaw ang may mahirap na buhay. Because of Dad, nabibili mo lahat ng gusto mo, nakakakain ka sa mamahaling restaurants, nakabili ka din ng kotse mo. Without Dad, hindi ka mapupunta sa school na ito. And why do you care if boyfriend ko nga si Ryder? Beside it's none of your business anymore." Hinila ko na ulit si Mila pabalik sana sa room kaya lang may bruhang humila sa braso ko.

"Naguusap pa tayo. Wag ka ngang bastos!" Pabagsak niyang binitawan ang braso ko at inirapan ako.

"Naguusap tayo? Seriously? Kung ikaw ang kakauaapin ko, asahan mong hindi matino lahat ng sasabihin ko sayo. And what? Bastos? Oh no way dear. Pinalaki ako ni Mom ng maayos. Yes I maybe a maldita one but I know how to respect others. Sorry pero hindi ka kasi kabilang doon sa mga taong nirerespeto ko. Byee!" I smiled widely. Yung smile na maiiwan siyang asar na asar dahil doon.

After nung eksena namin nung step sister ko sa hallway, sumama si Mila dito sa music room kung saan magme-meeting ang mga kasali sa play. Since wala din naman akong ka-close doon pumayag na ako na sumama siya saakin.

Hindi man ako masyado nakikinig sa mga pinaguusapan. Mas gusto ko pang kausapin si Mila kaysa sa makinig sa mga pinagsasabi ni Ryder tungkol sa play.

"Look at him. Napapasunod niya lahat ng mga kausap niya. Para siyang hari na kailangan sundin." Napapailing na lang ako sa mga sinasabi saakin ni Mila.

Again and again, pinagpapantasyahan niya na naman si Ryder. Sabi na eh. Isa din ito sa mga dahilan kaya sumama siya. I know na gusto niya si Ryder. Si Mila pa, yung mga klase ng lalaking gusto niya ay yung mga kagaya ni Ryder.

"Film? Bakit naman daw?" Kaharap ko ngayon si Ryder dahil hindi ako nakikinig kanina, nagulat ako sa sinabi niya na hindi na daw play ang gagawin namin.

Imbes na play, napagusapan ng ibang teachers na film na lang ang gawin namin pero Phantom of The Opera pa din ang gagayahin namin.

"Matuto ka kasing makinig!" Pinitik niya ang noo ko kaya napasigaw ako ng malakas.

"Tsk. Ang OA! Mahina nga lang yun ehh. Let's go! Sumama ka na saakin." Hawak ko ang noo ko habang yinitignan ko siya ng masama.

Mahina lang daw! Kapag talaga ito namula, humanda siya saakin!

Sasakay daw kami sa isang van, which is van nila Ryder. May mga place na kasing nakalista kung saan kami magfi-film. And para ma-make sure na kami lang ang tao doon once na magshoot kami. Pupuntahan namin yun ngayon.

Hindi ko nga alam bakit kasama pa ako. Eh samantalang yung mga dapat isama ay yung mga parang directors sa gagawin naming film.

Sa harap ako pinaupo ni Ryder. Sa tabi niya. Siya kasi ang nagda-drive. Wala naman akong magagawa dahil puno na din naman yung sa likod.

Kung saan saang lugar kami nakapunta. Halos lahat ng pinuntahan namin ay bago sa paningin ko. Mukhang ngayon ko lang napuntahan ang mga yun eh.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Look oh! Bato bato kaya yung daan tapos lalakarin lang natin? Kapag talaga dito may mga snakes or tigers humanda kayong lahat saakin!" Kanina pa ako nagrereklamo dito pero pinagtatawanan lang nila ako.

"Tsk. Scared of snakes and tigers huh?" Nakangiti si Ryder saakin at nakataas ang isa niyang kilay.

"Ofcourse no! Inaalala ko lang yung mga kasama natin." I lied.

Actually I'm scared with those kind of animals. Sino ba namang hindi matatakot sa snake? At mas lalo na sa tiger diba?

"Wow! You care about them?" Hindi ko na lang siya pinansin dahil abala ako sa paglalakad sa mga bato bato na ito.

Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng lugar na pagkuhanan, dito pa sa mga liblib na parang kami na lang yata talaga ang natitirang tao dito.

"Woah!" Muntik-muntikan na akong mahulog sa bangin na nandito dahil namali ako ng paglalakad.

Good thing at agad akong nasalo ni Ryder. Hawak niya ang likuran ko habang aksidente naman akong mapahawak sa leeg niya.

Hindi naman na ako magdadalawang isip na hawakan siya at hindi na din ako magiinarte pa. Buhay ko ang nakasalalay dito kaya aalisin ko muna sa katawan ko ang kaartehan ko.

Napansin ko naman ang pagtingin saakin ni Ryder. Hindi ko alam kung nangaasar siya o ano eh.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. I gulped.  Unti-unti ko na siyang sinamaan ng tingin dahil sa way ng pagtingin niya.

"I'm starting to like you."
____________________________________________

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon