17

38 6 0
                                    

3 days na lang before valentines day and I still don't know kung bibigyan ko ba ng gift si Ryder. Kasi kahit di ko siya bigyan ng kahit na anong gift eh for sure afford niya din naman yun bilhin. Hello? He's the son of Mr. Montereal! Kahit ano kayang kaya niya yun bilhin. Walang mahal para sakanila no.

"Sinabi mo na ba kay Ryder? Yung tungkol sa, alam mo na." I'm with Mila. Nasa isang spa kami. It's saturday! So wala kaming gagawin kaya dito na muna kami sa spa. Para marelax naman ako at hindi mastress sa mga bagay-bagay.

"Ah that thing ba? Of course hindi pa. I can't eh," i answered.

Last time nakausap ko yung manager ko and she said na I need to go sa New York for my training as a model. Nahihirapan akong i-open yung topic na ito kay Ryder kasu baka mamaya magalit siya or maybe hindi niya ako payagan.

Ayoko din naman kasing umalis ng Philippines because naisip ko, how about my Mom? Siya lang maiiwan dito. Hindi naman pwedeng samahan siya ni Mila because may iba ding aasikasuhin ang bruha kong bestfriend. Kaya sabi ko sa manager ko, let me think about it.

Pero she warned me, once daw na hindi ako pumayag dito. Say goodbye na daw sa career ko na ito. Ayoko naman sanang gawin yun but if that's the only thing I could do then, fine. I will.

"I know it's hard but I think you need to tell him na. Ilang araw na lang flight mo na unless wala kang balak na pumunta doon. Pero girl, I know that's your dream diba?" Kanina niya pa talaga ako kinukulit about sa bagay na yan.

Yes, these past few weeks nasabi ko sa sarili ko na gusto ko talagang maging isang model. Maybe dito talaga ako nilagay because fit ako dito. But kapag pinagpatuloy ko ito? How about Ryder? How about my Mom? Maiiwan silang dalawa dito. Syempre ayaw ko naman mangyari yun.

"Okay, I'll tell him later. He's busy kasi lately that's why hindi ko mai-open yung topic na ito sakaniya. Sana pumayag siya pero kung hindi......edi hindi." Nagkibit balikat na lang ako at pumikit.

"Done? Kanina ko pa kayo hinihintay sa labas eh." I blinked twice. I didn't expect kasi na susunduin niya ako ngayon dito.

Nagkatinginan naman kami ni Mila. We're talking using our eyes lang and we used to do it everytime na may balak sabihin sa isang tao. Palagi namin yan ginagawa once na may plano kami or may gusto kaming sabihin kay Mom and syempre dito din kay Ryder.

"Oh Ryder! Pakialagaan na lang 'tong bestfriend ko ahh. I'm going na. Goodbye lovebirds!" She awkwardly run away.

Ang galing ng bestfriend ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mata nung tumingin siya saakin. Akala ko makukuha ko siya sa tingin lang. Humanda talaga siya sakin bukas eh.

"Let's go na love." Hinila ko na si Ryder para makauwi din kami kaagad. Kumunot pa ang noo nito pero agad naman siyang napailing at nagkibit balikat.

"So where do you want to eat? Hindi na tayo palagi nakakapag dinner ng sabay eh." Nakatutok lang ako sa phone ko habnag siya ay nagsasalita pa na kesyo he's hungry daw and he wants to eat with me sa restaurant. He's so madaldal ngayon!

"Mag-drive thru na lang tayo. Sa bahay tayo kumain." Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango ito.

Dumiretso kami sa isang fast food chain at gaya ng sabi ko nga kanina. Druve thru na lang kami para mas mabilis. Gusto ko kasing komportable akong kumain kaya pinili ko na lang sa bahay.

"Mom! Ryder is here!" Kapasok na kapasok ko sa bahay namin ay agad kong tinawag si Mom. Nung minsan pa ako kinukulit niyan na papuntahin ko daw dito si Ryder. Gusto niya na daw makita. Akala mo naman siya yung jowa ni Ryder. Si Mom talaga.

"She missed you already na daw. Can I ask you?" Kumunot ang noo niya at hinain na muna ang dala naming pagkain sa kusina.

"Yup. You can." Pinatapos ko muna siyang kumuha ng mga utensils bago ako nagsalita.

"Si Mom tsaka ikaw? Magjowa ba kayo?" He then bursted out laughing.

"What's with that laugh?" I raised a brow.

"Seryoso ka ba talaga sa tanong mo? Mom mo tapos gagawin kong girlfriend? Yes I admit she's beautiful, she's too nice than you. But of course hell no. Mas matanda siya saakin ng ilang taon. Of course I'll always choose you because you're my girlfriend." He opened his arms and lumapit ako sakaniya para bigyan siya ng hug.

And after ng kalandian naming dalawa sa kitchen. Dumiretso kami sa kwarto ko. Mom is sleeping na daw kasi. Kaya di na namin siya ginulo. Sayang, nandito pa man din si Ryder.

I decided na sa kwarto na lang kami kumain. Dahil ang ingay ingay ni Ryder sa kitchen. Ang dami niyang kalokohan. He always laugh as if naman na may nagjoke saaming dalawa. He's crazy.

Habang nakaupo kami at magkatabing kumakain, bigla niya na lang akong inakbayan. Seriously? Paano kami makakakain ng maayos nito?

"You know what? Ang clingy mo. Paano tayo makakakain ng maayos?" Reklamo ko sakaniya and he just chuckled.

Wow! Boyfriend ko ba talaga 'to? He's clingy and naughty at the same time. Si Ryder ba talaga 'to?

"But to be honest? I feel so safe with your arms around me." And with that words, he blushed.

Napatayo tuloy ako at tinuro ang pisngi niya. Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Minsan ko lang kasi siya makitang ganiyan.
While I'm laughing, he suddenly hugged me from behind.

"I love the way you laugh, that's my girl. I love you." He then kissed me on my cheeks. Medyo nakiliti pa ako because nasa likod ko siya.

"I love you too." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan din ang pisngi niya.

"I'm clingy because I'll miss you." Natanggal ang pagkakayakap niya saakin dahil ako ang kusang nagtanggal doon. I faced him and watched his facial expression.

"What? What are you saying? Anong ma-mimiss?" Naguguluhan kong tanong sakaniya.

"3 days na lang pupunta na akong New York." My mouth formed an 'o' when he said those words.

"Seryoso ka ba diyan? For what? For your career?" Sunod sunod kong tanong sakaniya. He just smiled and slighly nod.

I hugged him again and whisphered, "You're going with me."
____________________________________________

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon