03

75 10 7
                                    

Ryder_Montereal: What now? Did you already think about it?

I rolled my eyes when I saw his chats. Ang kapal ng mukha niyang i-chat ako sa IG. Were not close! Tsaka nung isang araw na sinabi niya saakin na gagamitin namin ang isa't isa? Gosh! Do I look like a manggagamit? Tsaka what for? Kontento na ako sa kung anong meron ako. And never akong magpapagamit kahit kanino.

One week ko ng inaaral ang binigay na script. Kailangan kong galingan for this play. Hindi kasi ito kagaya ng mga play na nasalihan ko na. Big time! According to Mila marami daw manonood and kasama na din doon ang mga ibang students na nagaaral sa ibang school.

Nandito ako sa parking lot ng school dahil hinihintay ko pa si Mila. Lagot talaga saakin yung babaeng yun eh. Ang tagal tagal niya. Kanina ko pa siya hinihintay dito eh.

May isang paparating na sasakyan at sa tingin ko ito na nga ang bestfriend kong palaging late.

My eyes grew bigger when I saw a familiar guy. Oh gosh! Why so aga ng karma? Sa lahat ba naman ng darating eh, bakit siya pa? The world is really cruel.

Bumaba si Ryder sa kaniyang silver na Panos Esperante. Well, hindi na ko magtataka kung ang presyo ng kotse niya ay aabot ng milyon milyon. Isa siyang Montereal at kahit ano kaya niyang bilhin. Kaya naman pati mga babae eh kayang kaya niyang paikutin gamit ang looks niya at syempre yung pera niya.

My jaw dropped when I saw this woman na kasama niyang bumaba ng kotse. OH MY GOSH! Am I dreaming lang ba? Why Oh Why? Of all people, bakit yung bestfriend ko pa Ryder?

Lumakad ako at sinalubong ko silang dalawa. Tinapatan ko itong si Ryder.

"What did you do to her? What's happening? Girlfriend mo na ba ang bestfriend ko? As in? Why so fast?" Sunod sunod kong tanong sakaniya. Si Mila naman ay halatang nagulat dahil siguro nalaman ko na na si Ryder ang boyfriend niya.

Nung isang araw at kaninang umaga ay pinuno niya ng message yung IG ko tapos ngayon makikita ko sila pala nung bestfriend ko. What a jerk!

"Woah! Chill! Why would I date your bestfriend, when you're my Christine already?" This guy is really getting into my nerves. I hate him so much!

"Tsk. So what if I'm Christine? And hello? It's just a play! Don't be serious about that! Let's go Mila!" I was about to walk when someone's grabbed my wrist and with that case, I already know who did that one. It's Ryder.

I turned around to face him. He playfully smiled.

"Let's go!" He said.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya saakin. Baka kasi kung ano naman isipin ng mga students na nakakita saamin.

"Tsk!" I grabbed Mila's hand, para makaalis na kami sa harapan ng lalaking ito. I also want to talk to my bestfriend about what happened a while ago.

Sobrang daming questions na pumapasok sa isip ko. May kotse naman kasi si Mila, so anong dahilan para sumabay siya doon sa lalaking yun?

"Explain." Nasa restroom kami. I think this is the best place to talk. Since wala namang tao dito and mukhang nagstart na yata ang klase.

"Nasira yung kotse ko. Good thing may nagmagandang loob na isabay na lang ako and that's Ryder. He's kind and gentleman. Oh God! He's a boyfriend material too!" She even gigled while talking about that guy. God Mila! I guess she's inlove with that guy. Oh no!

"Are you sure? Walang namamagitang relasyon sainyo?" Paninigurado ko. I know Mila very well. Once na magkaroon siya ng boyfriend, hindi niya yun kaagad sinasabi saakin. But what for? I don't care if may boyfriend siya. Ang hindi ko lang matanggap na si Ryder pa.

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon