"Congratulations Clarisse and Ryder! I'm so proud for the both of you!" bati ni Mom saamin ni Ryder.
Finally, we survived! Hindi ko akalain na graduate na kami ngayon. Mas makakapag-focus na ako sa pagmo-model ko at sa iba ko pang gustong gawin, ganon din si Ryder.
Nagpakuha kami ng litrato kay Mom. Nung una kami lang dalawa ni Ryder dahil nga si Mila eh nandoon pa sa family niya pero agad din niya kaming nilapitan para makisali and then after nun si Mila at ako naman ang kinuhanan ni Mom. Syempre ang pinakalast ay kaming dalawa ni Mom.
"Thank you so much Mom." I kissed her cheeks and giggled.
"No problem, Clara. You always have me."
Pinagpatuloy pa din namin ang pagaaral namin kahit na medyo mahirap. Umuwi kami ng Pilipinas for our graduation day. Muntikan pa kaming hindi maka-attend dahil hinarangan kami ng mga tao sa airport. Syemprenisa lang naman ang dahilan nun kundi dahil kay Ryder.
Naging maingay ang pangalan niya sa New York at pati na din dito sa Pilipinas dahil nga talaga namang nag stand out siya bilang isang magaling na model and artist. May mga nagawa na siyang short films doon sa New York noon pero hindi namin inaaasahan na papatok yun sa laht ng manonood kaya ang dami tuloy na humahanga sakaniya. And I'n always proud of him.
"Congrats Love!" Ryder greeted me and gave me a boquet of flowers.
"Congratulations too, Love."
I didn't expect na tatagal kami ng ganito, na aabot kami hanggang graduation namin. Because I thought Ryder would give up on me because of my attitude but he didn't. Mas lalo niya akong minahal at lalo ko din naman siyang minahal because he proved to me that he changed. He really changed a lot.
After our graduation, back to normal na ulit. Back to photoshoots and such. Now, we became more busy. Hindi na kami nagkikita ni Ryder at hindi na din kami nagkakausap through phone man lang.
But like what I've said before, I understand his situation. We need to understand each other. Pinasok namin ang industry na ito, kaya dapat lang na maintindihan namin ang isa't isa.
"Clarisse, may bago ka na namang project. Congratulations! You really did well. Grabe! I'm so proud of you!"
Minsan gusto kong tanggihan ang ibang mga projects but I can't. Dahil manager ko ang magde-decide nun. Kahit gusto kong umayaw, wala naman akong magagawa. Kahit pagod na ako, wala pa din akong magagawa.
"Oh si Ryder nandito." Agad kong narinig ang iba kong kasama. Kapag talaga pangalan niya na ang binabanggit, naririnig ko kaagad.
Tumayo ako para lapitan na siya kaagad. Kumapit ako sa braso niya at ngumiti. "You're here na, you miss me?" I asked him with my sweetest or should I call it a "pabebe" tone.
Huli naming pagkikita ay nung sabado pa at wednesday na ngayon kaya naman talagang namiss ko ang isang 'to. He didn't bother to answered bigla niya na lang kinuha ang mga gamit ko sa table at inaya na akong umalis.
What's with him? May galit ba siya saakin? May problema ba siya? Why is he acting like that out of nowhere? Did I do something wrong? Mali ba na naging sweet ako sakaniya ngayon?
"Love," i called him.
Nakuha na kasi naming sumakay ng kotse pero hindi pa din siya nagsasaluta. Usually, kapag nasa kotse na kami ay manlalambing yan o kaya mabgaasar. Pero ngayon, ang tahi-tahimik niya. At nakakainis ang pagiging tahimik niya.
"Did I do something wrong? Do you have a problem?" Tanong ko sakaniya.
Hindi niya muna minaneho ang kotse. Nanatili lang nakastart yung engine pero hindi niya ito ginagalaw at tumingin lang siya saakin.
BINABASA MO ANG
The Clarity of Love (Montereal Series #2)
RomancePaano kung ang dating magkasintahan ay muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Maari nga bang bumalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa? Ito na nga ba ang pagkakataon para mulinh balikan ang kanilang nakaraan? Maibabalik pa nga ba an...