"You're going with Ryder? And how about me huh?" mom asked.
Kagabi nasabi ko na kay Ryder na sasama ako sakaniya because doon din yung training ko as a model. And now, kay Mom ko naman yan sinabi. She looks worried nung sinabi ko yan sakaniya. Maybe inaalala niya lang na dahil maiiwan siya dito at malalayo ako sa kaniya.
"Months lang naman ang itatagal ko doon Mom, if makuha ko kaagad yung mga tinuturo nila saakin. Don't worry I'll be back naman. Tsaka look, pwede mo naman akong makausap through video call and chat." I smiled and gave him a tight hugged.
"Kahit na, Clara. Matagal pa din yung buwan na sinasabi mo. Wala na nga yung dad mo tapos wala ka pa dito sa tabi ko. But remember that I'm always proud of you. Ang ayaw ko lang ay yung kailangan mo pang lumayo." She then gave me a kiss on my forehead.
Tomorrow na yung alis namin ni Ryder kaya after kong kausapin si Mom, tinulungan niya na akong mag-impake ng mga gamit ko. Good thing Mila will come too. Since siya din naman ang isa sa mga photograpers na kinuha nung agency.
"Last day na natin here sa Philippines. Awww, I'll miss this place for sure. Ito kaya yung palaging coffee shop na pinupuntahan natin." She's so dramatic. As if naman magtatagal siya doon ng ilang taon.
After kong magimpake, I called Mila. Sabi ko punta kami sa favorite naming coffee shop. Bukas ng maaga yung flight namin. Kaya nga ngayon eh ineenjoy na talaga namin ang natitirang oras namin dito sa Pilipinas.
"Ay oops, sorry." Napapikit ako ng makaramdam ng basa sa damit ko. Malamang may istupidong nakatapon ng kape saakin. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at mas lalo akong nainis ng makita na ang itsura ng babaeng nakatapon. Mukha siyang trying hard na maarteng bitch.
Pinunasan ni Mila ang damit ko gamit ng tissue kaya lang hindi naman matatanggal yung mantsa kaya tinabig ko na yung kamay ni Mila sa damit ko tsaka ako tumayo para harapin ang bruhang ito.
"What do you want? Why did you do that thing? Napaka-stupid mo naman kung madudulas yung baso sa kamay mo. Kape yang hawak mo tapos di mo aayusin ang galaw mo? Ano ka tanga lang? Kita mo ng nakaupo ako dito tapos itatapon mo?" Sunod sunod kong sambit sakaniya. I even put my hands on my waist. Dahil ganon naman ako kapag nagtataray.
"Sorry, sadya talaga eh," sagot niya at proud pa siya. Nakita ko din ang pasimple niyang pag-irap kaya naman hinawakan ko na ang baba niya.
"Woah! So you're saying na hindi ka stupid? Wow! What a good answer! And why you did that thing on me? Kilala mo ba ako? Huh? I guess hindi, kaya ganiyan ka na lang ka-proud sa sarili mo para banggain ang isang tulad ko." Nagmake-face pa ang bruha na akala mo naman eh kinaganda niya. Excuse me, mas maganda pa s Mila at ako sakaniya eh.
"Kilala kita. Ikaw yung babae ni Ryder. Eh inagaw mo lang naman si Ryder kay Beatrice." Marahas kong binitawan ang pagkakahawak ko sa baba niya.
I already know kung sinong nag-utos sakaniya na gawin ito. Walang iba kundi ang magaling kong stepsister. Bigla na lang siyang nawala sa harapan ko.
"Hoy! Bumalik ka dito!" Sinundan namin siya ni Mila. Kunwari matapang ang isang 'to pero tatalikuran lang naman pala ako katapos niyang ganituhin ang damit ko.
"Hoy! Wag ka ngang suplada! Kunwari hindi kami naririnig? Wag feeling suplada ah? Tsaka For your information, Ang mga nagsusuplada, MAGAGANDA. Kaya utang na loob, maging mabait ka na lang ah." Pinitik ko ang noo niya. Ayoko na siyang sampalin eh. Kawawa naman.
"Tina! Dito na. Wala kang silbi!" Napatingin ako sa nagsalita. Oh, my dear step sister is here.
"Soon, magiging akin yang Ryder mo." Ngumisi siya saakin at sabay umalis.
Wow! Yun na yun? As if maging kaniya! Madamot ako lalo na pagdating kay Ryder. Hindi ko hahayaan na mangyari yun.
"Love? What happened?" Tumalikod ako para makita si Ryder. Sinamaan ko siya ng tingin. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext pero ngayon lang siya dumating.
Sabi ko sakaniya sunduin niya ako dito eh. Kundi lang siya na-late dumating edi sana hindi ako natapunan ng kape dito at hindi ko nakita pagmumukha nung wutch na yun.
"What happened? Nakikita mo naman diba? Natapunan ako ng kape, tapos nagpakita yung kampon ni kadiliman. Nagdala pa ng alipores. Tsk."
Agad niyang hinubad ang leather jacket na suot niya at sinabit yun sa bewang ko para matakpan ang mantsa. Tuloy ay tanging white shirt na lang ang suot niya ngayon at black pants.
"Let's go home!" Hinawakan niya ang bewang ko at sabay kaming naglakad palabas ng coffeeshop.
Yuck! Nararamdaman ko ang malagkit na kape sa balat ko. Kung kailan last day ko na dito doon naman ako na-ganito. Ang malas! Makakaganti din ako sa babaeng yun. Kahit kailan kasi epal talaga siya. Siguro pinanganak siya para maging epal sa buhay. Yun talaga yung nakikita kong purpose niya sa mundo.
Kinabukasan....
Ihahatid kami ngayon ng driver ni Ryder doon sa airport. Gaya nga ng napagusapan kahapon, maaga ang flight namin kaya dapat maaga din kaming makapunta sa airport dahil nga kapag hindi, posible kaming ma-stuck sa traffic.
Dahil may pasok nga kami ngayon sa school, nagpaalam kami sa mga teachers pati na din sa head ng school. Buti at pinayagan naman kami and napaka-supportive nila saamin ni Ryder. But I know na maraming plastic people sa mundo kaya for sure hindi totoo mga pinapakita nila saamin.
"You ready? New York is waiting for the both of us, love. We will reach our dreams together." He then gave me a kiss on my forehead.
"Yes I'm ready. Kahapon pa nga eh. I love you." I held his hand and smiled at him.
"I love you more." He gave me another kiss but this time sa cheeks ko naman.
"EHEM! PASINTABI NAMAN PO SA MGA SINGLE NA KAGAYA KO. ANG HAHAROT EH!" Okay, may third wheel na naman saamin ni Ryder, it's Mila of course. Siya lang naman ang dakilang third wheel saamin.
Habang papalapit kami ng papalapit sa airport hindi mawala sa isip ko si Mom. Though, nandiyan naman sila manang kaya lang iba pa din talaga kapag ako ang kasama niya sa bahay. Wala pa man pero namimiss ko na agad siya.
"Shall we?" Napatingin ako sa gilid ko. Si Ryder. Ngumiti ako at tumango sakaniya.
Bago pa man kami makapasok sa loob ng airport ay may narinig akong pamilyar na boses. Sabay-sabay kaming lumingon kung saan nanggaling ang boses na iyon.
"Wait for me!" I saw my Mom running. She's smiled widely.
"Mom? What are you doing here? Bakit may bitbit kang maleta?" Lalong lumawak ang ngiti niya.
"Hindi naman pwedeng kayo lang ang aalis. That's why I'm here. Let's go! New York!"
____________________________________________
BINABASA MO ANG
The Clarity of Love (Montereal Series #2)
عاطفيةPaano kung ang dating magkasintahan ay muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Maari nga bang bumalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa? Ito na nga ba ang pagkakataon para mulinh balikan ang kanilang nakaraan? Maibabalik pa nga ba an...