05

69 7 7
                                    

Napapikit ako kaagad ng maramdamang may humawak sa balikat ko. At nung kalingon ko.......

"OMG!!! AAAHHHHHHHH!!!!" I shouted.

"Woah! Shhh! Ako lang ito." Natigil ako sa kakasigaw pero napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. 

It's Ryder!

"Bakit mo ba ako sinusundan? Gosh! You even scared me! Wala ka na bang magawang matino sa buhay mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mareklamo sa ginawa niyang pananakot saakin.

Bigla niya namang kinuha ang kamay ko na ikinagulat ko. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos dahil dito. Nung hinawakan niya ang kamay ko ay parang nakaramdam ako ng dumadaloy na kuryente sa kamay ko.

"Delikado kasi. Saan ka ba pupunta?" Binawi ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dito at tinaasan siya ng kilay.

"Tsk. Hindi mo ba nakita ang nangyari doon sa kotse ko? Wala na! Walang wala na! Nasira! Ngayong sinusundan mo ako, iisipin kong ikaw ang may gawa non!" Nagmartsa na ako paalis sa harapan niya.

Bakit ba kasi walang sikbi ang mga nagbabantay dito sa parking lot? Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakauwi. Sobra sobra na ang inabot kong malas ngayong araw ahh. Why world? Why?

"Kayang kaya kong bumili ng maraming kotse! Tsaka bakit ko naman iisipin na sirain yung kotse mo?!" Sigaw nito dahil medyo malayo na ako sakaniya pero agad naman iting nakatakbo papunta saakin.

Hinanap ko na lang kung nasaan yung guards ng school para makita ko na sa CCTV yung umalipusta sa pinakamamahal kong kotse. Humanda talaga yun saakin ehh! Makikita niya lang talaga kung sino ang totoong masama.

"Ma'am sorry pero sira po kasi ang CCTV doon banda sa parking lot." Sabi nung isang guard na nasa harapan namin. Unti unti akong nakaramdam ng inis sa sinabi nito.

"ANO?! Seryoso ka ba? Bakit naman kung kailan kailangan doon pa talaga masisira? Haysss!!!" Wala akong nagawa kundi bumalik na lang sa parking lot at hanggang ngayon ay nakabuntot pa din saakin itong si Ryder.

"I can drive you home instead." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin ako sa mata niya.

"Do you think na sasakay ako diyan sa kotse mo? No way!" Nagkibit balikat siya at akmang papasok na siya sa kotse pero pinigilan ko siya.

"You know what Ryder Montereal, I'm just kidding a while ago. Sure, You can drive me home  naman." I rolled my eyes as soon I get in sa kotse niya.

Ayoko naman kasing maiwan dito no. Maybe I'll text or call Dad about what happened kaso baka mamaya busy pa siya doon sa step daughter niyang bruha, later ko na lang siguro siya guguluhin. Baka sabihin kasi ng step sister ko na, I'm so pa-epal.

"Wala ka bang importanteng gamit doon sa kotse mo? Bakit hindi mo muna kunin bago ko paandarin ito?" Tumingin ako sa bintana at nakita ko doon ang kotse ko na basag basag ang bintana.

May important things ba akong nilagay doon? Wala naman yata eh. Hindi ko alam kung meron o wala.

Sumenyas ako sa kaniya na baba ako ng sasakyan para tignan kung meron nga bang mga important things doon sa kotse ko.

"Carefull. Maraming bubog diyan ohh." Hindi ko alam na sumunod pala siya saakin. Sinilip ko ang kotse ko.

"Tsk. As if you care." Humirit pa ako bago ako may naalala. Oh no! No way! Where's my bag?! Gosh! Pati yun kinuha? No!!

Kinalkal ko lahat ng mga gamit dito sa kotse. Hindi pwedeng mawala yun. Favorite bag ko yun! Pumunta pa ako ng ibang bansa para bilhin yun!

"Hoy huminahon ka nga. Kapag nasugatan ka sa ginagawa mo." He kept on talking like as if he cares about me. Duhh! Ano bang pake niya. Tskk.

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon