27

52 6 0
                                    

"Hello? Yes? I'm with Clarisse right now, why? What's the matter?"

Napatingin ako kay Clark nang biglang nagring ang phone niya. Papunta na kami ngayon sa meeting, ako ang nagdadrive ngayon.

Ngayon ko na lang ulit ito nagawa. Lagi kasing nagi-insist si Clark na ipagdrive ako. Kaya hindi ko na talaga nagagawang magdrive ng kotse magmula nung araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.

"What's that?" I asked him when he already finished talking on the phone.

"Emergency," saad nito.

Napatango ako at mabilis na nagmaneho para makarating na ako agad sa meeting. Kay Clark kasi ang kotse na gamit ko ngayon.

"Di bale, I'll pick you up later. Wait for me, okay?" Hinatid niya ako sa hotel room kung saan gaganapin ang meeting. Nilagay niya din dito ang mga gamit na dala ko.

"Basta bilisan mo ah. Ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako." I pouted my lips.

"Of course, I won't. I'm leaving." He then kissed me on my forehead like what he used to do when we we're in New York. I smiled and waved at him as he walked away.

"Tapos na scene niyo? Pwede na tayong magstart?" Napaawang ang labi ko nang makita sa harapan ko si Ryder.

Ano naman ang ginagawa niya dito? Kasama din ba siya sa meeting na ito? No way, no way. Hindi pq nga ako nakaka-get over sa nangyari kaninang umaga, tapos eto na naman? Seriously? Gosh!

Tinignan ko lang siya at nagpatuloy na lumakad papunta sa manager ko. Sinenyasan ko siya gamit ang mata ko at nagtatanong kung bakit nandiyan si Ryder.

"You're not answering my call, if you did. Edi sana umurong ka na kanina pa."

Okay! Ang galing! Kasalanan ko pa ngayon. Ayan! Pinapagalitan na naman niya ako. Tsk. Malay ko bang tatawag siya para sabihin ang bagay na iyon.

"Next time, alamin mo kaagad. Masyado nang lumiliit ang mundo ko ngayon, Angela." Nakasimangot tuloy ako sa buong meeting namin.

Mas lalo lang akong sumimangot nang malaman kong si Ryder ang kapartner ko for this up coming movie. Though, hindi naman saamin nakafocus talaga ang story.

About sa magkakaibigan ang movie. So, ako ang role ko ay yung girlfriend ni Ryder dito. Sila Ryder talaga ang main cast ng movie. Dahil kabilang siya doon sa mga lalaking magkakaibigan. The good thing here is, ipapalabas sa big screen yung movie na ito. Swerte! Kaso ang malas ko sa part na ex ko pa yung makaka-partner ko.

Bakit naman ganoon? Todo todong malas na ito ngayong araw ah.

"Why did you two broke up? Bagay naman kayo eh." Pangeechosera ng make up artist ko at secretary ko.

"It's none of your business, so why would I tell you?" Pagsusungit ko sakanila.

Wala na ako sa mood ngayon. Buti na lang ay maaga naming tinapos ni Clark ang vlog kanina. Expected ko na rin naman kasi na bigla na lang siya tatawagin. Parang naman hindi pa ako sanay. Eh kahit sa New York ganoon din naman nun ang scenario.

"Ryder baby!"

Ugh. I rolled my eyes as soon as I heard that kind of noise. Ayokong nakikita ang presence nang babaeng iyan. It's awkward for me and annoying at the same time.

"Oh now I know the reason. Pero mas pasado ka naman kaysa diyan." Pare-parehas kaming naoatingin dito kay Beatrice.

Wala namang nagbago sa itsura niya ah. Ganiyan pa din. Wala siyang pinagbago. Nakakairita pa rin siya.

Masama kong tinignan si Beatrice nang lumapit ito saakin. Prente akong nakaupo dito sa vintage wooden directors chair.

Tumayo na ako para sana umalis dito sa pwesto ko kaya lang harang-harang siya sa dinadaanan ko. Akma niya akong bebesohan, pero agad lang akong umiwas.

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon