39

62 6 0
                                    

"Why did you came back here? Namiss mo ba kami? Or should I say ako?"

"You're so makapal ah!"

We're here sa pinakadulong part ng park kasi nga mas safe dito at wala masyadong makakakita saamin.

"I came back because I want to. Anyway, nagbreakfast ka na ba?" I already changed the topic kasi I know kung saan ito mapupunta.

"Not yet. Wanna have some breakfast? With me?" Hindi ako sumagot, tumayo na lang ako kaagad para makaalis na kami dito.

"Hey, wag kang mahmadali. Baka may makakita sayo diyan." Hinabol ako ni Ryder at inakbayan. Hinayaan ko na lang ang kamay niya sa balikat ko. Para saakin wala namanh malisya yun. We're friends na rin naman. 

Sa oras na napapatingin saamin ang mga tao habang naglalakad kami ay agad niyang hinihila ang mukha ko papalapit sa balikat niya at tinatakpan niya 'yun para hindi ako makita. Cause I'm sure kapag di niya ginawa yun, magkakaroon na naman ng issue tungkol saamin.

Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lanh dito sa park. Kagaya kanina sa pinakadulo rin kami ng resto pumwesto. Hindi naman ganoon karami ang inorder namin since breakfast lang naman ito.

"Are you okay?" He suddenly asked me.

"Ofcourse. Do I look like I'm not okay?" I furrowed my brow.

"Just asking cause you know... Nung nasa New York ka, sobrang daming issues tungkol sayo." Ilang buwan na ang nakalipas pero ito topic namin.

"You know what Ryder? Kumain ka na lang, okay?" Inismiran ko siya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pero rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

Tapos na akong kumain at may napansin ako sa labas. Isang familiar na lalaki. Pinakatitigan ko ito at napansin ko naman si Ryder na nakikitingin din.

"Is that Clark?" I asked him since nakatingin din naman siya doon at unti-unti naman itong6 tumango bilang sagot.

"Wait me here, okay? I'll talk to him-" tumayo na ako pero bigla niya akong pinigilan. Nakahaaak siya ngayon sa braso ko.

"Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako?" I looked at his eyes. Parang iba pinapahiwatig ng mga mata niya.

"W-what? OA mo! Maguusap lang. Iiwan ka diyan!" Binawi ko na ang braso ko at mabilis na lumabas para maabutan si Clark sa labas.

"Clark!" I called his name. Nakatalikod ito saakin. Lumingon ka naman oh!

Nang hindi siya lumingon ako na ang nagkusang lumapit sakaniya. Kinalbit ko ito at lumingon naman siya kaagad. I laughed when I saw his yes grew bigger. Mukha siyang nakakita ng multo. Agad ko siyang hinila papasok sa kotse niya. Para makapagusap kami in private.

"You're here!" He exclaimed and I just nodded, smiling at him.

"Bakit di ka nagpaparamdam saakin? Kahit kay Mila." Kung kanina ay medyo masaya pa ang mukha naming dalawa, ngayon ay pareho kaming naging seryoso. Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi at umiwas ng tingin.

"Busy ako sa work ko," simpleng sagot niya.

"Pero dati kahit busy ka nagagawa mo pa din naman mangamusta saamin. May problema ba?"

"Wala," tipid niyang sagot.

Ilang buwan lang naman akong nawala pero bakit parang may nagbago sa kaniya. Sino ba talagang nagbago? Ako o siya? Hindi ko rin kasi maintindihan. Naguguluhan ako sa inaakto niya.

"May iba ka pa bang sasabihin? Kung wala na pwede ka ng bumaba," saad niya.

"Gusto ko lang sabihin na nakapahdesisyon na ako. I'm sorry kung bigla na lang akong nawala ng hindi nagsasabi." Napayuko ako.

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon