34

44 4 0
                                    

"Happy Valentine's day!" Clark greeted me.

Napabangon tuloy ako ng wala sa oras. Kakagising ko lang at wala pa akong ligo. Umupo si Clark sa tabi ko at inabot ang bouquet of flowers. I was about to move but he then gave me a kiss on my forehead.

"Happy Valentine's too! I'll go fix myself." Tumayo na kami pareho para makapagayos na.

Mamayang 7pm ang premiere night. Sinakto nila sa valentines para daw masaya. I don't have a plans right now. All I want to do is to rest lang because these past few days, wala talaga akong maayos na tulog at kain.

Naligo ako at nagbihis ng pambahay na damit. Simple shorts and shirt lang sinuot ko ngayon since it's just an ordinary day for me. Valentine's is just an ordinary day. I'm not that bitter naman pero yung valentine's, talagang ordinaryo lang para saakin and I don't know why.

Kahit naman nung kmai pa ni Ryder, odinaryo pa din saakin ang valentine's. Ang mahalagang araw lang saakin ay pasko, new year at syempre birthday ko.

"Hey, wanna go out for a date?" Clark asked me.

"Nope. I'm tired."

Hindi ako ganoon naiilang kay Clark kahit na sinabi niya saakin na gusto niya ako. At first medyo awkward talaga but as the days goes by, unti-unting bumabalik yung closeness namin sa isa't isa. Maybe I was just so shocked that time that's why it's a little bit awkward for me. Kasi naman, I didn't expect that. As in!

"Clarisse," sabi nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakaupo sa sofa at nagsusukalay ng buhok.

"Let's have a date. For only 5 days and then after that, you'll decide. If you'll continue dating with me or if you'll stop because you still love him. Is that okay with you?" He sincerely said.

I already opened up this thing to Mila and she said na bigyan ko raw ng chance si Clark to prove himself to me. Pero nasa akin pa rin naman daw ang desisyon kung bibigyan ko ba o hindi.

"Sure," I sighed and smiled at him. Mukha siyang nanalo ngayon sa lotto dahilsa sagot ko.

"Five days only ah." Paaalala ko pa sakanoya at tinanguan niya lang ako.

"Hello! Hello! HAPPY VALENTINE'S TO ALL!" Nagkatinginan kami ni Clark at sabay na napailing habang nakangiti nang marinig ang boses ni Mila. Tumayo ako at sinalubong si Mila na may dalang cake.

"Wow! That's for me ba?" Kukunin ko na sana ang cake sakaniya kaya lang ay agad niya itong iniwas saakin.

"Diet ka diba? This is not for you. Para saakin 'to." Agad namang nangibabaw ang tawa ni Clark na siyang kina-kunot ng noo ko.

"Binili niya 'yan para sa sarili niya, dahil wala namang magbibigay sa kaniyang ngayong Valentine's."

Sabay naman kaming natawa ni Clark dahil sa sinabi niya. Sinamaan naman kami ng tingin ni Mila. Clark is right, every Valentine's day wala talagang nagbibigay kay Mila. Kung hindi niya pipilitin ang isang tao na bigyan siya ng ganito ay hindi naman siya bibilhan. Kaya ang ending siya na lang ang nagreregalo para sa sarili niya.

Yun ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya. She didn't even care if someone sa id na 'wala kang boyfriend, kaya ikaw na lang ang nagbibigay sa sarili mo ng mga ganiyan tuwing Valentine's.' Basta ang mahalaga ay mayroon siyang nabili at masaya siya.

"Self-love is the best. Duh." Umirap ito at dumiretso sa kusina para siguro kainin ang cake na binili niya.

'Self-love' iyan palagi ang sagot niya sa tuwing inaasar siya tungkol sa bagay na siya lang daw ang nireregalo sa saeili niya. Well, she's right all along. Self-love is really the best. I agree with her. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Mahalin mo ang sarili mo, pamilya mo at mga kaibigan mo. Sarili mo muna bago ang iba. Pamilya mo muna bago ang iba. Kaibigan mo muna bago ang iba.

The Clarity of Love (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon