We're on our way for my shoot. And I decided to film myself while I'm at the car with Clark. May mga nagsuggest kasi na mag-vlog ako together with Clark.
Yung mga nakakilala saakin or yung mga echuserang supporters/fans ko eh kilala nila si Clark. Paano laging epal sa mga vlogs ko. Pero never ko siyang sinama talaga sa mga vlogs ko na gaya nito.
What I mean is, hindi talaga siya kasali sa mga past vlogs ko. Bigla na lang kasi siyang sumusulpot sa kwarto ko kapag nagvovlog ako and syempre makukuhanan siya ng camera. Paano lagi siyang naghahanap ng charger at kung ano ano pa.
"Hi everyone, this is Clarisse! So now I'm with this guy. You guys can call him Doc or Dr. Clark. We're on our way to EP studio!" I did my best to sound excited naman kahit papano.
I'm tired kasi. I don't have the energy talaga to film my vlog. But ito lang kasi yung opportunity na makakasama sa vlog ko si Clark. Ito lang yung araw na pwede siya. So, I grabbed the opportunity na.
Mabilis ang biyahe namin papunta sa EP studio, maaga rin kasi kaming nagdecide na umalis. Basa pa nga itong buhok ko eh and wala pa akong make-up ngayon pero kumuha na ako ng video ko. Okay lang naman yung mukha ko eh. Hindi naman ako mukhang maputla or mukhang may sakit kahit walang make up.
Isa pa, alam kong gusto ng mga nanonood sa vlog ko na ipakita yung mukha ko nang walang make-up.
"It's me, Clark! As you can see my Clarisse is busy." Narinig ko naman ang pagiingay bigla ni Clark.
Nandito na kami ngayon sa studio at inaayusan na ako ng make-up artist ko. In any minute magstart na daw yung photoshoot ko and after this, kailangan kong umattend doon sa meeting kung saan paguusapan kung anong role ko sa isang palabas.
I'm not just a model. I'm also an artist na. Lately ko lang siya pinasok. But first love ko talaga ang modeling. Inutusan lang ako ng manager ko na pasukin ang showbiz since kaya ko naman daw yun.
"Rise and shine! Our handsome Ryder is here already!"
Agad kong nabitawan ang brush na hawak ko. Gosh! That name! I swear, yun talaga ang narinig kong pangalan na binanggit. I don't want to turn around just to check if siya nga yun.
Sa lahat ng pwedeng makatrabaho siya pa? Wait! Makatrabaho? Baka naman je's here lang to take some solo photoshoots niya. Isa lang naman kasi ang nililink diyan sa lalaking iyan. I forgot her name eh. But I'm more beautiful naman than that girl na ka-love team niya.
"Ryder is here. Just ignore him, okay?" Bulong saakin ni Clark. Tumango lang ako at pinakuha sakaniya ang brush na nahulog kanina.
"I'm back! Look at that eyeshadow baby, Gosh! I'm so inlove na with my eyes!" I gigled and closed my eyes at the camera.
Pinakita ko sa camera ang ginawang makeup saakin. It was a nice smoke eyeshadow. I love my eyes! Ang lakas lang ng aura ko. Tamang tama lang ang makeup ko once na magfierce ako sa camera.
"Ryder and Clarisse, get ready!" Pumalakpak pa ang camera man na para bang isa kaming ibon kung tawagin ng ganoon.
"What the hell?" I exclaimed.
Nakaupo lang ako sa isang monoblock, lumapit naman saakin si Clark at hinawakan ang kamay ko habang hawak hawak niya sa kabilang kamay ang camera ko.
"You can do it, Clarisse!" Pampapalubag loob nito saakin.
Sa mga photoshoots ko ay ganiyan palagi ang asta niya. Parang hindi photoshoot ang gagawin ko dahil sa mga sinasabi niya. Parang lalaban ako ng Miss Universe, sa mga pa-goodluck at minsang paghiyaw niya. In short, my dear Clark is really really weird.

BINABASA MO ANG
The Clarity of Love (Montereal Series #2)
RomancePaano kung ang dating magkasintahan ay muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Maari nga bang bumalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa? Ito na nga ba ang pagkakataon para mulinh balikan ang kanilang nakaraan? Maibabalik pa nga ba an...