Chapter 9:Sorry<3

148 9 0
                                    

Sammy POV

LunchBreak na. pero di parin ako pinapansin ni Maxx. di gaya dati na lagi nya akong inaasar. ngayon kahit man lang daanan ako ng tingin di nya magawa. nahihiya tuloy ako. may nagawa ba akong masama?

ang alam ko lang naman na ginawa ko ay ang asarin sya. masama na ba yun? ang o.a nya ah.

"Sammy sabay na tayo?"Jaydee

"ah, sabay kami nila Chloe at Chrysta eh."

"oo nga. sabay na ako sainyo."

tumango nalang ako. tumingin ako kay Maxx ng padabog syang tumayo sa upuan nya at daanan lang kami. ano ba kasing problema nya?

"Tara na. gutom na ako eh."Chrysta

"awh me too. dali na Sammy bilis!"Chloe sabay hila saken sa kamay. ramdam ko rin ang pagsunod saamin ni Jaydee.

pagkadating sa canteen umorder lang kami ng foods tapos umupo na kami sa bakanteng table. katabi ko si Jaydee habang magkatabi naman ang kambal sa harap ko.

"hmm sharap. my ever beloved Pizza!"Chloe

tinitingnan ko lang sila habang kumakain. di kasi ako makakain ng maayos eh. iniisip ko si Maxx. galit kaya sya saken? malamang. sa kilos palang halata na. hayy.

"oh? bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo? kumain ka na."Chrysta

ngumiti lang ako. wala talaga akong gana eh. nagulat ako ng bigla isubo saken ni Jaydee ang pagkain ko. nakatingin lang ako don tapos sakanya.

"Eat."utos nya na para bang tuta lang nya ako.

"hindi. ayoko."

"Sammy I said eat."pagbabanta nya kaya sinubo ko nalang iyon.

"ayiiieee"impit na tili ng kambal. psh ito naman kasing si Jaydee ang daming alam. pero feeling ko talaga may nakatingin saamin eh. tch pabayaan na nga lang. sinubuan ako ulit ni Jaydee at kinain ko naman.

sabagay masarap palang kumain pag may nagsusubo sayo.

---

gaya ng araw-araw kong ginagawa hinihintay ko ngayon si Maxx sa labas ng gate ng school. kahit naman siguro galit sya saken di parin nya ako iiwan dito dahil alam kong malaki ang takot nya sa mama nya.

atsaka...ngayon, mag-sosorry na ako sakanya sa pang-iinis ko sakanya. ang unfair nga eh. pag ako inasar nya kahit masakit na di parin sya nag-sosorry. pero oks na lang. for peace.

natanaw ko na syang nakasakay sa bike ko papunta dito. sabi na eh, di nya ako kayang iwan dito.

"sakay"

tumango ako saka umangkas na sa likod. niyakap ko narin sya sa bewang nya.

'spark'...again.

nagsimula na syang mag-pedal.

"a-ah...Maxx..."

di nya ako sinagot at patuloy lang sya sa pagba-bike. hayy ang hirap talaga nyang pakisamahan eh.

"sorry"

hindi nya parin ako pinapansin. bahala sya jan. atleast nakapag-sorry na ako. ginawa ko na yung dapat kong gawin. kung galit parin sya aba! kasalanan na nya yun no!

"Baba"

ay. andito na pala kami sa tapat ng bahay eh. bumaba na ako ng bike saka papasok na sana ng gate ng hawakan nya ako sa wrist ko habang nakasakay parin sya sa bike.

tiningnan ko sya pero sa halip na magsalita hinila nya ako palapit sakanya saka ako hinalikan sa noo.

*dugdug-dugdug*

yung heartbeat ko...parang kabayo sa sobrang bilis. halos di na ako makahinga eh. ano bang nangyayari saken? jusko baka mamaya may sakit na pala ako sa puso. aysht!

"sige na pumasok kana. itong bisikleta mo. bukas ko nalang ibabalik. bye."

umalis na sya. pero ako heto tulala paring nakatayo sa kung saan nya ako hinalikan kanina. wala sa sariling napahawak ako sa noo ko.....

he's so sweet...kainis.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon