Chapter 17:Ouch<3

142 8 0
                                    

Sammy POV

"para kang sira."bulong ni Jaydee sa tabi ko. Nginitian ko lang sya. Pake ba nya?? Basta ako masaya kasi finally bati na kami ni Maxx.

Pero medyo tampo ako sakanya kasi hindi nya ako sinundo kanina sa bahay. At lalong di nya ako pinapansin ngayon. Hayy

"Kahapon lang halos magdikit na yang kilay mo sa pagkainis tapos ngayon naman halos mapunit na yang labi mo kakangiti. May sakit kaba?"

"Psh. Tumigil ka nga dyan Jayd."

Nilingon ko si Maxx pero nakatulala parin sya at napakalalim ng iniisip. Ano bang iniisip nya? Kebata-bata ang daming iniisip.

"Maxx."

Parang hindi nya ako narinig..winagayway ko ang kamay ko sa harap nya.

"Hello! Earth to Maxx!"

Nilingon nya ako. Tingnan mo ito. Kung makatingin saakin akala mo ilang taon akong mawawala eh. Ano ba naman yan. Ano bang nangyayari sakanya?

"Okay ka lang?" Tanong ko pero nakatitig parin sya saken. Iehh! May dumi kaya sa mukha ko at naturn-off sya? Ohmy!

"Ah Maxx-"

"Maxxy Ko sabay tayo lunch ah?"

0_0

Maxxy Ko? Tsk Chelsea talaga. Hanggang ngayon ba di parin nya tanggap na wala na sila ni Maxx? Kaloka sya.

Umiling si Maxx saka nilingon si Chelsea. Patay kang bata ka. Sisigawan ka nanaman ni Maxx kasi nilalandi mo nanaman sya sa harap ko. Huh ka ngayon!!

"Okay"

0_0

T-teka...totoo ba to? Pumayag si Maxx? Eh paano naman ako?? Dapat nga sabay kami eh kasi ako ang girlfriend nya!

>_<

Humanda ka saken mamaya Maxx.

"Psst!"tawag ni Chrysta at Chloe sa likod. Malungkot ko silang nilingon. Baket kaya ganun si Maxx? Akala ko ba naiirita sya kay Chelsea? Nakakainis sya.

"Nag-away kayo?"bulong ni Chloe. Umiling naman ako."eh bat di ka nya pinapansin?"Tanong ni Chrysta.

Hindi ko alam. Kagabi naman bati na kami eh. Bakit biglang....ayoko ng isipin. Nasasaktan lang ako eh.

"Bipolar talagang Maxx."Jaydee

"Nagtatampo lang siguro. Di ko kasi nareply-an kagabi eh."naka-pout kong sabi. Sana nga ganun lang yun.

"Ahh kaya naman pala."Chrysta

"Ikaw kasi eh."Chloe

"Hayaan mo. Mamayang lunch suyuin mo. Bilhan mo ng foods."Suggestion ni Jaydee. Tama-tama! Ganun nga gagawin ko!

Hmmp. Tampo pala hah.

******

Bumili ako ng Coke in can na dalawa para saamin ni Maxx at Sandwich na gawa ni Mama. Susuyuin ko sya. Ang takaw pa naman nun. Siguro pag binigyan ko sya nito hindi na sya magtatampo.

Ay teka. Tawagan ko nga muna kung nasan na sya. Andito na kasi ako sa labas ng room kaso wala na sya dito. Tsk sana hindi talaga sila sabay na kumain ni Chelsea-landi na yun eh.

*ring ring. Ring ring-*

"Hello Maxx asan ka?!"

(......)

"Hoy! Sumagot ka nga! Kabayo nato."

(Rooftop)

Psh. Tamad sigurong magsalita. Hayy.

"Sige hintayin mo ako dyan ah. Byeiii"

Tumakbo na ako papuntang rooftop. Si Maxx talaga masyadong matatampuhin. Pag dating sa rooftop inayos ko ang kulot kong buhok. Grabe hiningal ako.kakatakbo ah. Tatlong hagdan pa naman inakyat ko.

Naglakad na ako papunta sa tambayan namin dito ni Maxx.

Pero....

Parang bigla tumigil ang mundo ko sa nakita ko. Ang sakit sa mata. Parang automatic nagkasore-eyes ako. Ganito ba yung feeling ng....broken.hearted? Yung bigla nalang tutulo ang luha mo kasi ang sikip sa dibdib. Kasi di ka makahinga.

Parang pinipiga ang puso ko. Ano to? Nananaginip ba ako? May sakit na ba ang baby heart ko? Ang hapdi hapdi kasi eh. Yung parang unti-unting...napupunit.

Sa sobrang panghihina ko nabitawan ko ang dala-dala kong pagkain dahilan para magkaingay at mahinto sila sa paghahalikan. Tiningnan nila ako.

Baket parang wala lang kay Maxx na nandito ako. Parang wala syang pake.

Tumalikod nalang ako saka umalis na doon..nskakaistorbo lang siguro ako sakanila. Yung tingin kasi ni Maxx kanina parang expect na nyang makikita ko iyon eh.

Manloloko sya. Sinungaling at manwhore! Baket pa nya ako pinapunta sa rooftop? Para makita ko ang kalandian nila ni Chelsea?!

Umupo ako sa bench dito sa gatmrden saka humagulgol. Ang sakit pala talaga. Akala ko o.a lang talaga yung mga taong nagpapakamatay tuwing heartbroken. Para ka pala kasing sinasakal.

"Bwi-sit sya *sniff*"

"Sam"

Nilingon ko sya. Ang tanga tanga ko talaga para pumayag na maging girlfriend nya. Umupo sya sa tabi ko. Wow ha! Pagkatapos nyang ipakita saken ang panloloko nya andito sya sa tabi ko ngayon.

"Why-why are you here?!"

"Sorry."

"Sorry is not enough to lessen the pain i feel right now Maxx!!"

"So anong gusto mo? Halikan din kita ganon?"

Natahimik ako sa sinabi nya. Alam kong playboy sya...pero hindi nya to kayang sabihin saakin eh. Hindi sya si Maxx.

"...M-Maxx ..."

Nilingon nya ako. Pansin ko ang pamumula ng mata nya. Para syang iiyak na.

"Sammy. Playboy ako. Sana naman inisip mo yun bago mo ako sinagot."

Tahimik akong umiiyak. Oo nga naman. Bakit di ko naidip na....na isasama lang nya ako sa mga babaeng nakolekta nya.

"Oo Sammy MINAHAL kita. Pero paggising ko sa umaga wala na. Wala ka na dito oh" tinuro nya yubg dibdib nya."pati dito" tinuro nya ang ulo nya.

Masakit marinig ng pinagsasabi nya. Parang kahapon lang sinasabi pa nya saken na mula noon love na nya ako.

"Sorry pero...puppy love lang pala yung nararamdaman ko para sayo."

Tinapik nya ako sa braso saka tumayo na.

"Sorry Sam but...i think we can just be friends like before."

Lalong dinurog yung sa may bandang dibdib ko nung tumalikod na sya. Yung dating tumatambol sa dibdib ko everytime im with him...bigla nalang nawala...

Kasi ngayon....

Patay na ang puso ko.

</3

I dont know how to fix it anymore.

*****

A/N ouch. Ang chaklap :'(

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon