Sammy POV
andito ako sa labas ng school, hinihintay ko si Maxx. dapat nya pa akong ihatid sa bahay para hindi magalit si Mama. hayy. makakasama ko naman sya. dapat nga kiligin ako eh, pero hindi. naiinis ako sakanya. ang playboy kasi nya eh.
"tara na."
dumating na pala sya. sinundan ko nalang sya sa paglalakad.
"akala ko ba si Ricah ang girlfriend mo? bat ngayon si Chelsea nanaman?"
"Psh. ayoko kay Ricah. masyadong oa. hindi ko lang nasundo sa room nila, umiyak na."
natawa naman ako don. grabe ha, ganun na ba sya kabaliw kay Maxx?
"So...kelan lang naging kayo ni Chelsea?"
"hmmm. niligawan ko sya kahapon, sinagot nya ako kanina. tch, ang gwapo ko talaga."
"psh. ang yabang mo."
"totoo naman eh. gwapo ako."
inakbayan nya pa ako. nagreact tuloy yung sa may bandang dibdib ko. grabe...bakit ganun? tuwing hahawakan nya ako o kasama ko sya ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
nakarating kami ng bahay na nakaakbay parin sya. di ko nga alam kung baket ako nakasurvive eh.
"Mama andito na kami!"
pumasok na kami sa bahay. agad kong nakita si papa at mama na gulat na gulat na nakatingin samen.
"O M G kayo na ba?! kyaaah! kelan ang kasal? omo dapat tong malaman ni bayaw!"Mama
"tama! magpa-party tayo at iaanounce ko ito!" Papa
anong nangyare? anong pinagsasabi ng mga to? porket nakaakbay kami agad?
"Ma-"
"anak naman. wag mo namang sabihin na hindi kayo. magtatampi ako."Mama
nagkatitigan kami ni Maxx. shiz naman eh paano ba to?
"ayun! nasabi ko na kila bayaw!"Mama
"ha?!" sigaw namin ni Maxx
gawd. nahihibang na nga ang mga magulang ko. pano nila to nagagawa saken?! bakit ba gustong-gusto nila ako para sa lalaking ito?
"baket anak?...hindi ba kayo?"Papa
lumungkot ang mukha nila. tch, nagi-guilty tuloy ako.
"op-"
"Yes tita, tito. kami na nga ni Sammy."
tiningnan ko si Maxx. ano bang pinagsasabi nya?! nakikisali pa sya eh. aysh!! masisiraan ako ng ulo sakanila!!
***
andito ako sa kwarto ko. kaharap ko ngayon ang laptop ko. kailangan ko kasing magresearch para sa Assignment ko eh.
10 signs that your in-love....
delete. ano batong pinagta-type ko? about love? tch. wala akong time malaman yan.
10 signs that your in-love...
pero...ano namang masama pag sinearch ko ito diba? wala namang mawawala.
"bahala na."
sinearch ko na yung love love na yun. para naman malaman ko na. naiigno narin kasi ako sa mga feelings eh.
10 signs that your in-love...
1:your hormones go wild.
grabe. hormomes talaga? di ba pwedeng heart muna?
2:you wake up and go to sleep thinking someone other yourself.
ehem. minsan bago ako matulog at paggising ko si Maxx na agad ang laman ng isip ko. naiisip rin kaya nya ako?
3: You smile when you alone.
edi nagmukha na akong baliw nun. haha, pero oo. madalas akong ganyan. iba talaga nagagawa saken nung Maxx na yun no?
4:you become a little obsessive.
5: You do embarassing things.
haha. naalala ko pa yung....hinalikan nya ako sa pisngi nung graduation. sabi kasi ni mama tapos pinicturan pa nya kami. sa sobrang kilig ko nasampal ko si Maxx. grabe, galit na galit sya saken that time. kesyo hinalikan lang sa pisngi sinampal ko na sya agad. hahaha.
6: you do things outside your comfort zone.
7: you suddenly care more about your appearance.
tch. tama. ganitong ganito din ako eh. naco-conscious na din ako tuwing tinititigan nya ako.
8: You sing.
weird man pero oo. kumakanta narin ako ngayon sa banyo na dati naman di ko ginagawa.
9:you go out of your way.
and last....
10:-
"anak."
tumingin ako sa pinto. pinatay ko agad ang laptop ko. si mama lang pala.
"yes mama?"
"wala naman. gusto ko lang dumaan para mag goodnight sayo. goodnight~"
"goodnight din po mama."
lumabas na sya ng pinto pero nagulat ako ng bumalik sya ulit saka ako nginitian.
" anak. bumibilis ang tibok ng puso mo pag andyan sya. yan ang tunay na senyales na in-love ka."
***
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...