Sammy POV
"Ma,Pa. punta na po ako."paalam ko sakanila saka kinuha ang bag ko at lumapit sa pinto.
"sige ingat ka."Mama
"bago uwi date muna kayo ni Maxx okay?"Papa
seryoso? sila ba talaga ang mga magulang ko? kung makapagsalita sila parang tatanda ako ng dalaga eh. usually ang mga parents sasabihan ka ng 'Aral muna bago Landi' pero sila...wow.
"...opo. bye na."
lumabas na ako ng bahay. nagtaka ako kung baket wala ang bike ko sa garahian namin. asan na kaya yun? oh my god! baka nanakaw!
"waahhh yung-HMMP!!"
mas kinabahan ako ng may tumakip ng bibig ko. ito na yun. oh my! sya yung nagnakaw ng bike ko tapos rereypin nya muna ako bago papatayin. waah!! single since birth pa ako kaya ayaw ko pang mamatay!
lord promise po magiging mabait na ako kay Maxx at Jaydee wag nyo lang po muna akong kukunin.
"wag ka ngang sumigaw pagong."
O_O
waah! boses kabayo yun ah?...teka...amoy kabayo din!.
-.- ngayon ko lang narealize. si Maxx lang pala to. shiz napadasal tuloy ako ng wala sa oras. pambihira naman oh.
tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko. yuck! baka may virus pa yang kamay nya eh. makapag mumog nga mamaya ng muriatic acid.
hinampas ko sya sa balikat.
"bakit kaba nanggugulat hah?! atsaka...baket hawak mo yang bike ko?"
"wala. sayang naman kasi kung mabubulok lang ito sa garahian nyo kaya why not kung gamitin nalang natin."
no. no. di ako marunong magbisikleta no. sya nalang.
"ayoko di ako marunong. atsaka ikaw nalang. hiramin mo nalang yan sige bye!"
tumalikod na ako. ayoko talagang magbike eh. natatakot ako.
hinila nya ang buhok ko dahilan para mapabalik ako sakanya.
"ouch!"
"halika nga ditong pagong ka. napakaduwag mo rin eh no?"
nag-pout ako. tiningnan ko lang syang makasakay ng bisikleta ko. oh ano? iiwan nya lang ako dito? sya magba-bike ako maglalakad? wow! gentleman talaga sya!
"sakay"
0.0
"a-ano?"
"sabi ko sakay."
ako sasakay? saan? bakit? imposible. ako iaangkas nya? diba iritado sya saken? labo nya rin eh no?
"sakay na sabi eh!!"
wala sa sariling napaupo ako sa likod nya sa bisikleta. may angkasan kasi ang bike ko na upuan sa likod nya. pero di ako humahawak sakanya no. no way!
"good girl. now, hug me."
O_O
ano?! hug him? baliw nga talaga sya. bakit ko naman sya yayakapin? kadiri sya eiw!
"a-ayoko nga."
"okay. madali naman akong kausap eh."
buti naman nakakaintindi sya. hmmp!
mabilis na nyang pinatakbo ang bike. gosh natatakot na nga ako eh. pumikit nalang ako. ayoko talagang humawak sakanya eh. baka makuryente lang ako ulit.
"waahhh!!"
nahampas ako sa likod nya at mabilis ko syang nayakap sa bewang ng bigla nyang ipreno ang bike.
"ano bang trip mo hah?!"Nanggagalaiti kong sigaw. grabe talaga sya! nakakaasar na eh. paano kung nalaglag pa ako?
"sabi ko naman kasi sayong yakapin mo ako eh. nagpapakipot ka pa. haha. robot ka ba Sammy? lakas ng impact eh."
ano nanaman bang pinag-sasabi nya? paano naman ako naging robot? alam nyo minsan iniisip ko nalang na talagang may topak rin itong si Maxx. psh.
---
Andito ako sa room habang nakikinig sa lecture ng teacher namin. katabi ko sa kanan si Maxx sa kaliwa naman si Jaydee. napansin ko nga ring laging nakatingin si Chelsea Kay Maxx. nasa kanan kasi sya ni Maxx. kasi sa Classroom 4 na tao bawat row. gets nyo? basta yun na yun!
"ehem. uyy Maxx tingnan mo oh. lagi kang sinusulyapan ng Ex mo. uyyyy"Pang-asar ko sakanya. pero di nya ako pinansin at nakinig lang sa teacher. umayos ako ng upo saka sya kinuwit.
"Maxx pansinin mo naman. haha"
tiningnan nya ako pero sandali lang at tumingin ulit sa teacher. ito naman oh. isnobin daw ba ako. bakit ba parang hindi sya apektado? haysht. samantalang ako konting kalabit lang nya saken pikon na ako agad.
"huy Maxx-"
"baket ba lagi mo nalang akong ipinagtutulakan sa iba hah? hindi mo ba talaga maintindihan na hindi sila ang gusto ko? o sadyang nakainom ka lang ng isang baldeng anesthesia?"
sabi nya na sapat lang para marinig ni Jaydee at ni Chelsea kaya napatingin silang dalawa saamin.
haysht. kanina sabi nya robot ako ngayon naman nakainom ng anesthesia. ano ba talaga ha? ang weird nya talaga eh. tapos pikon pa. ewan ko sakanya.
tumikhim nalang ako saka umayos ng upo. mukhang galit na galit talaga sya eh. kasi naman kinulit ko pa sya about dyan. Ex na nga diba?
tumingin ako kay Chelsea pero inirapan lang nya ako.
"ayos. gets ko na. haha wengyang Maxx to. ngayon alam ko na ang kahinaan niya. whahaha"Jaydee
ano namang nagets nya doon? na nakalunok talaga ako ng anesthesia?.
----
A/N: wiieh ang slow ni Sammy ano po? whahahaah. hanggang dyan nalang po muna.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Roman pour AdolescentsSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...