Sammy POV
"Punta na po ako Ma,Pa."
"Sigurado ka bang papasok kana? Okay kana ba talaga?"tanong ni Papa. Ngumiti lang ako saka sila hinalikan sa pisngi. Ano namang gagawin ko dito sa bahay kung di ako papasok diba? Haha. Okay na ako...pipilitin ko. Di nalang muna ako titingin sakanya mamaya. Iiwasan ko na sya.
"Opo papa. Okay ako oh. Diba??"
Ngumiti ako ng mas malawak para di nila malamang im still broken.
"Hayy bata ka."
Ginulo ni Papa ang buhok ko. "Papa naman eh! Wag ang buhok ko. Alis na nga lang ako. Bye na po."
"Sige anak mag-iingat ka."Mama
"Opo!"
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Hayy. Magkikita nanaman kami ni Maxx. Pero pangako iiwasan ko na sya.
Allergic kasi ako sa mga manloloko eh. Ayoko ng tumabi sa mga katulad nya. Sinungaling at babaero.
Ewan ko ba kung bakit ko pa minahal ang ungas na kabayo na yun. Siguro ngayon masaya pa ako at naglalaro..masyado kasi akong nagmadali eh. Ayan tuloy....im still young to be broken.
Pagdating sa room yakap agad ni Chloe at Chrysta ang bumulaga saken. Problema ng mga ito?
"Sammy! Okay lang yan. Makakalimot ka rin."bulong ni Chrysta
=_=
Alam ko na kung sinong nagsabi sakanila....si Mama. Haynako.
"Oo nga Sammy makakalimutan mo rin sya. Tiwala lang."
"Psh. Ako yung sawi kung makaarte kayo parang kayo pa yung niloko eh. Haha."
Lumayo na sila saken. Kita ko yung pag-aalala sa mga mata nila. Im so lucky to have them at si Jaydee. Sila kasi yung mga kaibigang nandyan pag may problema ka.
"O-okay na ako. Don't worry. Tara na umupo na tayo."
Tumingin ako sa upuan ko. Pero aksidenteng napatingin ako kay Maxx. May tinitingnan sila sa cellphone ni Chelsea na parang tuwang-tuwa pa sila.
Bagay naman pala sila eh. Kaya pala nagustuhan sya ni Maxx. Kasi maganda talaga sya. Ako kaya? Ano kayang nagustuhan saakin ni Maxx? O....wala talaga syang nagustuhan saken.
Umiwas ako ng tingin ng mapatingin din sya saken. 'Ano ba Sammy! Kasasabi mo lang eh. Na wag kang titingin sakanya.'
Umupo na ako sa upuan ko ng hindi sya tinitingnan. Pero ramdam ko parin ang mga tingin nya.
"Hi"
Nginitian ko sya.
"Hello Jaydee. Yung project natin?"
"Ako pa? Syempre nagawa ko na. Gwapo ako eh."
=_=
"Anong konek?"
"Wala. Pero tayo?....Magkaka-connection na."
*Blaggg*
Napalingon kami kay Maxx ng bigla nyang suntukin ang lamesa. Tinotopak nanaman ata eh. Tiningnan nya kame.
"Sorry. May langgam eh."
=_=
Abnormal talaga. Pati ba naman langgam pinapatulan. Psh. Hinarap ko na ulit si Jaydee.
"Patingin nga nung project natin?"
"Sandali. Ang daya eh. Ako lang gumawa. Dapat may kapalit."
Tingnan mo'to. Humihingi pala ng kapalit. Psh sa pag-kakaalam ko mayaman naman sila so it means hindi pera ang kailangan niya.
"Ano naman?"
"Kiss"
*Blaggg*
This time napatingin na kaming lahat kay Maxx. Problema nanaman ba nya? Wag mong sabihing langgam nanaman ang dahilan kung baket itinumba nya ang upuan nya.
"Maxxy ko what's wrong?"Tanong ng GIRLFRIEND nyang si Chelsea.
"Natumba."sagot nya saka itinayo ulit ang upuan nya. Tiningnan nya ng masama si Jaydee.
"Bro,wag masyadong pahalata."nag-smirk lang sya kay jaydee saka umupo na ulit.
"Anong problema nyan?"tanong ko kay Jaydee.
"Ewan. Nakakain ata ng jellyfish eh..whahaha"
"Ulul!!"sagot ni Maxx
Ano? Jellyfish kinain ni Maxx? Baka nga....baliw na talaga siya. Psh.
"Goodmorning class."
Lahat kami bumati din sa teacher namin na kakarating lang.
"Announcement class. This coming saturday we're going to have our foundation day. So...lahat kayo kailangang naka formal attire. Girls should wear a dress and boys should wear a suit. Understood?"
"Yes Sir." Sagot namin. Hmmp, magpasama kaya ako kay Chloe at Chrysta bumili ng dress. Si Chrysta kasi ang magaling sa mga Ganyan eh. Pero si Chloe? Psh. May pagka-boyish kasi yun eh.
"May dress kana ba?"tanong ni Jaydee sa tabi ko.
"Wala pa nga eh."
"Tamang-tama bibili din ako bukas. Ano sabay na tayo?"
"Sige ba. Uyy Twins sama kayo ah? Chrysta alam mo na."kinindatan ko si Chrysta tumawa naman ito.
"Psh. Kailangan ba talagang mag-dress? Hay. Nakakainis."reklamo ni Chloe dahilan para tumawa kaming tatlo."sige tumawa lang kayo."nag-pout pa sya. Lalo tuloy syang naging cute.
"Hahaha. Araw-araw katin namang nagsusuot ng uniform ah? Above the knee pa nga eh."natatawang sabi ni Jaydee.
"Ehh iba naman yun eh."
"O sige mag-bikini ka nalang para di kana magsusuot ng dress..whahahahaha-ARAY!"
"Loko-loko ka rin eh no Chrysta?ewan ko sayo."
Lalo kaming natawa. Ayan nanaman. Inaasar nanaman nila si Chloe. Hahaha ang cute nya kasi eh.
"Tara na nga. Recess na eh."pag putol ko sa tawanan nila. Tumayo na ako saka inayos ang gamit ko. Nauna na ako sakanilang lumabas ng classroom. Hindi pa kasi sila matapos-tapos sa asaran nila eh.
Habang nakatayo sa may pinto naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Akala ko nga nakuryente ako eh. May electricity kasi. At alam kong sya lang angnakakapagparamdam saken non....
*dugdug dugdug*
Yung heartbeat kong nawalan ng buhay bigla nalang sumigla.
"I miss you"
Why Maxx?! Why do you have to treat me like that kung.....
Hindi mo naman ako mahal.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Ficção AdolescenteSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...