Chapter 14:Oh My GEE<3

173 9 1
                                    

Sammy POV

Kyaaah! ang aga-aga kong nagising. si Maxx kasi eh. nagtext saakin kagabi na pupunta sya dito sa bahay ngayon. Saturday bonding. ayiieh! ang sweeeet nya.

ganito pala magka-boyfriend noh? paggising mo palang sa umaga nakangiti kana. tuwing naaalala mo sya kinikilig kana. hayy. sana ganito nalang lagi noh? forever na kaya kami ni Maxx?

siguro. mahal naman namin ang isa't-isa eh. kaya I'm sure tatagal at titibay pa kami.

"Goodmorning Mama!!"

niyakap ko sya agad saka pinaghahalikan sa pisngi. masaya lang kasi talaga ako. excited eh. pupunta dito si Maxx. kyaaah!

"goodmood ka ata?"Tanong ni Mama habang gumagawa ng cookies.

"halata ba Mama?"nakayakap parin ako sakanya.

"Pilosopa. pupunta ba dito si Maxx?"

.......!!!!

"Kyaaaahhh!!!!"

mabilis na napalayo saakin si Mama saka napahawak sa tenga nya.

"pambihirang bata to oo. bakit kaba sumisigaw?!"

napapangiti nalang ako. iih kinikilig ako talaga. tumalon talon pa ako.

"hoy Sammy! nasasapian ka ba?!"

"eh hindi po mama..kasi po...ayiieeh! dadalawin ako ni Maxx dito sa bahay. alam mo na. kinikilig haha!"

"Nako Sammy. dumaan din ako dyan. pero mag-ingat ka huh? wag ka masyadong aakyat sa pinakamataas."

kumunot ang noo ko. ano bang pinagsasabi ni Mama? saan naman ako aakyat? sa puno? psh.

"bakit po Mama?"

hinawakan nya ako sa kamay. masyadong seryoso si Mama ngayon. di ako sanay. kinakabahan tuloy ako.

"okay lang magmahal Sammy. basta wag masyadong mataas. baka kasi mahulog ka lang...tandaan mo lahat ng nahuhulog nababasag."

hindi ko parin gets. ano bang gustong sabihin ni Mama? ang lalim kasi non eh. hugot kung hugot.

"Basta mama. mahal ko si Maxx. at tulad nyo ni Papa. magkaka-FOREVER din kami. parang sa mga fairytales."

"ikaw talaga. hayy. dalaga na baby namin. sige na doon kana sa sala. hintayin mo si Maxx"

"sige mama. I love you."

"I love you too."

pumunta na ako sa sala at pasalampak na umupo sa sofa. in-on ko na ang tv saka ito nikipat sa cartoon network.

nagulat ako ng may kamay na tumakip sa mga mata ko.

"S-sino ka?"

hinawakan ko ang kamay nya. wahh ang lambot. ang kinis. sino kaya ito? imposible namang si Mama kasi nasa kusina sya.

"I Love You"

natawa ako. kilala ko na. si Maxx ito eh. sino pa bang maga-i love you saken diba?

"hmm? Jaydee?"

syempre inaasar ko lang sya. haha. alam ko naman na pinagseselosan nya si Jaydee eh.

"tsk."

binitawan nya ako. nilingon ko sya pero palabas na sya ng pinto.

"huy!!"

hindi nya ako nilingon kaya nilapitan ko sya at hinarang sya sa pinto. nakakunot noo itong nakatingin saakin.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon