Chapter 18:Broken<3

111 6 10
                                    

Sammy POV

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko saka pasalampak  na humiga sa bed ko. Ang sakit. Para akong sinasakal.

Akala ko ba mahal nya ako at hindi na yun magbabago.

Bata pa ako. Pero brokenhearted na ako. Pagod na nga akong umiyak eh. Ang sakit narin ng mata ko.

Kanina pagkatapos ng nangyari sa garden umuwi na ako. Di ko na kasi kayang  makita ang pagmumukha ni Maxx at Chelsea eh.

"Anak-HEY WHY ARE YOU CRYING?"

naramdaman ko ang pagupo ni Mama sa bed ko. Umupo narin ako saka sya niyakap. Lalo akong naiyak. I need my mom now.

"Ssh. Iiyak mo lang yan."mas lalong lumakas ang pagngawa ko.

"M-Mama...baket ganon?dati naman masaya ako kasi in-love na ako..mama baket masakit? Parang...parang pinupunit ang puso ko...Mama pacheck-up na tayo. Baka kasi may...sugat na eh.."

Alam kong basa na ang blouse ni Mama dahil sa luha ko. Masakit lang kasi talaga eh. Hinimas ni mama ang likod ko.

"Hay. Bata ka pa nga. Kung pwede lang na ako nalang nasasaktan ngayon at hindi ikaw."

Hinarap nya ako saka hinalikan sa noo.

"Parte yan ng pagmamahal anak. No pain no love."

Ganon pala yun? Kung alam ko lang na masasaktan lang palga ako ng ganito eh di sana di nalang ako nagmahal. Ang hirap pala eh.

*ring-ring*

Tiningnan ko ang cellphone ko sa bed ko.

Maxx Calling.......

Baket naman sya tumatawag? Nasaktan na nya ako diba? Di pa ba sya nakontento?!

"Hindi mo ba sasagutin?"Tanong ni Mama. Umiling ako.

"Tama na. Masakit na kasi eh."

"Sige anak. Pag okay

Ka na bumaba ka nalang ha? I love you anak."

"I love you too Ma."

Tumayo na sya saka pumunta na sa pinto.

"Pahinga ka. Then mag-uusap tayo."

Ngumiti lang ako saka sya tuluyang lumabas ng pinto.

I hate this feeling. Ang sakit.

***

Jaydee POV

"Maxx!"

Pagharap na pagharap nya tinulak ko sya agad dahilan para mapaupo sya sa sahig. How could he?! Sinaktan nya si Sammy!

Kung di dahil sa Mama ni Sammy di ko pa malalaman. This kid! Namumuro na talaga sya eh!

"Ano bang problema mo ha?!"sigaw nya

"Ikaw ang may problema! You hurt her! Ano pa bang gusto mo ha Maxx?! Lahat nalang ba ng babaeng mahal ko sasaktan mo?! Una si....ahh sh*t!"

Nasuntok ko na sya sa sobrang inis pero di sya gumaganti. Huh! Guilty strikes him! Mangaagaw! Manloloko! Pinagbigyan ko na sya twice. Pero tama na. Sobra sobra na.

"Wala kang alam Jayd-"

"Alam ko! Ano pa ha Maxx ano pa?! Nakakaasar kana eh. Pinagbigyan kita kay Chelsea...nagparaya ako kasi ikaw ang gusto nya. Tapos kung kelan naman mahal ko na si Sam doon ka naman pumasok sa buhay namin. Oo nagpatalo nanaman ako. Kasi ikaw din ang mahal nya! Tungunu Maxx!!! Ang swerte mong itlog ka!"

Tumayo sya saka ako hinarap. Gustong-gusto ko na syang sapakin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko at baka 14 years old palang ako eh bilanggo na ako sa salang pagpatay.

"Jayd-"

"You cant touch  her anymore. Nor talk to her. Cause i make sure...she's going to be mine and it's final Maxx..but this time...hindi ko na sya isusuko."

Tumalikod na ako saka sya iniwan doon. Yeah i love Sammy. At alam ko...para sya saken. She deserves to.be loved not to treated like she's just nothing. Ipaglalaban ko na sya....

Ang babaeng nakatadhana para saken.

****

A/N so guys....Maxx o Jaydee??

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon