Maxx Buenavista POV
Nakatitig lang kami sa isa't-isa na parang konting pikit lang mawawala na ang isa saamin. Nakakunot pa ang noo nito na halatang hindi nagsi-sink-in sa utak nya ang mga sinabi ko.
Tanga mo Maxx, pagkatapos mong paiyakin a-i love you-han mo lang. Sermon ko sa isip ko.Wala syang reaction na umiwas ng tingin. Buti narin yun. Masyado lang akong nadala ng feeling ko. Oo, nagseselos ako, paano nag i love you na pala sakanya si Jaydee. Tapos anong sunod? Ligaw na?! Shiz, hindi pwede. She's mine, only mine. At gagawin ko ang lahat para sa huli, kami parin.
"Jaydee okay na. Ayos na lahat! Oh em gee tuloy na talaga mamaya?!"Halatang kinikilig na sigaw ni Chrysta
Ano kaya yun? Tanong ko sa isip ko. Psh, pake ko ba sa Ulogong na Jaydee na yan. Alam nya namang mahal ko si Sammy eto sya't dikit ng dikit sakanya. Alam ko namang gumaganti lang sya kasi ako yung minahal ni Chelsea at hindi sya. Kasalanan ko bang gwapo ako.
"Good morning class."bati.ng teacher pagdating nya. Gaya ng ginawa nya binati rin namin sya.
Buong buhay ko si Sammy lang ang minahal ko. Nasa tyan pa nga lang ata kami ng nanay namin niligawan ko na sya eh. Kaya di ako.makakapayag na mapunta lang sya sa iba. Aalamin ko ang bawat kilos ni Jaydee.
"Sam"rinig kong bulong ni Jaydee kay Sammy. Pasimple akong nakinig sa usapan nila habang nakatingin sa Teacher na ngayo'y nagle-lecture na.
"Oh?"inis na sagot sakanya ni Sam. Ha, buti nga sayo.
"Ito naman masyadong highblood haha"pasimpleng biro ni Jayd na obvious namang di gumana kay Sammy. Trying hard, ako lang ang nakakapag pangiti ng totoo kay Sammy and that's the fact.
"Mamaya. Sa rooftop, may ipapakita ako sayo."nanlaki ang tenga ko ng marinig ang sinabi ni Jaydee. Ano namang ipapakita ng baklang ito sa Sammy ko?
"Baket? Ano ba yun?"inis paring tanong ni Sammy. Shiz, wag mong sasabihing magtatapat na talaga sakanya si Jaydee?! Naikuyom ko na yung kamao ko. Tangna pag naagaw sya ni Jaydee saken di ko mapapatawad ang sarili ko.
"Basta"kita ko sa peripheral vision ko ang pagkindat nya kay Sammy. Gagz, i need to do something para di iyon matuloy.
------
"Class dismiss"malakas na sambit ng teacher. Di pa man ako nakakagalaw eh nahila na ni Jaydee si Sammy sa kamay palabas ng classroom. Punong selos ang nanalaytay sa buong sistema ko.
That should be me holding her hands. Pero imbis na magdrama kinuha ko na ang bag ko saka sila sinundan. Pero bago pa man ako makalabas ng room hinarang na ako ng kambal.
"Saan ka pupunta?"tanong ni Chloe na inaayos pa ang cap nya. Ah damn kailangan kong maabutan sila Sammy. Baka mamaya pagdating ko sila na. Hindi ito pwede.
"Look. Chrys, Chlo kailangan ko silang sundan kasi-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumapit sakin si Chrysta saka ako inilayo sa pinto.
"Hindi pwede. Naman Maxx, dumada-moves na yung tropa ko sa bestfriend ko eh. Wag mo ng guluhin pa ang plano."inis na saad ni Chloe. Hindi, kailangan ko silang maabutan. At ano? Nanliligaw na si Jaydee? Ah shiz naman.
"Akala ko ba hindi mo mahal si Sam? Bakit kung umasta ka daig mo pa ang naagawan ng gadget?"
"MAHAL KO SYA!"galit kong sigaw kay Chrysta. Nakakabanas na eh. Andun na sila sa rooftop at hindi na ako mapakali.
Sa pagsigaw ko nasuntok na ako ni Chloe sa braso.
"Eh g*go ka pala rh! Mahal mo tapos pinaitak mo?! Ganyan kaba mag-mahal?!"halata ko sa mga mata nila ang pagkainis ng sobra. Di'ko sila masisisi, saksi sila sa lahat ng sakit na dinanas ni Sammy dahil SAKIN.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionSometimes I HATE him...but Sometimes I LOVE him... makulit sya, pang-asar, playboy, astigin at mayabang. sino ba namang magkakagusto sa katulad nya? 14 years old palang ang dami ng ex! pero...minahal ko parin sya. hindi ko alam kung bakit... basta a...